Friday afternoon, hayos ayos na ang lahat. Mula gown, mga mamahaling jewelries na suot, maging sa kanyang branded na clutch. Ready na si Claudia upang maki party sa kasalan nila David at Andrea. Bumaba na siya at lahat ng kanyang mga staff ay nakatingin sa kanya. Lahat sila ay nakangiti habang pababa ito ng kanyang hagdan. At nang makarating ito sa kanilang harap, hindi mapigilan ni Claudia na mapangiti na rin. "Everyone, I will attend the party tonight and you can do whatever you want here while I am gone!" habol na pasabi niya pa sabay pasok sa kanyang van patungo sa kasal na gaganapin sa five star hotel nila David. 6:30 pm ng makarating itong si Claudia sa reception area. Inilista ang kanyang pangalan at umakyat sa rooftop. Lahat ng mga invited ay mga negosyante at ilang malalapit

