Kagaya nga ng napag-usapan ay sinundo ako ni Marco. Medyo bongga yung suot ko. Naka tube silky dress ako at bloody red na heels. Nilugay ko din yung maitim at straight kong buhok. Tapos purse na black ang dala ko. Pinagkasya ko na doon yung powder ko, phone at cash and cards. Hindi ko nga alam kung over dressed ba ako or ewan, pero feel ko kasi bongga yung event kaya ito na yung sinuot ko. Nasa loob na kami ng sasakyan at hindi pa din ako mapakali. "I know feel nervous right now, Mia. Don't worry, we just need to act like we are both in a relationship, okay?" he said while driving. Tumango na lang ako. "Paano kung marami silang itanong tapos hindi tugma yung mga sagot natin at mabuko tayo? Baka ipahiya ako ng mga kamag-anak mo doon, Marco." Medyo nagpapanic na ako ng very light. Hindi ko

