Honeymoon?

3245 Words
Excuse me Miss.” Wika nang isang lalaki kay Anica habang nakaupo siya sa upuan sa loob nang eroplano naghihintay sila sa pag take off nito. Nasa Business class suite sila at ito ang unang beses niyang makasakay nang eroplano. Nag-iisa siya nang mga sandaling iyon dahil nakatanggap nang tawag si Andrew mula sa secretary nang Presidente. Habang nagbabasa siya ay biglang may lumapit sa kanya. Nang marinig ni Anica ang nagsalita simple siyang napatingala. Doon ay Nakita niya ang isang binata na nakasuot nang causal Summer outfit. Matangkad din ito at makisig. “Sorry did I Startled you?” wika nito saka simpleng ngumiti. “Kanina pa kita napapansin and you are alone. Wala ka bang kasama?” tanong nang lalaki sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa binata. “Oh. How rude of me. I’m Allan Ferrer. Kung hindi naman siguro masama gusto kong makipagkaibigan.” Wika nito saka akmang uupo sa tabi ni Anica nang biglang hawakan ni Andrew ang braso nang lalaki. Nang makita ni Anica si Andrew ay agad siyang napatayo mula sa kinauupuan. Agad namang napatingin ang lalaki sa may-ari nang kamay na pumigil sa kanya. “Who are you?” tanong nang lalaki kay Andrew sabay agaw nang braso niya. “Ginugulo ka ba nito?” tanong ni Andrew kay Anica. “H-Hindi.” Sagot naman nang dalaga. “Ginugulo? I was just trying to be friends her. A young woman like her should not be travelling alone.” Wika nang binata. “Well, Thanks for the concern, Romeo. But she is not travelling alone.” Wika nang binata saka lumapit sa dalaga at hinawakan ang kamay nito. Agad namang napadako ang tingin nang lalaki sa kamay nang dalawa saka napansin ang suot na singsing ni Anica at Andrew. “You’re married?” takang tanong nang binata kay Anica. “She is. And if you don’t mind. Can you leave us. I want some time alone with my wife.” Wika nang binata saka naupo at hinatak si Anica paupo. Naawang napatingin si Anica sa lalaki. Bagsak ang balikat nito na bumalik sa kinauupuan. “Umalis lang ako sandali para sagutin ang tawag. Pagbalik ko-----” “It’s not what you think it is.” Agaw nang dalaga.  “Well, I won’t blame you. We are just be married because of-----” biglang natigilan si Andrew nang makitang nakahawak nang mahigpit si Anica sa librong binabasa saka napatingin sa mukha nito. Did I go over board? Tanong nang isip nang binata. “I’m sorry.” Wika ni Andrew saka tanggang hahawakan ang kamay ni Anica ngunit biglang iniiwas ni Anica ang kamay niya saka bumaling sa labas nang bintana. May isang flight steward na lumapit sa kanila at sinabing isuot ang seat belt dahil malapit nang mag take off ang eroplano. Naging tahimik sila sa buong biyahe. Simula nang mag Take off ang eroplano hindi na siya kinausap ni Anica. At pakiramdam ni Andrew ay iniiwasan siya nito. He even know that she fake her sleep para lang di sila magkausap. Nang lumapag ang eroplano sa Airport. Unang tumayo si Andrew. Upang kuhanin ang mga bagahe nila. Ito rin ang unang lumabas. Gusto niyang bigyan nang space si Anica dahil alam niyang galit parin ito dahil sa kanya. That Icy General Iniwan nga ako. Inis na wika ni Anica saka lumabas na eroplano. Naglakad siya patungo sa arrival area nang eroplano ngunit hindi niya makita si Andrew. Hindi niya alam kung saan pupunta dahil ito ang unang beses na lumabas siya nang bansa. Wala din siyang alam sa lugar na napuntahan nila. Napatingin siya sa paligid, Napakaraming tao ang nasa loob nang Airport. At sa kakatingin sa kanila nakakaramdam na siya nang hilo at panghihina nang tuhod. Biglang napaatras ang dalaga at dahil sa hilo naramdaman niyang bigla nang bumigay ang tuhod niya. Nawalan siya nang balance at hindi niya makontrol ang katawan niya. “What Are you doing?” Isang pamilyar na boses ang narinig ni Anica. And that strong arms holding her against her waist. Nararamdaman din niya ang malapad na dibdib nito sa likod niya. Nang marinig niya ang boses na iyon agad siyang napatingin sa likod niya and then he saw Andrew. The person who is holding her right now. “Are you okay?” tanong nang binata. Nang makita niya ang binata bigla siyang nakaramdam nang sense of relief and without her knowing agad na kumilos ang katawan niya saka niyakap ang binata. Ipinulupot niya ang kamay sa bewang nang binata. While her face is in his chest. “Are you crying? Really? Here of all places. Pinagtitinginan tayo nang mga tao.” Wika ni Andrew na naramdaman ang simpleng hikbi nang dalaga. Naramdam din niya ang mahigpit na paghawak nito sa damit niya. Even her shaking hands. “It’s your fault kaya huwag kang mag reklamo. I thought you left me. Wala akong alam sa lugar na ito. Natatakot akong mag-isa.” Umiiyak na wika nang dalaga. “I thought you needed time to think. Kaya kinuha ko na ang mga bagahe natin. I went back but you where not there.” Wika nang binata saka binitawan ang Trolly saka masuyong tinapik ang likod nang dalaga upang patahanin ito. “Are you okay now?” Tanong nang binata matapos ang ilang minuto na ganoon ang ayos nila ni Anica. Pinatitinginan sila nang mga taong dumadaan ngunit hindi wala naman siyang pakia-alam sa sasabihin nang mga ito. “Sorry.” Wika ni Anica saka bahagyang lumayo sa binata. “You don’t have to say sorry, silly.” Wika nang binata saka ipinatong ang kamay sa ulo nang dalaga. Dahil sa ginawa nang binata biglang napasinok si Anica dahilan upang magulat ang dalaga saka natuptop ang bibig at napaatras. Taka namang napatingin ang binata sa dalaga. “Are you okay?” tanong nang binata. “O-of course I am. Let’s go.” Wika ni Anica saka tinalukuran ang binata saka nagpatiuna. “Hey.” Wika nang binata saka kinuha ang trolly saka sumunod sa dalaga, Naghihintay sa labas nang sasakyang maghahatid sa kanila sa hotel kung saan sila mananatili sa dalawang lingo nilang stay doon. Inihatid sila nang driver sa Jade Mountain resort kung saan naka book ang 2 weeks accommodation nila sa kanilang honey moon. Nang dumating sila ay sinalubong sila nang mga crew at isang nagpakilalang butler nila. SInabi din nito na sinabihan na sila ni Don Menandro na ngayon ang dating nila. Inihatid sila nang butler sa kanilang Suite. Ito ang isa sa mga Galaxy Santuary. Nang pumasok sila sa silid. Labis ang pagka mangha ni Anica nang makita ang loob nang silid. May Malaki itong infinity pool at mula sa silid makikita mor in ang tanawin sa labas lalo na ang mga bundok at azul na dagat.  “Wow!” manghang wika ni Anica saka naglakad patungo sa open space malapit sa malaking indoor pool saka napatingin sa magandang tanawin sa labas nang suite. Mula doon kitang kita niya ang luntiang bundok at ang azul na karagatan. “Did you like it?’ tanong ni Andrew sa dalaga. “Very Much.” Masiglang wika ni Anica saka lumingon sa binata na may kasamang matamis na ngiti. Bigla namang natigilan ang binata nang makita ang tila nag niningning na ngiti nang dalaga. Para bang nakakita siya nang isang dyosa while he was looking at her innocent smiling face. “Anong ginawa mo?” bulat na wika nang dalaga na biglang napakurap nang biglang margining ang mahinang tunong mula sa camera nang binata. Noon lang niya napansin ang binata nakatayo at may hawak na camera habang nakatingin sa kanya. “What else would it be?” wika nang binata saka ibinaba ang camera saka naglakad patungo sa kinatatayuan nang dalaga. “Kinunan mo ako nang picture nang hindi manlang nagsasabi?” wika nang dalaga saka sinundan ang binata na naglakad patungo sa unahan. Napahinto ang dalaga sa tabi nang binata saka nila sabay na tiningnan ang magandang tanawin. “Kung kasing payapa lang nang tanawin na ito ang buhay ko---” bilang natigilan ang dalaga nang bilang ilagay nang binata sa kamay nito sa ulo niya saka naman siya napatingin sa binata. Nang bumaling siya sa binata, napatingin lang siya sa mukha nito. Him wearing a simple Tshirt and Pants not the General they use to know. Iniisip ni Anica na he look attractive kahit anong sout niya. And while she is looking at him. At sa lugar na ito noon lang niya lubusang napagtanto na kasal na pala sila. Should she be expecting him treating her like a wife? Would they do things like a real husband and wife would do? Pwede ba siyang mag expect na magugustuhan din siya nang binata? Nasa isang romantic na lugar sila pwede na rin ba siyang mag-isip na pwedeng magkaroon nang mahigpit pa sa contract marriage sa pagitan nila? “Aww!” daing ni Anica nang biglang maramdaman ang ginawanag pagpitik ni Andrew sa noo niya. Dahil sa ginawa nang binata agad siyang napaatras at napahawak sa noo niya. “YAH!” inis na wika nang dalaga. “Stop day dreaming.” Ngumiting wika nang binata saka iniwan ang dalaga. Did he just smile? Tanong nang dalaga habang hawak ang noo niya saka sinundan nang tingin ang binata. Ito ang unang beses na Nakita niya itong ngumiti. It was a simple smile but she can’t deny he has was a 1 level more handsome than he is now. Iyon ang nasa isip ni Anica. “Tatayo ka nalang ba yan? Iiwan kita.” Wika nang binata saka binuksan ang pinto.             “S-saan ka pupunta?” wika nang dalaga saka naglakad papalapit sa binata. “Maglilibot. Sayang naman ang pagpunta natin sa lugar na ito kung hindi natin makikita ang ganda niya.” Wika nang binata saka lumabas. “Teka, hintayin mo ako.” Nag mamadaling wika nang dalaga. At dahil sa pagmamadali niya muntik pa siyang matapilok. Mabuti na lamang at maagap si Andrew at nasalo agad siya sak itinayo nang maayos. “Pwede ba, mag-iingat ka naman. Hindi mo kailangang magmadali. You trip even if there is nothing to trip on. Such a clumsy girl.” Wika nang binata. Napakagat labi naman si ANica saka inayos ang sarili niya. Para bang lahat nang kapalpakan niya nakikita nang binata. Nararamdaman niyang he is taking care of her but he is still as cold as ever. Mukhang naghallucinate lang siya nang makita niya ang nakangiting mukha nang binata. Naging masaya ang pananatili nila sa Jade Mountain Resort. Nagkaroon din sila nang pagkakataong malibot ang ST. Lucia. Naaliw si Anica sa paglilibot nila sa iba’t-ibang tourist spot nang lugar. Unang beses din niyang maka pagscuba diving. At mag jungle Biking. Nagpunta din siya sa iang Cocoa Farm and get to see how chocholates are made. Nagkaroon din sila nang pagkakataon makita ang mango farm nang lugar. Sa unang pagkakataon sa buhay niya. Pakiramdam niya buhay na buhay siya at masaya. May mga pagkakataon ding napapatingin siya kay Andrew na sa kabila nang pagiging seryoso nito, He would make her feel na special siya. At sa pagdaan nang mga araw pakiramdam niya lalong nahuhulog ang loob niya sa binata. Bukod sa pamamasyal wala silang ibang ginawa sa Sta. Lucia. Andrew even sleeps on the couch. Talagang ginagawa nito ang bahagi nang napagkasunduan nila. And at some point. Pakiramdam ni Anica nadidismaya siya nangyayari. “Aalis na tayo? Pero may 4 araw pa tayo diba?” wika ni Anica sa binata nang sabihin  nito. Aalis na sila sa lugar. Ang alam niya dalawang linggo silang naka book sa hotel na iyon. And she is enjoying her stay.  “Yes, May pupuntahan ako. I need to attend to something important.” Ani Andrew habang inaayos ang mga bagahi nila. “Misyon  ba?” Tanong nang dalaga habang nakaupo sa kama at nilalaro-laro nag paa niya Nakatingin din siya sa mga paa niya. Sa puso niya, talagang dismayado siya. Alam naman niyang Mahal na mahal ni Andrew ang trabaho nito. At hindi nito kayang iwan ang trabaho nang ganito katagal. INiisip niyang maswerte siya dahil sinamahan siya nito sa nakalipas na ilang araw. “Ihahatid mo baa ko sa airport bago ka umalis?” tanong nang dalaga. “No. You are coming with me.” wika nang binata saka tumayo. “Ha?” gulat na wika nang dalaga saka napatingin sa binata. “I mean, it that okay? Baka makasagabal ako sa misyon mo.” “I never think about you that way.” Wika nang binata saka ngumiti at inilagay ang kamay na sa ulo niya. “You smile again.” Mahinang wika nang dalaga saka napatinga sa binata. Then their eyes meet. Nakatingin siya sa greyish eyes nito na sa unang tingin iisipin mong napaka expressionless. But when you really look into it you would feel its warm and how that eyese can bring a warm feeling. “You are talking nonsense.” Wika nang binata saka pinitik ang noo niya. “Yah. Why do you always do that.” Reklamo nang dalaga sabay sapo sa noo niya. “Because you keep on daydreaming.” Wika nang binata saka tumalikod sa dalaga at naglakad patungo sa may balkunahe at tumingin sa tanawin. “You know what. I think it was really nice that we get to come here.” Wika nang binata saka lumingon sa dalaga. Biglang napakurap ang binata nang biglang marinig ang shutter mula sa celphone nang dalaga. “Anong ginagawa mo?” gulat na wika nang binata. “Now we are even.” Ngumiti wika nang dalaga sa kanya. “Silly Girl.” Natawang wika ni Andrew saka muling bumaling sa tanawin. Napatingin naman si Anica sa larawang kinuha niya saka napangiti at tumingin sa binata. Hurry and fall in love with me Demon General. Wika nang isip nang dalaga saka muling ngumiti. Hindi naman siguro impossibleng magkagusto rin sa kanya ang binata at hindi rin masama kung gugustuhin niya ito. ** Mama?!” Gulat na wika ni Anica nang makita ang mama niya kasama si Atty. Brambilla na nag-aabang sa kanila sa arrival area nang airport. Taka naman siyang napatingin kay Andrew. Doon lang niya napagtanto kung anong bansa ang pinuntahan nila. Nakita niyang tumango si Andrew sa kanya. Na tila sinasabing okay lang na lapitan nito ang mama niya. Agad na tumakbo ang dalaga papalapit sa mama niya sabay yakap dito na tila ba napakatagal na mula nang huli nilang pagkikita. Tahimik lang na sumunod sa kanila si Andrew habang tinutulak ang trolly na may mga gamit nila. “Andrew. Salamat dahil dinala mo dito ang anak ko.” Wika ni Alice nang makita si Andrew na nakalapit sa kanila saka lumayo sa anak. “Anong ibig niyong sabihin?” Tanong ni Anica na naguguluhan parin. “Noong isang araw tinawagan ako ni Andrew at sinabing dadalaw kayo. Sabi niya you’ve been crying every night at tinatawag mo ako. Napakamalalahanin mo. Maraming Salamat.” Wika pa ni Alice at bumaling sa binata. Taka namang napatingin si Anica sa binata. Was she crying in her sleep? Bakit walang sinasabi si Andrew sa kanya. “Lady Anica. Kanina pa kayo hinihintay nang lolo niyo. Ihahatid ko na kayo.” Wika nang binatang attorney saka lumapit sa kanila. “Oo.” Mahinang wika ni Anica na nasa binata parin ang atensyon but he intentionally direct his attention so somewhere. You are not that Icy at all. Shy demon General. Ngumiting wika nang dalaga habang nakatingin sa binata. Tila lalo pa yata siyang nahuhulog sa binata. He can see right through her. ALam nito ang kailangan niya bago pa man niya sabihin. “You are staring at me so much, Daydreamer.” Wika ni Andrew saka mahinang pinitik ang noo nang dalaga. Agad namang sinapo nang dalaga ang noo niya. “Yah.” Reklamo nang dalaga. Ngunit bigla siyang natigilan at ngumiti. “I’ll let it pass today. Because you----” “Stop talking nonsense.” Agaw nang binata saka nilampasan ang dalaga at naglakad patungo sa sasakyan na naghihintay sa kanila. “Hmmp. Shy Demon General.” Nakangiting wika ni ANica saka sinundan nang tingin ang binata. “May sinasabi ka?” tanong nang mama niya. “Wala po. Tayo na.” ngumiting wika ni Anica. Saka kumapit sa braso nang mama niya saka naglakad patungo sa kotse. “Masaya akong makita kang Energetic ulit. Did you enjoy your honeymoon?” Tanong ni Alice sa anak. “Yep. Very Much.” Ngumiting wika nang dalaga. “That’s good to hear.” Wika ni Alice.  ** Shin!” Tawag ni Anica sa binata sabay takbo papalapit dito. Nakarating na sila sa mansion nang lolo niya. Isang mansion na tila isang palasyo. Masaya siyang malaman na makakasama niya ang mama niya sa loob nang tatlong araw ngunit bigla siyang nalungkot nang sabihin ni Andrew na hindi ito mananatili sa mansion kasama siya dahil may gagawin ito. Kaya siya dinala ni Andrew sa Italya dahil naroon ang misyon nito at upang ihabilin siya sa mama niya habang wala ito. Naiintindihan naman siya iyon kaya lang malungkot parin siya. Hindi niya akalaing iiwan siya nang binata. “Oh, bakit ka sumunod?” tanong nang binata saka huminto sa paglalakad saka napatingin sa dalaga. “Do you really have to leave? I mean. Not that I am selfish or acting like a brat. Kaya lang---” biglang natigilan si Anica nang biglang hawakan ni Andrew ang mukha niya at marahang hinaplos. It was the first time that he caress her face. He is also looking at her with such passionate eyes. If she an interpret it that way or even is he allowed to think about it that way? “I’ll be back.” Wika nang binata saka ibinaba ang kamay at tumalikod. Bigla namang natigilan ang binata nang maramdaman ang paghawak ni Anica sa dulo nang jacket niya. “You have to come back. I’ll be waiting.” Wika nang dalaga. Napangiti naman ang binata dahil sa sinabi nang dalaga. “Try not to cause so much trouble while I am away.” Wika nang binata saka naglakad papalayo. Naramdaman niya ang biglang pagkatanggal nang pagkakahawak ni Anica sa damit niya. It was the first time na pakiramdam niya ang bigat nang mga paa niya habang naglalakad papalayo. “Alam mong iiwan ka rin niya dahil sa mga misyon niya. He is a guy with so much mystery in his personality. Why did you choose to marry such unpredictable guy?” wika ni Atty. Brambilla na nasa tabi na ni ANica at nakatayo. “I think that how it is. When you love a person, you don’t have to find any reason. You just love them unconditionally as they are.” Wika ni Anica na nakatingin parin sa papalayong binata. “Ganoon din ba ang nararamdaman niya?” Tanong nang binata dahilan upang mapaiisp si Anica at mapatingin sa binata. “I see, it’s different for him. You should better stop thinking about him that much. Bago ka masaktan.” Wika nito. “Hindi ba’t kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. Full package na iyon.” “You are saying that because you are still a naïve little girl. Don’t get fooled by him. He is he devil General after all.” Wika ni Atty Brambilla saka tumalikod. Nang hindi na matanaw ni Anica si Andrew saka siya tumalikod at sumunod kay Atty Brambilla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD