HINDI akalain ni Gwen na gano'n pala ka strikto itong si Tyler. "Kahit na. Isa pa, parang wala akong tiwala sa pagmumukha ng manliligaw mo na 'yon. Parang hindi gagawa ng mabuti." "Well....." tinulungan niyang maabot ni Troy ang straw ng fruit juice na katabi nito. Nakalagay iyon sa tall glass kaya hindi maabot ng bata. Muntik pa tuloy matapunan ang laman ng baso kung hindi niya naagapan. "Unang-una, hindi ko naman manliligaw ang lalaking sinasabi mo. Siya si Engineer Labo. Siya ang contractor na nag-renovate ng shop ko. Siya nga ang nag design sa mga interior ng Shop ko." Natigilan ito. "Pero bakit sabi ni Joy....." "Binibiro ka lang n'on." Ngumiti uli ito. "Mabuti naman pala. At least, hindi na ako mag-alala na baka hindi na ako puwedeng dumalaw sa iyo," nakangiting wika ni Tyler

