Hours. Days. Weeks had passed but the way he acted in front of me worsened everyday. Halos lahat ata ng paraan para makabawi ako sa kaniya ay sinubukan ko pero hindi talaga gumagana. Kada umaga, bago ako magpatuloy sa mga disenyong ginagawa ko eh ako ang naghahanda ng breakfast sa kaniya. Pinapapasok naman niya ako sa kwarto pero hindi niya ako hinahayaan na kausapin siya. 1 week. 7 days. Ika-pitong araw niya na akong hindi kinikibo o kinakausap man lang. Kapag nagsasalubong kami, siya agad ang unang umiiwas. Kapag nagtatagpo ang mga mata namin, siya ang unang una na iwas. Kapag susubukan kong magsalita, tatayo siya at aalis. Kung hindi lalabas ng bahay, aakyat sa kwarto. Isang linggo na pero hindi pa din kami nakakapag-usap. Ayoko ng ganito. Ngayon, nagluto ako ng agahan niya bago ako

