“Ikaw?!” gulat na gulat kong bungad sa kanila. “Hello, babe? What happened?” Dahil sa boses ni Dane sa kabilang linya ay saka lang ako natauhan na kausap ko pa nga pala siya. What the frick! I immediately cleared my throat at tinalikuran sila Mike. Ibinalik ko ang sarili kong atensyon kay Dane na nasa kabilang linya. “N-Nothing babe. Mike’s thing, you know…” paliwanag ko. “Anyway, I will hang the call na ha. My client is here already.” dagdag ko. “Oh, I see. Sure sure, babe. Call me when you guys are done, ‘kay?” aniya. Kahit hindi niya ako nakikita ay tumango ako. Sinulyapan ko sila Mike at sa hindi inaasahan ay nagtama ang paningin namin ni Marco. Una akong umiwas, baka mamaya ano pang sabihin ng iba. “Okay. I love you.” sagot ko. “I love you too. Take care.” “You too. Bye!”

