SUNUD-SUNOD na katok ang nakapagpagulantang sa nahihimbing na si Luke. Hindi ito umuwi sa rancho at sa lumang gusali ito natulog kasama ang tatlo nitong alalay. "Greg ano ba! Ang aga-aga pa!" reklamo agad ni Luke pagbukas pa lamang ng pinto. Hindi na siya nag-abala pang magmulat ng mga mata. Pero pag bukas niya ng pinto sa lumang silid ay walang ka tao-tao at mahimbing paring natutulog ang tatlo nitong alalay sa may sala. Hindi nito maiwasang magtaka sa mga oras na iyon. Imposible namang pinagkakatuwaan siya ng mga ito kasi alam naman nila kung gaani siya ka brutal kong magalit. Pag sarado niya ng pinto ay biglang sumabay ang napakalamig na hangin. Nagsitayuan ang mga balahibo ni Luke. Pero hindi niya ito pinansin. Bumalik ito sa paghiga at muling ipinikit ang mga mata at natulog. Habang

