Hurt Wednesday na ngayon at may game kami laban sa UST kaya naman todo na ang pagha handa namin. Eto na ang last game for the first round, at ang last game bago ang holy week. Hanggang ngayon ay high pa din kami at hindi pa maka move on sa panalo namin against St. Paul's. Hindi naman sa hindi kami makapaniwala, sobrang saya lang namin dahil finally, naibawi din namin ang sunod sunod na mga talo laban sa team nila. At ang next goal namin, mag tuloy tuloy para mabawi ang korona para mag graduate kaming champions. Hindi impossible, pero dahil sobrang daming twist and turns ng season na ito, kailangan naming mag trabaho ng mabuti para ma achieve ang W. Just like today, we have a match against UST and we're having a last minute training to get ready. Hindi rin kasi biro sina Rondina at Laur

