✧FAITH ZEICAN LEE✧ LUMAPIT ako kay Poppy at inilapag sa harap niya 'yong tinimpla kong gatas. Bahagya niya 'kong nginitian. "Salamat, Ku—" Saglit siyang natigilan at nahihiyang natawa. "Faith pala. Pasensya na, nalilito pa rin ako minsan." "Okay lang. Masasanay ka rin." Naupo ako sa katapat niyang upuan. Maliit lang ang bilog na wooden coffee table kaya halos magkalapit pa rin kami. May nakasindi pang ilaw sa balcony kaya 'yon ang nagbibigay liwanag sa 'min, idagdag pa ang sinag ng buwan sa taas at mga bituin. "Kumusta pakiramdam mo? Okay ka na?" Tumango siya. "Lagi naman akong okay kapag narito 'ko sa inyo. Hindi ko lang inaasahan 'yong pagdating kanina ni Ate Chloe." Dumukwang siya sa 'kin at hindi ko inaasahan ang pag-angat ng isang kamay niya sa pisngi ko, sa parteng sinampal ni Chl

