Are you really sure about this?” tanong ni Claire sa pinsan niya. Nasa bahay siya noon ni Anica kasama si Rafael at ang miyembro nang Task force wolf. Ngayon ang araw nang pag-alis ni Anica. Sa Italy na rin niya tatapusin ang pag-aaral niya kasama ang Mama niya at Lolo niya. Ilang lingo din nilang hinintay si Andrew na bumalik ngunit wala silang narinig mula sa binatang Heneral. Nanatili ding tikom ang bibig nang Navy Admiral sa kung saan nagpunta ang binatang Heneral. “Anica, dapat sa susunod na magkita tayo ulit dapat ang matamis mong ngiti ang sumalubong samin.” Wika ni Trisha sa dalaga. Ngumiti naman ang dalaga sa mga ito. Naging malapit na kaibigan na rin niya ang mga tauhan ni Andrew. At malungkot na aalis siya sa bansa pero ito ang nagging desisyon niya. Kailangan din niyang magpa

