PAGKATAPOS mag inuman nila Tyler at ng mga kaibigan nito ay naiwang mag-isa si Luke sa may sala. Habang si Tyler ay nakahiga na sa kanilang kama sa sobrang lasing. Ganoon daw kasi kapag hindi masyadong mataas ang alcohol tolerance ng isang tao. Kaya kapag marami itong iniinom ay madali itong malasing. May iilang mga tao rin na nasa labas pa at nag-iinuman at nagkukuwentuhan. Mga kaibigan ito Tyler at iilang mga trabahador ni Gwen sa kanyang pottery shop. Kinuha ni Luke ang bote ng isang imported na alak na nasa bar table at dinala niya ito sa likod kung saan naroon ang malaking swimming pool ng mansiyon. Pagdating niya doon ay may isang babaeng mag-isang nagtatampisaw sa tubig. Kahit high tolerance sa alak si Luke ay nakaramdam na rin ito ng kaunting hilo. Limang bote ng alak kasi ang na

