✧FAITH ZEICAN LEE✧ MAAGA akong gumising kinabukasan dahil excited ako sa unang umaga na pagsasaluhan namin ni Poppy na kaming dalawa lang. Pero bago ako lumabas sa kuwarto, ginawa ko na muna ang morning routine ko para masigurong okay ang itsura ko. Paglabas ko sa kuwarto, napansin kong bukas na 'yong pinto ng kuwarto ni Poppy. Humakbang ako palapit at sumilip, only to find the room empty. Napangiti ako. Siguro nasa baba na siya at naggagayak ng almusal namin. Still smiling, I made my way down the stairs towards the kitchen. As I reached the wide doorway, I saw her setting the table. The morning light filtered through the windows, casting a warm glow on her as she carefully arranged the dishes. "Good morning, Ma'am Pop—" I halted abruptly when I saw her up close. Sobrang putla niya at

