Sabado at unang araw ko sa trabaho. "Uh, hello po. I'm Enzo Briones Altarejos. I'm your new co-worker today. Nice to meet you all po," sabi ko naman habang nakayuko sa harap ng buong crew ng coffee shop nina Paulo. "Ikaw ‘yung kaklase ni Paulo? Dinala ka niya rito last week, ‘di ba?" bungad sa ‘kin ni Ate Lydia. "Opo," sabi ko naman. "Naku, nakwento ka na nkya sa ‘min. Ang sarap daw ng cupcakes na gawa mo. Nakahanap na rin daw siya sa wakas ng itatapat sa ‘kin," sabi niya sabay tawa. Bumaling siya sa isa sa mga kasama nila. "Alicia, bilis. I-tour mo si Enzo. Ihahanda namin ang mga samples na ipapatikim kay Enzo." "’Wag na po." "Ano ka ba, ginagawa namin ‘to parati sa mga bagong crew. Bilis na. Mauna na kami," sabi ni Ate Lydia. "Enzo, come here," aya naman sa ‘kin ni Alicia. Sumu

