Dane's POV Hindi ko pa din lubos maisip at maintindihan lahat ng sinabi ni Mia sa akin nung mga nakaraang araw. Tumatak pa din sa akin lahat—hindi ko alam kung seryoso ba siya o baka nagbibiro lang. Pero hindi eh, I know Mia, once she said it, she meant it. "Seryoso ako Dane, kapag hindi pa din bumalik sayo si Ayla.. Liligawan kita!" Alam kong mali yung sinabi ko at manghingi ng tulong kay Mia. Gusto ko lang naman talaga eh malabas ang sama ng loob ko. Sobrang mahal ko talaga si Ayla. Pero ngayon, nababagabag na ako at nakokonsensya nung malaman ko na gusto pala ako ni Mia. Si Mia na bestfriend ko... Mia's POV Sinasabunutan ko yung buhok ko dahil sa kahihiyan na ngayon lang nag-sink-in sa akin yung mga salitang binitawan ko. Ilang araw na ang nakalipas pero ngayon lang nag-sink in sa

