Chapter 11

2416 Words
Selos ka nanaman  Monday na ngayon at naka balik na ulit kaming lahat dito sa Manila. Back to normal nanaman ang lahat. Nag patuloy kami sa trainings, ganoon din ang archers. Actually, katatapos lang ng training namin ngayon at papunta na sa first class ko. I checked the time on my wrist watch. Shoot. Late na ako. Sana ay may na reserve na seat si Jay para sa akin. "Guys, gotta run. Late na ako. Ciao!" Sabi ko kina Ara at tumakbo na patungong Henry Sy. Nang maka pasok ako sa classroom ay saktong nagro roll call na si Prof. Hay, mabuti at umabot pa ako. "Miks, here!" Sabi ni Jay at kinawayan ako. Agad ko naman siyang nakita, sa puti niya at sa chinito niyang mukha?  "Reyes, Mika Aereen." Saktong pag upo ko ay ang pag tawag ng prof sa pangalan ko. "Present, I'm here prof!" Nag simula na ang discussion. Konting discussion lang naman dahil may surprise quiz pala ngayon. Ang saya talaga ng college life ko. Anyway, our team mates kept their promises na isi secret nila ang tungkol sa amin ni Jeron. Archer's promise nga kaya pag balik sa sports complex kanina, may tuksuan na naganap. Hanggang tuksuan lang dahil sanay nanaman dun ang mga coaches namin. Kung sabagay, sasabihin din naman namin ni Jeron sa kanila. It'll just take time. 10AM na nang ma dismiss kami. m****o yung exam pero mabuti at kinaya ko. "Uy Jay, salamat ulit ah. Lagi mo akong nire reserve ng seat. Nakaka hiya na tuloy." Sabi ko at tumawa. "Ano ka ba, classmates tayo. Natural. At saka, you're the Mika Reyes. Of course, it's a pleasure to sit beside you." He said. "Eh, nakakahiya. Tuwing umaga nalang. Late ako." I laughed. Then he also laughed. "Di bale, sisikapin kong pumasok ng maaga starting tomorrow." "Kahit wag na. Baka magalit pa si Coach Ramil." He smiled. "Tara. Agno. May next class ka pa?" I checked the time. Hmm, 10:30 pa naman ang next class ko. Aabot ako. Tutal lagi namang late ang prof ko dun. "Sure, nagugutom din ako eh. 10:30 pa naman." Naka ngiti akong naglakad kasama niya. Nang maka rating kami sa agno ay agad kaming nag hanap ng table. Nag offer naman siya na siya nalang daw ang mago order kaya hindi na ako humindi. Aarte pa ba ako eh libre yun? Bawal tanggihan ang grasya diba. We talked about random things hanggang sa mag tanong siya na dahilan para ma bilaukan ako. "Sorry! Sorry, nabigla ka ba? Here oh, water." Inabot niya sa akin ang isang bote ng summit at saka ininom ko yun. "Grabe naman kasi mag tanong." Then I laughed. "Well, I'm just curious." He shrugged. "So, may nangliligaw ba?" Hindi ko maiwasang hindi mapa ngiti nang tanungin niya iyon. Hindi pa din kasi yata nagsi sink in sa akin na nililigawan na ako ni Jeron. "Teka nga. Puro carbonara pa yang bibig mo oh." Tumawa siya at saka pinunasan ang gilid ng bibig ko. Okay. Dude. My boyfriend to be will freak out if he saw what you just did. "Uh, meron. Meron ding mga nagpa pahiwatig." Sagot ko. Then he smiled. "Pwede pa bang humabol? Ang haba kasi ng pila sa dorm niyo eh. Magsho shortcut nalang ako." Then he laughed. Natawa nalang din ako. Papaligaw lang naman diba? Wala naman sigurong, masama? "Hmm, it's your decision to make, not mine. Pero we can still be friends." Agad napawi ang ngiti mula sa mga mata niya. "So, friend zone ako, ganun?" He joked. "No, I mean, you can court me. Okay. It depends on you. Pero, ayoko naman na paasahin ka." He laughed. "Yun din yun!" tumawa siya, "okay then, i'll court you. Ni harm in trying tho." Then I just shrugged. Kumakain pa kami nang may tumabi sa akin. "Mga idol! Naks, sarap nito ah." Si Prince. "Uy Idol, anong ginagawa mo dito?" Naka ngiting sabi sa kaniya ni Jay. "Kakain idol. Ikaw Idol? Anong ginagawa MO dito?" Tumingin si Prince sa akin nang sabihin niya iyon. He even emphasized the word, 'mo' "Malamang kumakain." I rolled my eyes at tinggal ang pagkaka akbay niya sa akin. Tas binulungan niya ako. "Pinadala ako ng hari." Then I looked around. Saka ko nakita ang nakatayong si Jeron from afar na tinitingnan ako ng masama.  Nagseselos na ang Hari... "Nagse selos?" Bulong ko kay Prince pabalik. "Yup. Konti nalang manununtok na yan." Then he laughed. "Uy Jay, aalis na daw si Mika. Ang daya mo naman, ako ba, hindi mo pwede i libre?" Tumawa si Jay matapos nun. "Jay, thanks ulit ha. But I have to go. May class pa ako eh." He nodded then said goodbye. "Yung sinabi ko ah!" Sigaw niya nang maka layo na ako. Jeron went out of sight. Lagot. Nagse selos ang hari ko. Aish! Mika naman kasi eh. To: King ??? Where art thou my king? Usap tayo. That's not what you think. Sin end ko muna ang message bago mag lakad ulit. Time check, 10:25. Nako lagot. 5 minutes nalang. Bahala na nga! Mamaya ko nalang hahanapin si Jeron. Pumasok na ako sa next class ko at nag focus na muna sa class. Nang matapos ako ay hinanap ko agad si Jeron. Yung lalaking yun, hindi manlang nag reply. "Josh!" Sigaw ko nang makita ko si Torralba. "Bakit idol?" "Nakita mo ba si Jeron?" Tanong ko. "Ah kakahiwalay lang namin eh. Nagpunta yata sa silent sanctuary." Okay. Wala na akong next class. "Thanks Josh!" Sinabi ko yun at tumakbo na ulit. Pero may sinigaw pa siya eh. "Kasama niya si--*" ewan. Baka si Thomas ang kasama nun. Nag bromance ang dalawa. Nang marating ko ang silent sanctuary dito sa La Salle, dahan dahan akong nag lakad para hindi marinig ni Jeron na nandito ako. Etong place na ito ay pugad kasi ng mga couples sa Wesley. Madalas ding nagde date dito sina Ara at Thomas. Nakita ko na si Jeron. Napa ngiti ako kasi ang gwapo niya pa din kahit pawisan. Hay nako. Kaya ko to mahal eh. Naglakad ako ng dahan dahan at napa tigil ng makita ang kasama niya. Pareho silang nagtatawanan. Naka ngiti din yung babae. Napa tigil tuloy ako bigla. Ano to? Nag uumpisa palang kami, may third party na agad? Akala ko ba ako lang? Akala ko pa naman seryoso siya sa akin. "Uy Miks!" Napa lingon ako ng marinig ang pangalan ko. Si Billie na nagwe wave from afar. Bahala na nga. Sa kaniya nalang ako pupunta kesa kay Jeron na busy sa ibang babae. Jeron's Point of View Totoong nakita ko kanina si Mika sa may agno kasama si Jay Kim. At totoong nairita at nag selos ako. I mean, who wouldn't right? Kung pwede lang sana ipangalandakan ko sa buong WC community na nililigawan ko si Mika Reyes so they can back off. Pero hindi pwede eh. Bwisit kasi yun si Jay. Pinunasan yung gilid ng labi ni Mika. Ako lang dapat gumagawa nun eh! Sa sobrang inis ko, nag lakad nalang ako palayo. Ayokong makita siyang masaya kasama ang ibang lalaki. Lalo na si Jay Kim na alam kong stalker ni Mika.  I was on my way to the Gym when Jeanine Tsoi cornered me for an interview. Hindi ko naman ma hindi an dahil after all she's a friend. "Thank you so much talaga, Je. You don't know kung gano kalaking tulong to." Sabi niya. She will be interviewing me for an article regarding sa loss namin this UAAP season. "No biggie. It's my pleasure, not yours." I said then smiled. "Talaga ah. Wala namang magagalit kung hihiramin ko muna ang time mo?" Then she chuckled. "Wala. Walang magagalit." She nodded then we started with the interview. She asked me kung anong nangyari this season at hindi kami naka rating sa finals. Maybe, it's just that there are so many great players this season and season 78 was a real unpredictable season. Hindi rin pinalampas ni Jeanine ang mga pa showbiz na tanong. "So, may nagpapa t***k ba sa puso ni King Archer ngayon?" Then she laughed. I also laughed. "Meron. Actually, I'm already courting someone and we're fine." Nag pasalamat na siya sa akin at nag papaalam na nang may marinig akong familiar na boses at pangalan. "Uy Miks!" Napa lingon tuloy ako bigla. Pero agad ding napa harap ng tawagin ni Jeanine ang pangalan ko. "Thank you so so much for the time, King Archer. Kita tayo mamaya sa sports complex. I heard may bisita ka daw." She said then laughed. She then patted me sa shoulders at nauna na. Hmm. Bisita? Sino naman? Since tapos nanaman ang classes ko, dumiretso na ako sa sports complex para sa training namin. Mag skip muna ako sa gym ngayon. Tutal, 1 week nalang naman eh.  Nang maka pasok ako sa gym ay dinig na dinig ko na agad ang nagtatawanang boses ng spikers at archers. And I was surprised with what I saw. "BILLIE!!!!!" Naka ngiti akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya. I even carried her dahil sobrang miss ko siya! Billie Capistrano is a former courtside reporter for Wesley. Anak din siya ng isa sa mga manager ng team, at palagi naming nakakasama kaya naging close na din kami. "Hindi naman halata na masyado mo akong na miss no?" Then she laughed as I put her down. "Lagi ka kasi yatang nasa Blue Eagle Gym." Nag grin ako matapos siyang mag blush. Na miss ko to! "Eh ikaw? Lagi kang nasa dorm ng spikers." This time, ako naman ang nag blush kaya inulan ako ng tukso. "Tigilan mo nga. Bat pala naligaw ka?" Nag beso siya sa akin. Tapos tumingin ako kay Mika na naka tingin lang sa aming dalawa. "Na miss ko ang King and Queen Archers. Saka, balita ko, official na daw kayo?" Napa yuko bigla si Mika sa sinabi ni Billie. "Hindi PA. Wala PANG commitments." Sagot niya. Napa 'ah' naman si Billie. Nagkaya yaang mag dinner after ng training. Billie stayed here to watch the training of the spikers kasi tapos nito, didiretso kami sa dorm nila Mika for training. Magka tabi kami ni Billie dito sa may bleachers habang pinanunuod ang training nila Mika. "You lost her. She found herself. But somehow that was everything." She said na nagpa kunot ng noo ko. Pinag sasabi nito? "I lost her. She found herself. Then I'm holding her again." Napa tawa nalang siya sa sagot ko. "Wag mo nang bibitawan yan ah." She smiled. "She was almost my sister in law. Almost. But I guess, kayo talagang dalawa." Napa ngiti ako sa sinabi ni Billie. Billie Capistrano is the President of the JeMik fan club. Hindi naman mabubuo ang love team namin ni Mika kung hindi rin dahil kay Billie. 2 years ago, noong siya pa ang court side reporter ng Wesley, lagi niya kaming niloloko ni Mika. I don't know. Kaya siguro nagkaroon ng something sa amin noon ni Mika. At kaya siguro eto kami ngayon ni Mika. All thanks to Billie. Nang matapos ang training ng Spikers at nakapag shower at bihis na sila, nagyaya na silang umuwi. Magpapa deliver nalang daw kami ng pagkain sa dorm. As usual, shakey's. "Billie, pag sabihan mo nga yan si Jeron." Sabi ni Mika. Naiwan kasi kaming tatlo dito sa may veranda. Nagpapahangin habang nagkakantahan yung iba sa loob. "Bakit naman? Nagloloko ba?" Then she laughed. "Eh kasi, kanina, nahuli kong may kasamang babae. Tas ang saya saya niya pa huh? Akala mo walang nililigawan. Tss." Nakita niya? So ibig sabihin siya nga yun? "Oh. Anong masasabe mo?" I shrugged. "Sabihin mo sa kaniya, Bills. Para namang ako lang no? Eh may nakita kaya akong kasama niya sa Agno. May pa punas punas pa sa gilid ng lips na nalalaman? Aba, parang walang nanliligaw sa kaniya ah?" Napa tawa bigla si Billie sa aming dalawa. "Bahala nga kayo diyan. Mag usap kayo. Nilalanggam na ako." She laughed bago tuluyang pumasok sa dorm. Naiwan tuloy kami ni Mika dito sa labas na walang kibuan. "Bat mo kasama si Jay/Jeanine?" Sabay na sabi naming dalawa. "I'm sorry. I can explain, Miks." Sinabi ko yun ng naka taas pa ang mga kamay ko na para bang surrender na ako. Nag nod naman siya. "Papunta na dapat ako sa gym nun eh. Kaya lang na corner niya ako. She asked me if she could sit with me for a short interview. You know, she works for rappler and they are asking for my statements regarding sa loss namin last season. Pero yun lang yun. Kung ano man ang nakita mo, yun lang talaga ang pinag usapan namin." Then she nodded. "Eh bakit kailangang may kasama pang tawanan?" Napa ngiti ako nang tanungin niya iyon. She looks annoyed by the way. "She was asking kung may nagi inspire daw ba sa akin ngayon." Then she asked a follow up question. "Of course I said yes." Napa ngiti ko siya dahil doon. Pero agad ding napawi ang mga ngiti sa mukha ko nang maalalang may atraso pa si Mika sa akin. "Eh ikaw?" "Niyaya lang ako mag lunch nung tao. I accepted the offer tutal malaki naman ang utang na loob ko dun sa tao. He always reserve me a seat every morning. He wiped my lower lip kasi po puro carbonara. So I'm sorry kung nag freak out ka because of that." Mika and I explaining to each other is just so cute. I guess, mahaba ang patutunguhan ng istoryang ito. "May sasabihin pala ako." She added. "Ano? Tayo na?" Then I laughed. "Aray naman, Miks!" Binatukan niya kasi ako. "That fast? Pahihirapan muna kita no," she chuckled "hindi ako easy to get." She smirked pero inirapan ko nalang. "Oh, eh ano yung sasabihin mo?" She sighed at saka ngumiti. "Ano nga ulit yung sinabi mo sa akin nung nasa Dahilayan tayo?" She asked while grinning "Alin dun? Ang dami kong sinabi." Kumunot ang noo niya. "Those three words." "Ah. Alin, yung I Love You?" Then she nodded. Napa kunot bigla ang noo ko. "Oh, bakit?" "Eh kasi.." She sighed. "Jeron, I Lov--" napatingin kami bigla nang marinig ang boses ni Billie. "Ano? Bati na kayo? Tara na sa loob ng makakain." Tumawa siya at sinamaan ng tingin ni Mika. "Okay. Hahabol kami." Sagot ko kay Billie at ngumiti. "Ano nga ulit yun Miks?" "Wala." Umiling si Mika at ngumiti nalang. Matapos nun ay pumasok na kami sa loob nang magka hawak ang kamay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD