Bride's New Life

4161 Words
What’s taking you so long?” tanong ni Andrew na biglang binuksan ang pinto. Biglang natigilan ang binata nang makita nang bahagya ang likod nang dalaga na may mga pulang latay. “Hindi ka ba marunong kumatok?” biglang wika nang dalaga saka isinuot nang maayos ang roba niya. Nakaharap siya noon sa salamin habang tinitingnan ang mga latay niya sa likod. Mga latay iyon na dulot nang mga hataw ni Melissa sa kanya. “I’m sorry. You were taking so long.” Wika nang binata saka pumasok at isinara ang pinto saka napatingin sa dalaga. Nagbalik sa kanya ang reaksyon nang dalaga noon hinawakan niya ang likod nito. “Girl’s usually takes time to get ready.” “Anong nangyari sa likod mo?” tanong ni Andrew sa dalaga nang binuksan nito ang closet kung saan nakalagay ang mga damit niya. Bigla namang natigilan ang dalaga dahil sa tanong nang binata. “Wala ito. I am just clumsy sometimes.” Wika ni Anica at isinara ang pinto nang closet nang makakuha nang damit. Bigla siyang natigilan nang mapansin ang tingin sa kanya nang binata tingin na para bang sinasabi na hindi ito na niniwala sa kanya. “I mean it. ” wika nang dalaga saka tumingin sa binata. “Hindi ka ba lalabas? Magbibihis ako.” Wika niya sa binata.  Saka tumingin dito. Hindi naman kaagad sumagot ang binata bagkus ay napatingin din ito sa kanya. “H-hindi ka ba lalabas?” maya-maya ay tanong nang dalaga nang walang sagot mula sa binata. “Make it quick. I don’t have the whole day to stall time with you.” Wika nang binata saka tumalikod at naglakad patungo sa pinto. “Yeah, Yeah Icy General.” Pinakinggan lang nang binata ang sinabi nang dalaga saka lumabas sa silid. “He is nosy all right.” Wika nang dalaga saka napabuntong hininga nang makalabas ang binata. Saka napaisip. Ano kaya ang sasabihin nang binata kapag nalaman nito na ang mga latay niya sa likod ay dulot nang pagbubugbog nang asawa nang papa niya. Kahit sinabi niyang wala iyon nakikita niya sa mata nang binata na hindi ito na niniwala. *** Sir” Sabay-sabay na wika nang mga sundalo nang biglang dumating si Andrew sa training ground. Nang makita ni Rafael ang kinilos nang mga Sundalo agad niyang nilingon ang tinitingnan nang mga ito. Nakatayo sa likod niya ang binatang naka camouflage na uniporme. “General!” wika ni Rafael na agad sumaludo sa binatang dumating. Saludo din naman ang tinugod nang binata saka ibinaba nang mga sundalo at ni Rafael ang kamay nila. “Dumating na ba ang mga bagong miyembro nang Task force wolf?” tanong ni Andrew sa binata. “Nasa Dorm sila at iniaayos ang mga gamit nila. In 5 minutes I asked them to assemble here.” Wika ni Rafael saka napatingin sa wrist watch niya. “All right.” Wika ni Andrew saka naglakad patungo sa mga nakahiliang sundalo. “You are dismissed.” Wika nang binata. “Yes sir.” Sabay-sabay na wika nang mga ito saka isang hanay na umalis. Naiwan naman doon sina Rafael at Andrew upang hintayin ang mga bagong miyembro nang special task force na binuo nang joint forces. “I saw the news about your marriage.” Wika ni Rafael sa binata. Matapos ang kanilang family Dinner. Pormal na ini anunsyo nina Edmund at Menandro ang tungkol sa kasal nang kanilang mga anak. Ikinuwento din nila sa media ang estorya nang kanilang pagkakaibigan at kung bakit magpapakasal ang mga anak nila. “Akalain mo. Napaka old fashion nang mga magulang niyo. Pero hindi ba’t napaka bata nang mapapangasawa mo?” Tanong ni Rafael. “Dahil sa balitang ito kalat na rin sa buong bansa kung sino ang young General na magaling sa tactics and Strategies. They even called you the demon general. Ibig ding sabihin nito. Mas marami na ang susunod sa iyo lalo na ang mga taong kalaban mo. Hindi ba mas mapanganib ito para sa magiging asawa mo?” dagdag pa nang binata “They’re here.” Wika ni Andrew na hindi pinansin ang sinabi ni Rafael at nilingon ang pitong sundalo na naka camouflage uniform na tumatakbo papalapit sa kanila. Agad namang napalingon si Rafael sa tinitingnan ni Andrew. Huminto sa harap nila ang Pito sabay tindig nang maayos habang naka tikas pahinga.  Isang sundalo ang lumapit sa kanila at iniabot kay Andrew ang isang folder kung saan nilalaman ang mga impormasyon tungkol sa mga sundalong nasa harap niya. Isa-isang binasa ni Andrew ang mga impormasyon saka ibinigay muli sa sundalo at sinabing pwede na itong bumalik sa ginawa nito. “I suppose you all know why you are here?” Tanong ni Andrew sa mga sundalo. “Yes sir.” Sabay-sabay na wika nang mga ito. “However,  being here is not a gurantee that you will be able to join my special unit. As you all know, I have a very stringent training regimen. Anyone who can’t keep up will be left behind. And you will be on your way home in no time. Do I made myself clear soldiers.” “Yes Sir.” Malakas na wika nang mga ito. “Capt. Let’s with a 50 KM run with gears on.” Wika ni Andrew. Ilang sandali pa ay lumapit sa kanila ang ilang sundalong may dalang bag at rifles na. “All right ladies. Let’s go.” Wika ni Rafael saka kumuha nang isang bag at rifle saka nagsimulang tumakbo. Sunod din namang kumilos ang pito pang mga sundalo na kumuha din nang bag saka sumunod kay Rafael. Nang una ay sa patag lang sila tumatakbo. Hanggang sa biglang dumaan si Andrew at Rafael sa mataring na daanan at umakyat nang bundok. Mas lalo pang naging mahirap ang takbo nila. Hindi paman sila nakakabawi mula sa pag-akyat nang matarik na bundok ay muling tumakbo pababa ang sina Rafael at Andrew na para bang wala lang ang matarik na bundok. Nang makababa sila nang bundok halos bumibigay na ang mga tuhod nang pitong bagong dating. Kailangan pa nilang tumakbo pabalik nang kampo. Naabutan na sila nang takip silip dahil sa takbong ginawa nila. Halos hapos na sila sa hangin ngunit si Rafael at Andrew ay tila hindi pa. nang makabalik sila nang kampo agad na humiga sa damuhan ang pito kahit hindi pa natatanggal sa likod nila ang kanilang mga bag. “This isn’t the real deal yet soldiers.” Wika ni Rafael saka ibinaba ang bag sa damuhan. “Let’s wrap it up with this. Rest and get yourselves clean.” Wika ni Andrew saka bumaling kay Rafael. “Take care of them. Make sure they’ll eat.” Wika niya dito. “Yes Sir. Hindi ka ba dito matutulog sa kampo?” Tanong ni Rafael nang biglang tumalikod si Andrew at akmang aalis. “I’ll be back tomorrow.” Wika nang binata saka naglakad papalayo. “Paano siya nakakatayo matapos ang ganoong klaseng takbo?” habol na hiningang wika nang isang sundalo habang nakahiga. “I’ve heard so much about him mula sa ilang trainees na nag quit. He is a Demon. As so they describe him.” Wika pa nang isa. “Shut it ang save your energy.” Wika ni Rafael. “You expect yourselfe to join the Special task force with this stamina? Just go back and quit.” Wika ni Rafael saka kinuha ang bag niya at umalis. “For some reason he is getting on my nerves.” Wika nang isang binata. “Just shut it and rest.” Wika naman nang isang dalaga saka tumingala. “This is not the real deal yet? Are you kidding me?” inis na wika nang isang sundalo saka napasuntok sa damuhan. “We will have to deal with something like this every day?” “Shut up and just rest.” Wika pa nang isang dalaga.  **** Paano nga ba ako babalik sa mansion? Hindi ko naitanong kay Shin ang daan pauwi o kung ano ang sasakyan. Kung magtataxi naman ako. Hindi ko alam ang address. Hindi ko rin siya matawagan. Hindi ko alam ang number niya.” Wika ni Anica habang nakatayo sa gate nang university. Halos kalahating oras na siyang nakatayo sa may gate at nag-iisip kung papaano babalik sa mansion nang mga Bryant. Hindi rin naman sinabi sa kanya ni Andrew kung susunduin siya nito. “I guess I don’t have a choice.” Wika ni Anica saka naglakad patungo sa hintayan nang bus. Inisip niyang umuwi na muna sa bahay nang mama niya. Habang naglalakad si Anica patungo sa bus stop bigla siyang natigilan dahil sa malakas na bosena nang sasakyan. Napaigtad pa siya dahil sa labis na gulat. Huminto sa tapat niya ang kotse. Taka siyang napatingin sa kotse habang unti-unting bumababa ang blinds nang bintana nang sasakyan. Nang tuluyang maibaba ang bintana nang sasakyan. Nakita niya si Andrew na nakasout pa nang Uniporme. “Icy general?” takang tanong dalaga. “Get in.” wika nang binata. Agad namang kumilos ang dalaga saka lumapit sa sasakyan nang binata at binuksan ang pinto. Sasakay na sana siya sa kotse nang biglang may mga kamay na pumigil sa kanya. “Aw.” Biglang daing ni Anica dahil sa marahas na pagkakahawak sa kamay niya saka napalingon kung sino ang pumigil sa kanya. Maging si Andrew na nasa loob nang sasakyan ay napatingin din sa dalaga. Mula sa bintana dalawang anino ang nakikita niya. “Ano ba! Bitiwan mo ako.” Wika ni Anica saka pilit na inaagaw ang kamay sa lalaki. Ngunit lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nang kamay nito. “Kanina ka pa naming tinitingnan miss. Bakit hindi ka nalang sa amin sumama.” Ngumising wika nang isa. “ANo?” bulalas ni Anica. “Huwag ka nang mag-maang-maangan pa. Alam naman namin ang trabaho mo.  Maraming ganyan sa eskwelahan ninyo. Pakunwari anghel pero---” biglang naputol ang sasabihin nang lalaki nang biglang lumipad ang isang kamay ni Anica at tumama sa pisngi nito isang malakas na sampal ang tinugon ni Anica sa lalaki. “Ikaw----” gigil na wika nang lalaki matapos sampalin ni Anica. “Masyado kang matapang. Iyan ang gusto ko lumalaban.” Wika nika nang isang lalaki saka lumapit kay Anica at akmang hahawakan ang dalaga ngunit hindi nito naituloy dahil sa biglang pagbulagta nang lalaki sa lupa. Isang malakas na sipa ang sumalubong dito. Taka namang napatingin ang lalaking may hawak kay Anica sa kasamang natumba. Hindi paman ito nakakabawi ay bigla nitong napansin ang kamay na humawak sa kamay niya ang buong lakas na tinanggal mula sa pagkakawak sa kamay ni Anica. Pakiramdam nang lalaki nadudurog ang buto sa kamay niya dahil sa pagpilipit nang binatang nasa harap niya. Bago pa siya makapagreact ay nasa lupa niya siya dahil sa isang malakas na sipa sa tiyan na ginawad nang lalaki. Agad namang kinabig ni Andrew ang dalaga patungo sa likod niya. Walang ibang nagawa si Anica kundi ang humawak sa likod nang damit ni Andrew. Naroon pa rin ang shock sa kanya dahil sa nangyari. “Sino ka----” malakas na wika nang lalaki ngunit biglang naputol nang makita nila ang nakatayong binatang nakasuot nang uniporme.  Nakita nila ang nangangalit na greyish eyes nito na tila isang lobo na handang umatake. Nang makita nila ang mga mata nang binata biglang kinilabutan ang kanilang buong katawan at tila nanindig ang balahibog. “Get lost.” Wika nang binata. Nagkakandarapang lumayo ang mga lalaki saka nagmamadaling tumakbo. Nang makaalis ang mga lalaki saka naman humarap si Andrew sa dalaga. “Are you okay?” tanong ni Andrew sa dalaga. Saka hinwakan ang braso nito. “I am not. Muntik na akong maging hapunan nang mga buwayang iyon. If only alam ko kung paano bumalik sa mansion niyo.” Wika ni Anica saka napahawak sa kamay niyang nananakit sa pagkakahawak nang lalaki kanina. “Let’s talk about this at home.” Wika ni Andrew saka binuksan ang pinto nang sasakyan upang makapasok sa Anica. Hindi naman kumibo si Anica at tahimik na pumasok. Nang makapasok si Anica ay agad na isinara ni Andrew ang pinto saka lumipat sa driver’s seat. Nang makapasok ang binata doon niya napansin ang namumulang wrist ni Anica. Dahil doon ay napahawak siya nang mahigpit sa manibela na napansin naman nang dalaga. “Is something wrong?” Tanong ni Anica sa binata. “Nothing.” Wika ni Andrew saka binuhay ang ang makina nang sasakyan at umalis sa lugar na iyon. “Thank you---- for saving me.” mahinang wika ni Anica na bumasag sa katahimikan nila. “I was there and it’s my responsibility to help those in need.” Malamig na wika nang binata. “What a standard response. You really live up to you name huh. Icy General.” Inis na wika ni Anica saka inilayo ang tingin sa binata. For some reason she was disappointed sa tugon nang binata. Simple namang tumingin si Andrew sa dalaga. Ngunit hindi kumibo. “Thank you.” Maya-maya ay wika nang dalaga. “If you really mean it. Huwag ka nalang gagawa nang ano mang makakapagpahamak saiyo.” Wika nang binata. “Yer Sir.” Wika nang dalaga at inilayo ang tingin sa kanya. *** Sigurado ba kayong diyan sa unibersidad na iyan nag-aaral ang fiancée nang demon general?” tanong nang isang lalaking nasa back seat nang sasakyan na nakaparada di kalayuan sa gate nang university nina Anica. “Yes sir. Ito ang larawan niya.” Wika nito at iniabot sa lalaki ang isang lawaran na ginupit mula sa pahina nang isang news paper. Ang lawaran na iyon ay kuha mula sa Engagement nila Andrew at Anica. “Ilang taon ko ring hinanap kung sino ang Demon General na ito. Sinong mag-aakalang sa ganitong pagkakataon ko siya makikilala.” Wika nito. “Ipapatikim ko sa kanya ang sakit na mawalan nang mahal sa buhay. ” wika nang lalaki saka nakakuyom nang kamao. Dahilan upang malukot ang larawan na hawak nito. “Nalaman kung ang ina nang fiancée nang General ay ang dating actress na si Alice Sutherland. Ngayon ay mistress nang sikat na businessman na si Alfredo Earhadrt.” “Let’s shake him up a bit. Let’s pay a visit sa kanyang mother-in-law to be.” “Kung uunahin nating atakihin ang malalapit sa fiancée niya. Unti-unting lalayo sa kanya ang loob nang babae at pwede na natin siyang atakehin kung saan siya hindi handa. Ganoon ba ang plano niyo sir?” wika nang lalaki. Ngisi lang ang tugon nito.  *** Anong nangyayari?” takang tanong ni Anica nang dumating sa flower shop nang mama niya at makitang may mga pulis at ambulansya. Marami ding mga reporter at media sa paligid. Nagmamadali siyang lumapit nang makita ang sitwasyon. Ngunit bigla siyang pinigilan nang mga pulis nang magtangka siyang pumasok sa yellow line.  “Teka lang sandali. Gusto kung malaman kung anong nangyari sa mama ko.” Napupumiglas na wika ni Anica na nagpupumilit na makapasok. Habang napipiplit si Anica na makapasok, napansin niya ang mama niya nakahiga sa stretcher habang dinadala papasok sa ambulansya. “Ma.” Wika ni Anica na agad na lumapit sa mama niya. Natuptop niya ang kanyang bibig nang makita ang duguang ulo nang mama niya at may cast ang leeg. Hindi alam nang dalaga ang gagawin tinangka niyang hawakan ang ulo nang mama niya ngunit natakot siya. Saka tumulo ang luha niya at napahawak sa kamay nito. Wala siyang ibang nagawa kundi ang umiiyak habang nagtatanong kung anong nangyari at kung sino ang may gawa nang bagay na iyon sa mama niya. “Ikaw ba ang anak niya?” tanong nang isang medic. Tango lang ang tinugon ni Anica habang umiiyak at nakatingin sa mukha nang mama niya. “SUmama na kayo sa hospital.” Wika nito saka ipinasok ang stretcher sa ambulansya. Agad din namang sumakay si Anica sa ambulansya. *** Andrew!” wika ni Rafael na pumasok sa loob nang opisina ni Andrew. Taka namang napatingin ang binata sa bagong dating. “Panoorin mo ‘to.” Wika ni Rafael saka binuksan ang TV sa loob nang opisina ni Andrew. Nang buksan nito ang TV agad na bumulagta sa kanila ang balita tungkol sa pag-atake nang mga di kilalang lalaki sa flower shop nang dating actress na si Alice Sutherland. Sa balita, ipinakita ang wasak na mga gamit sa loob nang flower shop at dalawang katulong ni Alice na sugatan. Ipinakita din sa balita ang pagdala kay Alice sa hospital. Biglang napatayo si Andrew sa kinauupuan nang makita si Anica na umiiyak habang isinasakay sa ambulansya ang mama niya. “Dalhin mo ang task force sa crime scene. Maghanap kayo nang lead tungkol sa pag-atake.” Wika ni Andrew saka kinuha ang susi nang sasakyan niya. ** Dumating si Andrew sa hospital. Nang pumasok siya una niyang hinanap si Anica. Ang nurse mula sa information desk ang nagsabi sa kanya na nasa OR ang mama ni Anica at malubha ang lagi dahil sa sugat sa ulo nito. Nagmamadali namang Nagtungo si Andrew sa OR at doon Nakita niya si Anica na hawak ang kamay nitong may dugo. Nakatingin lang ito sa kamay niya. “Anya.” Wika ni Andrew na huminto sa tapat ni Anica. Nang marinig ni ANica ang boses nang binata ay nag-angat siya nang tingin. Nang makita niya ang mukha ni Andrew muling tumulo ang luha niya habang nangingig ang kamay. “Hey.” Masuyong wika ni Andrew saka tumabi sa dalaga at hinawakan ang kamay nito. “It’ okay now. She is going to be okay.” Mahinang wika ni Andrew saka kinabig ang dalaga papalapit sa kanya at niyakap. “I’m scared.” Wika ni Anica saka malayang umiyak sa bisig ni Andrew. Napahigpit naman ang hawak nang binata sa nanginginig na kamay nang dalaga. TIyak niya labis itong natatakot dahil sa nangyari sa mama niya. Matagal bago tumahan si Anica sa pag-iyak. And they stay on that position for a while. Iyon din ang inabutan nang pamilya ni Anica nang dumating sila. “Anica! Anong nangyari sa mama mo?” tanong ni Alfredo na dumating kasama sina Melissa, Daniella at Natasha.  “General.” Wika ni Alfredo nang mapansin si Andrew.  Ang dalawang dalaga naman ay naningkit nang makita ang magkayakap na sina Andrew at Anica. Lumayo naman si Anica kay Andrew at humarap sa ama niya. Nakita nila ang namumugtong mata nang dalaga dahil sa labis na pag-iyak. Tinangka niyang magsalita ngunit parang ayaw lumabas nang boses niya. “Nasa loob parin nang operating room si Tita Alice.” Salo ni Andrew sa sasabihin ni Anica sabay pisil sa kamay nang dalaga. “They’ve been there for 3 hours now.” Dagdag nang binata. “Who could have done such things.” Wika ni Alfredo. “I have already dispatch my team to check on what happen. Don’t worry sir. I will make sure to capture those responsible for this.” Wika ni Andrew saka muling pinisil ang kamay ni Anica. “Look at you.” Wika ni Melissa sa dalaga. “You’re a mess. Bakit hindi ka muna mag linis nang kamay mo.” Dagdag pa nito. “Napakaraming reporters and Media personnel sa labas nang lahat gustong malaman kung anong nangyari sa mother in-law to be nang famous general.” Wika ni Daniella. Sabay tingin kay Anica na nakababa ang tingin habang hawak ni Andrew ang kamay nito. Habang nakikita niya ang dalawa lalo siyang naiinis. “Miss Anica?” tanong nang isang nurse na lumapit sa dalaga. Napatingala naman si Anica nang lumapit sa kanya ang Nurse. “May nagpapaabot po nito.” Wika nang babae saka iniabot kay Anica ang isang sobre. Nanginginig naman na tinanggap ni Anica ang Sobre saka binuksan. Nang Mabasa ni Anica ang nakasulat sa papel ay agad niyang nabitiwan iyon. “Bakit?” takang tanong ni Alfredo nang makita ang reaksyon nang anak. Agad namang kinuha ni Andrew ang papel at binasa ang nasa loob. May mga nakasulat doon gamit ang mga ginupit na letra mula sa dyaryo at ang mukha nang dalaga na may malaking ekes. This is just the beginning of your life in hell with the Demon iyon ang nakasulat sa papel.  “Sino ang nagbigay sa iyo nito?” Tanong ni Andrew sa babaeng nurse. “I-isang bata po.” Wika nang Nurse. Agad namang tumayo si Andrew saka akmang aalis ngunit bago pa siya makaalis ay hinawakan ni Anica ang kamay niya. Agad namang napalingon si Andrew sa dalaga. “It’s okay. I’ll be back.” Wika ni Andrew saka hinawakan ang kamay ni Anica sakay tinanggal mula sa pagkakahawak sa kanya saka nagmamadaling umalis kasama ang nurse. Hindi na nila naabutan ang batang sinasabi nang nurse. Sa labas nang Hospital napatingin si Andrew sa paligid upang tingnan kung may mga CCTV cameras. “Saan ang control room niyo?” tanong nang binata. “Hindi po kayo pwedeng pumasok doon sir.” Wika nang nurse. Ngunit hindi nakinig sa kanya ang binata at bumalik sa pagpasok sa hospital saka hinanap kung saan ang control room para makita ang CCTV nang footage nang hospital. “Sir. Hindi kayo pwedeng pumasok dito.” Sa halip na sumagot ay ipinakita ni Andrew ang ID niya. “I need to check you CCTV footage for investigation. Can I do that?” tanong nang binata sa bantay nang Silid. “Y-Yes sir.” Wika nito. Agad namang inutusan ni Andrew ang lalaki na hanapin ang CCTV footage sa labas nang hospital at sa information desk kung saan mag isang batang nag-abot nang sulat sa nurse. Wala silang nakitang footage mula sa labas nang hospital ngunit Nakita nila ang isang batang pumasok sa hospital at iniabot ang sulat sa isang nurse. Kung titingnan mula sa footage masasabi ni Andrew na isang batang lansangan ang batang nag-abot nang sulat. Iniisip niyang marahil ay sa inutusan nang kung sino man ang bata upang mag-abot nang sulat.  “Anong nangyari?” tanong ni Alfredo kay Andrew nang bumalik ang binata sa operating room. “Hindi ko na inabutan yung bata. I also had the CCTV footage checked. Wala ding lead kung sino ang nagbigay nito sa nurse.” Wika ni Andrew. “Marami akong mga kalaban sa Negosyo. But who would have thought they will attacked Alice.” Wika ni Alfredo. “Let’s not conclude that early. Baka naman binabalikan lang si Alice nang mga taong si-------” biglang naputol ang sasabihin ni Melissa nang tumingin sa kanya si Anica. She was looking at her with so much anger. Agad namang napansin ni Andrew ang dalaga. “Akon ang bahalang mag-imbestiga sa nangyari.” Wika ni Andrew saka humarang sa harap ni Anica. Inilayo naman ni Anica ang tingin sa binata kasabay nang pagtulo nang mga luha. Ilang sandali pa ay lumabas na sa operating room ang mga doctor. Agad namang tumayo si Anica upang salubungin ang mga ito. “Doctor. Kumusta po ang mama ko?” Tanong ni Anica. “Ligtas na siya. Successful ang operation. Dadalhin na naming siya sa ICU. But we still have to observe her for the next 24 hours. She had a critical hit sa ulo niya.” Wika ni Nang doctor. Dahil sa sinabi nang doctor biglang napaatras si Anica at pinanghinaan nang tuhod. Kung wala pa sa likod niya si Andrew ay baka bumagsak na ang dalaga. “Andrew, umuwi muna kayo ni Anica. Kailangan niyang magpahinga.” Wika ni Alfredo sa binata saka tumingin sa anak. “Ayoko. Gusto---” “Let’s go home for now.” Wika ni Andrew sa dalaga. His voice was not cold this time. At least that’s what she think. “You have to rest.” Dagdag pa nang binata. “Bumalik nalang tayo bukas.” “Tama si Andrew Hija. Ako na muna ang bahala sa mama mo. Narito din naman si Claire. I will ask her na bantayan ang mama mo.” Wika pa nang ama niya. “Magpapadala ako nang ilang sundalo na magbantay kay Tita Alice. Para maka siguro tayo.” Wika ni Andrew. “Thank you. That would be helpful.” Wika ni Alfredo. Matapos magpaalam nina Andrew at Anica kay Alfredo at Melissa, magkasama silang umalis sa hospital. Nang dumating sila sa bahay nang mga Bryant. Sinalubong sila nang nag-aalalang si Edmund. Agad namang ikinuwento ni Andrew ang nangyari at humingi nang permiso upang makapagpahinga si Anica dahil sa mga nangyari alam niyang kailangan nitong magpahinga nang maaga. Hindi naman tumutol ang matanda dahil nakikita nitong tila balisa pa rin ang dalaga at tila pagod na pagod. “Magpahinga ka na at huwag mo nang isipin ang mga nangyari.” Wika ni Andrew nang makapasok sila sa Silid nila sa mansion. Tumango lang si Anica saka pumasok sa banyo sinundan lang nang tingin ni Andrew ang dalaga. Alam niyang inshock pa din ito sa nangyari. Ang kailangan lang niyang gawin ngayon ay Samahan ito at siguradihing hindi ito mag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD