Kuya

1405 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------------ "Good news Adonis. Promise, kapag may time ako, dadalawin kita rito, para kausapin ka. Lagi kitang balitaan sa mga kaganapan dito..." "O shittt!" ang expression niya. "Ok nurse, thank you very much. You may now leave us." ang sambit din niya. At noong nakalabas na ang nurse, "Wahhhhh! Ang daya mo! Alam mo na ang sikreto ko!" ang biro niyang pansin ko sa boses ang matinding saya at excitement. Parang gusto kong bumalikwas at yakapin siya, pasalamatan sa kanyang ginawa. Ngunit sa isip ko lang ang lahat. "Ngayon, nariring mo pala ang pinagsasabi ko ha? Sige, hipuin ko ang t**i mo. Tignan natin kung makakapalag ka." biro uli niya. "Tado!" Sigaw ng isip ko bagamat gusto ko ring tumawa ng malakas. Tahimik. "Shakehand tayo tol... iyong shake hand natin na hawakan ng thumb. At syempre, pahalik uli." At bagamat hindi ko maramdaman, alam kong hinawakan niya ang aking hinlalaking daliri kagaya ng aming nagkagawiang handshake. At muli narinig ko ang "Tsup! Tsssuuuuuupppp!" sa aking mga labi. "Sana tol... sa paggaling mo, dito ka na lang sa Amerika. Para dito na tayo magsama. Ayoko nang mawalay pa sa iyo. Isang taon din kaya akong nagdusa na wala ka sa piling ko. Sana dito ka na lang, pleasee?" "Sana... ikaw ang mag-paaral sa akin." Sagot ko sa aking isip. At marami pa siyang mga sinasabi tungkol sa amin, sa mga masasayang karanasan namin sa high school. Sa mga katatawanang karanasan. Nagkukuwento din siya ng mga jokes, mga katatawanang karanasan niya sa Amerika. Tawa siya nang tawa at ako naman, ano pa ba ang gagawin kundi ang making lang. Gusto ko mang tumawa, hindi ito lumalabas sa aking bibig. Tahimik. Ewan kung ano ang naisip niya. "Oo nga pala tol..." ang sabi niya na biglang lumungkot ang boses. "...nailibing na ang inay mo noong makalawa. Na-cover kasi ito sa TV at nakita ko. Sorry ha? Alam ko malungkot ang balita ko pero gusto ko lang malaman mo. Alam ko, mahal na mahal mo siya." At sa pagkarinig ko sa huli niyang sinabi, biglang nanumbalik ang alaala ko sa aking inay. At ay sa sobrang lungkot ko, hinid ko napigilan ang hindi mapaluhang muli. "O... umiyak ka na naman. Sorry na sorry na. Sorry na please. Huwag kang umiyak. I love you." At naramdaman ko ang paglapat ng tila daliri niya sa aking pisngi. At muli ang "Tsupppp! Tsuppppp!" Pinigilan ko na lang ang sariling huwag tumulo ang aking mga luha. Para kay Miguel, ayaw kong malungkot din siya. "O sya... alis muna ako tol ha? Dumaan lang ako dahil na-miss talaga kita eh. At sobrang saya ko na nakakarinig ka pala, na may improvement ang kundisyon mo. Babalitaan ko ang daddy nito. Yeeeyyyyy! Babalik din ako bukas. Pagaling ka ha? Sana bukas, mas bubuti pa ang iyong kalagayan. Bye! Kiss ng uli ako?" At muling naramdaman ko ang halin niya sa aking labi "Tsup! Tssssuuuuupppppp!" At narinig ko na lang ang mga yapak papalayo sa aking kinaroroonan at ang pagsara at pagbukas ng pinto. Nagising ang aking diwa kinabukasan noong narinig ko ang boses ng nurse. "Magandang gabi po!" "Magandang gabi din po?" Ang sagot naman ng boses. Si Miguel uli. "Kumusta tol!" ang pagbati niya sa akin. "Hi Miguel!" ang sigaw ng isip ko sa sobrang excitement. "Nakita mo iyon, nurse?" ang narinig kong tanong ni Miguel sa nurse. "Ang alin po Sir?" sagot ng nurse. "Ang mga daliri sa paa niya ay gumalaw noong kinumusta ko siya." "Ay ganoon!?" ang excited na sabi ng nurse. "Opo..." "Magandang balita ito! Ang sambit uli ng nurse. "Ibig sabihin niyan ay unti-unti na siyang gumaling." "Ulitin ko ha? At binati uli niya ako, "Tol kumusta!" At nilakasan pa talaga niya. Gusto kong matawa sa lakas ng kanyang pagbati sa akin. Kasi, inilapit pa talaga ang bibig niya sa aking tainga. Parang gusto ko siyang sigawan ng, "Hindi ko lang maigala ang katawan ko ngunit hindi ako bingiiiii!!!" Ngunit syempre, sa isip ko lang iyon. "Hayan, nakita niyo? Naigalaw niya!" "Oo nga!" ang excited ding sigaw ng nurse. At muli kinausap ako ni Miguel. Ang sabi niya, may mansanas daw siyang dala. Paborito ko kasi ang mansanas. Nakatikim lang ako noon dahil dinalhan niya ako sa school. At syempre, ang paborito kong suman. Nagluto pa raw talaga siya nito para sa akin. At dahil hindi naman ako puwedeng kumain, siya na lang ang kakain. At narinig ko talaga ang pagkagat niya at pagnguya niya sa masanas. Iyon bang ininggit niya talaga ako. "Sarap talaga tol! Kaya kung ako ikaw, bilisan ko na ang paggaling para makakain na..." mga ganoong kuwento. Ang saya ko sa pagdalaw muli ni Miguel. Noong nakaalis naman si Miguel, dumating ang aking Ninang. "Ma'am, good news. Kahapon, noong dinalaw siya ng isa sa mga sponsor tumulo ang luha niya. Umiyak siya! At kaninang umaga naman, naigalaw na niya ang kanyang mga daliri sa paa. Ang sabi ng doktor, magandang palatandaan daw iyon sa maaaring tuloy-tuloy na niyang paggaling." "Talaga???" ang narinig kong sagot. Boses nga ng Ninang ko iyon, halatang excited din siya sa narinig. "Opo... Sabi ng duktor, lagi lang daw siyang kausapin dahil conscios po siya, naririnig ang mga sinasabi natin." "Sige nurse, gagawin ko iyan." sagot ng Ninang. "Ok po. Aalis na po ako." "Salamat." At narinig ko uli ang mga yabag na paalis at ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kuwarto. "Donis... mabuti naman at nakakarinig ka na. Lumaban ka, maraming nagmamahal sa iyo. At tungkol sa inay mo, huwag kang mag-alala, nailibing namin siya ng maayos at sigurado ako, nalulungkot siya ngayon para sa iyo. Kung kaya ay lumaban ka. Palaging sinasabi ng inay mo sa akin na malakas daw ang determinasyon mo, matapang ka, at mataas ang pag-asang makamit mo ang iyong mga pangarap. Puwes paninidigan mo iyan. Ituloy mo ang pagtupad ng mga pangarap mo. Kung wala na ang inay mo, nandito naman ako. At maraming humanga sa katatagan mo. Maraming nagmamahal sa iyo. Huwag kang sumuko. At oo nga pala, may ibabalita ako sa iyo. May kuya ka, kapatid sa ama. Nadiskubre na pala ito ng inay mo bago siya ma-stroke, naghintay lang ng pagkakataon para i-sorpesa sana sa iyo. Kaso, naunahan siya at hindi na nasabi sa iyo." Sobrang kalituhan naman ang aking nadarama sa pagkarinig ko sa kanyang huling sinabi. "K-kuya??? May kuya ako? Paanong nagkaroon ako? At nasaan siya?" ang tanong ng isip ko. Kung pwede lang sana akong bumalikwas at paulaan ng tanong ang aking Ninang ay ginawa ko na. Siyempre, sabik na sabik din akong magkaroon ng kuya. Nagpatuloy siya. "Ako nga ay nagulat din eh. Napakabilis ng mga pangyayari. Naalala mo ang litratong ipapakita ko sana sa iyo? Siya iyon. Natunton na pala ng inay mo ang kamag-anak ng babaeng nagbigay ng sumpa. At hindi lang kamag-anak, ang anak niya mismo ang nakausap niya. Kapatid mo! Kuyamo! Buntis kasi ang babaeng iyon noong nagsaksak siya sa kanyang sarili at nasagip pa ang bata bago siya binawian ng buhay sa ospital. At ang batang ito ay inampon ng isang mayamang mag-asawa. Ito sana ang isosorpresa ng inay mo sa iyo bago siya atakehin. Noong pumunta ang batang ito sa bahay ninyo, doon na rin niya nalaman na patay na pala ang inay mo. At alam mo, walang kaduda-dudang siya nga ay anak ng iyong ama dahil sa tindig, sa hitsura, kahit sa pananalita at paglalakad, kahawig na kahawig. Parang ikaw din kapag naglalakad at gumalaw. Pati ang tangkad, mas matangkad lang siya ng kaunti sa iyo. Nagulat nga ako eh. Akala ko nabuhay muli ang iyong ama. At dahil nakita ko nga ang litrato niya, tinanong ko kung sino siya. At sinabi niya sa akin na siya ang nakausap ng inay mo na kapatid mo. At dahil nasa ospital ka na noon, dumretso kaagad siya doon. Kinausap ang mga duktor at dahil sinabi sa kanya na mahirap ang iyong kalagayan, siya ang nagdesisyon na ipadala ka kaagad sa Amerika. Tinawagan niya ang kanyang mga magulang upang tulungan ka. At hindi naman siya nahirapang kumbinsihin ang mga ito. At sa ospital mismo, gumawa siya ng sulat para sa iyo; upang basahin ko raw kapag magaling ka na, kapag nagkamalay ka na. At..." napahinto siya nang sandali, "Ang pangalan pala ng iyong kuya ay Mateo. Kilala ka pala niya! Heto ang iniwang sulat niya para sa iyo, babasahin ko na lang ha? Makinig ka." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD