✿ SUMMER ✿ ISANG oras pa lang mula nang makaalis sina Kuya Faith at Ate Chloe nang dumating si Tito Ryan at Tita Wynter sa bahay para ihatid si Meng at Sunny. "Uy! Narito na pala 'yong pinsan naming Disney Princesses!" Natatawa si Kuya Hope na sumalubong sa kanila. Kasama rin nila Tito Ryan si Moy, pero 'yong dalawang girls lang ang nakagayak dahil for girls only ang lakad namin ngayon. Pumayag sila dahil alam nilang kasama rin namin si Tita Baby. Pero wala pa ito, papunta pa lang. "Kuya Hope, lumayo-layo ka muna. Maaga pa para manghiram ka ng mukha sa aso. Ganitong ka-a-attend ko lang ng Krav Maga lesson ko kahapon, sinasabi ko sa 'yo. Kahit ikaw ang pinakapaboritong pamangkin ni Daddy, hindi kita sasantuhin," lakas-loob na sabi ni Meng sa kaniya kaya natawa si Moy at ang parents niya.

