✧FAITH ZEICAN LEE✧ NAPATITIG ako kay Poppy matapos ang sinabi niya. Hindi siya marunong magbasa? Kaya pala. Ngayon, malinaw na sa 'kin kung bakit tila wala siyang ideya kanina na ako ang tumawag sa kaniya. Malinaw na kung bakit hirap din siyang gumamit ng cell phone. Dahil ang isang taong marunong bumasa, kayang sundan at i-explore ang isang gadget kung nababasa niya ang mga dapat pindutin. Pero si Poppy, wala siyang ideya sa mga nakasulat doon. 'Yon din ang nakikita kong dahilan ngayon kung bakit siya naligaw kanina. Dahil hindi niya kayang basahin kung nasaang palapag na siya, gayong mayroon namang mga signages na matatanaw sa taas. Pero bakit? Bakit hindi siya marunong magbasa? Hindi ba siya pinag-aral ng parents niya? My chest tightened as I pondered that thought. It felt like I wan

