Shin!” biglang bumalikwas nang bangon si Anica. Nang magmulat siya nang mata wala siyang ibang Nakita sa loob nang silid niya kundi siya lang at ang mga files na binabasa niya. Naisip niyang marahil nakatulog siya dahil sa pagbabasa nang mga files nang kaso ni Lea. Dismayado siyang napatingin sa mga files. Mabigat ang mga mata niya na para bang galing siya sa isang matagal na pag-iyak. Umiiyak ba siya sa panaginip niya? Bigla niyang naalala ang panaginip niya. “Stupid General. Bumalik ka nga ngunit bakit sa panaginip ko lang.” usal nang dalaga sabay tulong nang luha sa mata niya. “This is the second time today that you call me stupid. You have learn how to curse me while I am away.” Wika nang binata na pumasok sa silid nila sa pagkakatayo nito sa Terrace. Agad namang napalingon si Anica

