Naging tahimik ang buong byahe namin papuntang hotel. Una nila akong ibinaba dahil kailangan ko pang mag-ayos for the wedding sa simbahan, samantalang sila ay didiretso na doon. Pagkababa ko ay nagpasalamat ako. Hindi ko siya tinignan pero nakuha nung bata ang atensyon ko, nagpaalam kasi siya sa akin kaya naman wala akong nagawa kundi kausapin siya at mag-paalam. Ayoko namang magmukhang masama sa harap ng bata. “Bye po!” ani nung bata sabay kaway sa akin. Ngumiti ako at kumaway din saktong pagbaba ko. “B-Bye din!” Doon ko nakita ang mukha ng bata sa malapitan. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot at kirot sa dibdib. Napasulyap ako kay Marco. Kamukhang kamukha niya ang bata at hindi mo maitatanggi na anak niya nga ito. Hindi na ako nagsalita pa. Tumalikod agad ako dahil nakaramdam ako ng

