Chapter 5

2519 Words
"Coleen, bumaba ka na ha. Kakain na tayo eh." sabi ni Athena. Ngayon ang pangalawang araw namin dito resort. "Okay." sagot ko, nakatalikod sakaniya. Ayoko kasing makita niya na namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi. Nang marinig kong nagbukas-sara ang pinto ay saka ako bumangon at pumasok ng banyo para mag-ayos ng sarili. Halata nga ang pamamaga ng mga mata ko. Lumabas ako ng banyo at kinuha ang concealer ko sa bag saka bahagyang naglagay sa ilalim ng mga mata ko para mabawasan ang pagkahalata ng pamamaga. Lumingon ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok. "Coleen, are you awake?" boses ni Mark. Mabilis kong tinapos ang pag-aayos sa sarili at lumapit sa may pinto at binuksan 'yon. "Let's go?" I asked. He sighed. "Are you okay?" I smiled. "Yes. Tara baba na tayo. Nagugutom na 'ko." Sinara ko ang pinto ng kwarto namin at umalis na kami. "Paanong hindi ka magugutom eh hindi ka naman kumain kagabi bago ka matulog." reklamo niya. I chuckled. "Sorry naman. Eto na nga po oh, kakain na diba?" Umirap lang siya. Itong lalaki na 'to, napapadalas na ang pag-irap. Kung hindi lang siya gwapo, iisipin ko nang may pagka-bakla 'to. Nakita ko silang lahat na nakaupo na at handa nang kumain. Kami nalang talaga ni Mark ang hinihintay. "Tagal niyo naman! Naghalikan pa ba kayo?" tanong ni Ryan. Sinimangutan lang namin siya ni Mark. Inalalayan niya akong maupo sa tabi ni Amber tsaka siya naupo sa tabi ko. Ayan na naman siya, lagay na naman siya nang lagay sa pinggan ko. "Aww, sana all sweet! Wala bang maglalagay ng foods sa plate ko?" naka-pout na tanong ni Amber. Nah, pagpaparinig pala. Nilagyan ko siya ng pagkain sa pinggan niya at nagtawanan sila. "Magpakabusog ka. Kailangan mo 'yan." sabi ko at matamis siyang nginitian. Sumimangot naman si Amber sakin. Si Ken naman walang reaksyon. Alam kong nagpaparinig 'to kay Ken na nasa harapan niya pero walang epekto. Hindi naman kasi siya gusto ni Ken. Medyo may pagkababaero pa nga yata 'yan eh. Matapos namin kumain ay nagpunta kami sa tabing-dagat. As usual, maliligo ulit kami maya maya. Siyempre, ano pa nga bang gagawin dito. "Coleen, ang aga mo naman umalis kagabi? Hindi ka na naman sumali sa inuman namin." sabi ni Athena. "Masama nga pakiramdam ko kaya hindi ako makakainom. Saka ikaw ah, inom ka nang inom. Sumbong na talaga kita kay Tito!" Bawal kasi siyang uminom. Kaya patago lang ang pag-inom niya. Kaya nga dati e pag mag-iinuman sila nila Amber palagi niyang tinatapat na sa amin matutulog o kila Arra para hindi malaman nila Tito. Paniguradong grounded 'yan pag nalaman ng parents niya. "Then I'll be grounded for a month. Alam mo namang ayaw ni Dad na umiinom ako diba? Lagot ako don." See? Grounded ang katapat. Natawa sila Liam sa sinabi ni Athena. "Tanda tanda mo na pinaghihigpitan ka pa?" sabi niya. "Duh? 17 palang ako. Makatanda ka diyan! Ikaw nga mukha ka nang tatay eh!" naasar na sagot ni Athena. "Tatay? Tatay ng magiging anak mo ba?" nakataas kilay na tanong ni Liam. Her eyes widened in shock but her cheeks turned red. "It's eww.. you're ugly. Huwag mo nga akong lahian!" Hindi ko naiwasang matawa. "Ngayon ko lang napansin, Athena, bagay pala kayo ni Liam." pang-asar ko sakaniya na lalong ikinapula ng mukha niya kaya natawa na naman ako. "You're blushing. I was just kidding." sabi ni Liam na ikinasimangot naman ni Athena. Umiling-iling nalang ako. Sa huli niyan baka sila rin ang magkatuluyan. Depende pala kung magkakasama pa kami nun. Napalingon ako kila Raizen. Tahimik silang dalawa pero si Michelle ay nakikinig naman at nakikitawa. Maya maya pa ay nag-aya na din silang maligo. Nagpaalam naman ako na magpapalit lang ng damit sandali. Pumasok ako sa kwarto namin at kinuha ang isang swimsuit ko sa bag. Hinubad ko ang damit ko pati ang bra ko para magpalit. "Coleen--what the f**k?!" nagulat ako nang may magsalita sa may pinto. Oh my god! Si Raizen! Mabilis kong kinuha ang damit na hinubad ko at itinakip 'yon sa dibdib ko. Nakita niya! Nakita niya ang boobs ko! T_T "Anong ginagawa mo dito! Hindi ka ba marunong kumatok!" sigaw ko sakaniya. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Pulang pula na siguro ang buong mukha ko ngayon dahil sa hiya. "S-Sorry. Hindi ka rin ba marunong maglock ng pinto?" balik tanong niya. Letse! Nagsorry pa, sinisi rin naman ako! Argh! Nakakahiya! Lupa, kainin mo ako ngayon na! Huhu! "Bakit ka ba kasi nandito?" pinilit kong ikalma ang sarili ko at inisip na normal nalang sakaniya ang makakita ng ganito dahil nga may nangyayari na sakanila ni Michelle pero hindi 'to normal sakin dahil siya palang nakakita nito! Pumasok siya at nilock yung pinto. "I just want us to talk!" "Eh bakit kailangan naka-lock yung pinto?" sigaw ko ulit. "Stop shouting!" saway niya sakin. Lumapit siya sakin. Umatras naman ako. Lumapit pa rin siya. Umatras pa rin ako hanggang sa napasandal na ako sa headboard ng kama. Humigpit ang hawak ko sa damit na nakatakip sa pang-itaas na katawan ko. Ghad! "A-Ano ba? Lumayo ka nga." naiilang kong sabi. Paano ba naman kasi naupo siya sa tabi ko. Malapit na malapit. "What if I don't want to?" mahina niyang tanong. "Raizen. Sinasabi ko sayo. Hindi ako nakikipagbiruan sayo." naiinis na sabi ko sakaniya habang mahigpit pa ring hawak ang damit na nakatakip sa dibdib ko. Nakatitig lang siya sakin at maya maya ay hinawakan ang parehong pisngi ko and there.. I felt his lips on mine. I did not respond to his kiss but I admit.. I love the feeling of his lips pressed against mine. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil hindi ko na napigilan ang halikan din siya. I felt him smile tho I don't even know how to kiss. My first love.. my first kiss. His lips travelled to my cheeks, my nose, eyes and then forehead. He stared at me and I automatically closed my eyes when I felt his lips on mine again. I really don't know how to kiss but I am not ashamed of it because it was Raizen.. "Raizen.." I felt his lips on my neck. Sandali niya 'yong hinalikan bago muling tumingin sa mga mata ko. "I was just teasing you but fvck your lips." He's staring at my lips. Fvck my lips? He was about to kiss me again when we heard someone knocked on the door. "Coleen.. are you done?" It was Mark. Nanlaki ang mata ko at naitulak si Raizen. Bigla ay natauhan ako. Nanlalaki mata akong napatingin kay Raizen na nasa sahig bahang nakahawak sa may balakang niya. Napalakas pala ang tulak ko dahilan para mahulog siya sa kama. "Coleen? Are you okay? What was that?" "Sorry, sorry.." I mouthed to Raizen as I helped him. "Wait lang, Mark! Huwag kang papasok. Magbibihis lang ako!" sigaw ko. "I locked the door, remember?" bulong ni Raizen. Yes and thank God! Sinamaan ko naman siya ng tingin, "Whatever!" bulong ko rin sakaniya. Pumasok na ako sa banyo at mabilis na sinuot ang swimsuit ko. Shit! Nasa kama ang short na ipapatong ko! Nakakahiya man kay Raizen ay lumabas na ako ng banyo saka sinuot ang short ko. Nakatingin naman si Raizen sakin. "Hindi ka pa ba lalabas?" bulong ko sakaniya. He raised his brow, "Then let's go outside para makita ni Mark na magkasama tayo dito." sarkastikong bulong niya rin sakin. Inayos ni Raizen ang strap ng top ko dahil nakapalipit 'yon. Napalunok naman ako. "Go. Labas ka na." mahinang sabi niya. Tumango naman ako at naglakad na palapit sa pinto pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa pwesto ni Raizen ay nahila na niya ako. And the next I knew.. he's kissing me again. "Fvck that lips." bulong niya saka ako binitiwan. I blushed. Inaano ba siya ng labi ko? Hindi na ako nagsalita at lumabas nalang ng kwarto ng tuluyan bago pa siya mang-halik ulit. Kidding. "Tagal mo naman?" salubong sakin ni Mark, nakasimangot. I laughed awkwardly. "Si Mom kasi tumawag kanina kaya hindi ako nakapagpalit agad." Namula ako nang maalala ko yung nangyari kanina. My first kiss.. "Are you okay? Namumula ka." sabi niya. I cleared my throat. "M-Mainit lang." sagot ko at pinaypayan ang sarili ko gamit ang dalawang kamay ko. Naglalakad kami nang mapansin kong pinagtitinginan kami. Ah, baka si Mark lang. Gwapo naman kasi nitong kasama ko eh. "They are looking at you. Ang sexy mo naman kasi masiyado." he said. Nilingon ko naman siya nang naka-kunot ang noo. "Ako? Bakit ako? Sayo kaya sila nakatingin. Gwapo naman kasi ng kasama ko eh." "Nah. Look at those guys, they're looking at you.." panguso niyang tinuro yung mga kalalakihan sa di kalayuan, nakatingin nga sila dito. Umiling nalang ako at hindi na sumagot pa hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan nila Amber. Naliligo na sila kaya sumunod na rin kami ni Mark. Nagbabasaan lang kami at nagtatawanan nang mapansin ko si Raizen na naglalakad papunta sa pwesto namin, habang nakahawak sa balakang niya. Amp! Natatawa ako sa itsura niya. Nakasimangot kasi habang nakatingin sakin na nagpipigil ng tawa sakaniya. Nang tuluyang makalapit samin ay tinanong agad siya ni Michelle, "Babe? Ayos ka lang ba? What happened to you?" nag-aalalang tanong nito. Sinulyapan niya ako kaya umiwas ako ng tingin. "Nalaglag lang ako sa kama, babe. Wala 'to. Ayos lang ako." he answered. Kumunot naman ang noo ni Michelle. "Bakit ka naman nalaglag sa kama? Ano bang ginawa mo?" Si Mark ang sisihin mo, Michelle! Biglang kumatok, nagulat tuloy ako kaya natulak ko 'yang boyfriend mo. He smirked at me. "Wala babe. Tara ligo." sabi niya at hinila palayo si Michelle. Niyakap naman siya nung babae. I couldn't stop myself from rolling my eyes. Tingin kasi nang tingin! Baka mamaya magtaka na mga kasama namin niyan eh. Dahil sa sobrang inis ay nahampas ko ng malakas yung tubig dahilan para matalsikan ang mga kasama ko. Oh my god! "What the fvck, Enriquez?!" inis na sabi ni Athena habang pinipiga piga ang ilong niya. Napasukan siguro. Natakpan ko ng dalawang kamay ko ang bibig ko. "Sorry. Hindi ko sinasadya." sabi ko at nakagat ang labi ko. "Inis na inis?" pang-aasar ni Liam. "Galit na galit?" gatong naman ni Ryan. "Selos na selos?" sabi naman ni Ken. "Sino? Si Coleen?" nagtataka kunwaring tanong ni Arra. "Nako, bakit? Sila ba?" sabi ni Amber na nilalapit pa sakin yung mukha. "Eh, hindi nga siya gusto diba?" sabi naman ni Athena. "Mag billiards nalang kayo, pinsan." nang-aasar na sabi ni Nathalie. Sinamaan ko sila ng tingin. Tumingin ako kay Liam, "Hindi ako naiinis!" sabi ko tsaka lumingon kay Ryan, "Hindi ako galit!" si Ken naman ang sunod na hinarap ko, "At higit sa lahat, hindi ako nagseselos!" mabagal ngunit madiin ang pagsasalita ko para makasigurong maiintindihan nila. "WEH?" sabay sabay nilang tanong. Napapikit nalang ako sa sobrang inis. "Tama na. Tigilan niyo na si Coleen. Kumain nalang tayo." Mark said. Isa isa silang lumayo samin ni Mark pero nagbubulungan naman sila. "Protective talaga ng bata natin." rinig kong sabi ni Ryan. "May gusto siguro kay Coleen 'yang kaibigan niyo." sabi ni Arra. "Nako, hindi malabo. Nagseselos 'yan." sabi naman ni Liam. Hinampas ko sila at piningot sa tenga. "ARAY! FVCK!" sabi Ryan. "AWW, TANGINA! MASAKIT, COLEEN!" sabi ni Liam. "May narinig yata ako?" mariin kong bulong sakanila. "H-Ha? Baka may tenga ka?" pilosopong sagot ni Ryan. Hinampas ko ulit silang dalawa. "Tigilan niyo ko ha!" Nauna na ako sakanilang umahon pero narinig ko pang bumulong si Ken, "May regla siguro 'yang kaibigan niyo." "Gago! Nakita mo namang naligo diba? Gago ka talaga eh!" sagot naman ni Ryan sakaniya. Umiling nalang ako at nagpunta sa cottage para kumain. Nagtatawanan silang dumating dito. Maliban sa mag-jowang naghahalikan sa dagat. Sila Raizen at Michelle. Tss. Asa ka pang mahalikan mo ulit ako! Fvck my lips? Fvck yours! Gago! "Huwag titingin kung magseselos lang din." pang-aasar ni Ken. Lumingon ako sakaniya at sinaaman siya ng tingin. "BOOM!" sabi nilang lahat. Tangina! Binato ko ng hotdog na hawak ko si Ken at tumatawa niya itong nasalo. "Sa dami ng ibabato, hotdog pa?" komento niya at kinain yung hotdog na ibinato ko sakaniya. "Bwiset ka!" sigaw ko sakaniya. Napalingon ako sa labas ng cottage at nakita ko yung dalawa na naglalakad papunta dito habang magkahawak ang kamay. Oh, edi kayo na ang sweet! Mukha ba akong apektado? "Sobra lang.." Mark whispered. I looked at him. Nasabi ko ba ng malakas? Kumain nalang ako nang kumain at hindi na pinansin ang maiingay na 'to na kasama ko. ---- Nandito kami ngayon sa kwarto namin nila Amber. Hindi lang kaming tatlo. Kundi kaming lahat. Tumambay sila dito since mas malaki ang kwarto namin nila Amber kesa sa kwarto ng mga kasamahan namin. "Last day na natin bukas. Anong plano?" tanong ni Ken na umiinom ng beer niya. Oo, nag-iinuman na naman sila. Nag-suggest naman ako, "Hm, maglibot?" patanong na sabi ko. "Maglibot?" Michelle asked. Kunot noo pa. "Yes. Tutal nakapag swimming na rin naman tayo ng dalawang araw. Edi bukas maglibot naman tayo dito sa Bataan?" "Pwede rin. Pero saan naman kaya tayo pwedeng magpunta?" Arra. "Mt. Samat? Hehe." suggestion ko ulit. "Woah! Pwede 'yan! Hindi pa rin naman tayo nakakapunta dun eh." excited na sabi ni Athena. Tumingin naman ako sa mga kasama naming lalaki. "Okay lang ba sainyo sa Mt. Samat? Pero mag-suggest na din kayo." i said. Umiling sila. "Follow the girls." sabi ni Mark. Nagtanguan naman sila Ken. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano. Meron pa ngang kumatok dito sa pinto namin at sinaway kami dahil sa kaingayan namin. Paano ba naman kasi, itong mga lalaki na 'to ang lalakas tumawa. Idagdag pa 'tong mga babae na 'to na ang lalakas ng boses! Kinabukasan ay maaga kaming nag-ayos ng mga gamit namin at nang dumating ang tanghalian, umalis na kami don para magpunta sa Mt. Samat. Dating gawi, kay Mark pa rin ako sumabay. Umakyat kami hanggang sa makarating kami sa itaas. Sa mismong krus. Medyo nakabukas ang bintana dito kaya halos mapaatras ako dahil sa lakas ng hangin. Nanatili kami ng ilang minuto duon at nagpasyang bumaba na. Marami rin kasing tao kaya hindi kami pwedeng magtagal don. Tatlo lang ang pinuntahan namin dito sa Bataan pero pagod na pagod ako habang nasa byahe pabalik ng Bulacan. Isa sa mga pinuntahan namin ay ang Vista Tala Resort and Recreational Park. Kung saan nag wall climbing kami, rappelling at zipline. Masiyadong nakakaubos ng energy! Nagtagal kami don ng ilang oras at nang dumating ang hapon ay nagpunta naman kami sa Sisiman Lighthouse. Actually, Sisiman Lighthouse is lightless because it was destroyed by typhoon Pedring in 2011, ayon sa nakasabay naming magkasintahan don. That place is still a sight to behold especially during sunset. I love that place. Really. "Matulog ka muna. Malayo pa." sabi ni Mark na abala sa pagdadrive. Ayoko man matulog dahil wala siyang makakausap ay nakatulog pa rin ako dahil sa sobrang pagod. Gusto ko na mahiga sa kama ko! I miss my bed..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD