The Magic of Love
Sabi nila, Love is Magical.
Yes, I do believe in the magic in love. One day, you would feel the love and happiness with someone, at kung paanong bigla bigla nalang mawawala ang magic, minsan, biglaan nalang din nawawala ang feeling mo. One day, everything about love will end up like a dream full of fantasies.
And I think, that is the main reason why I grown hate for love today. Minsan na akong naloko, nasaktan, pinag laruan. Hindi ako tanga para magpa loko pa ulit.
"Ang aga aga, beast mode yang itsura mo Ye." Paglo loko sa akin ni Ara, my team mate matapos niyang uminom ng gatorade.
"Red flag day ba?" Satsat naman ni Kim at umupo sa tabi ko.
"Hindi. Pangit lang siguro ang gising ko." Sagot ko at sumandal sa may bleachers.
"Good morning Ara ko!" Nagulantang ang tahimik na mundo namin nang pumasok ang Archers, sinabayan pa ng bati ni Thomas kay Ara.
Wesley Colleges' Green Archers, the university's basketball team.
"Maka, 'ko' ka ah. Good morning din Thomas ko." Naka ngiting sagot ni Ara sa kaniya at sinuklian ng yakap si Thomas. In my head, sinasabi ko sa sarili ko na walang forever at magbe-break din ang dalawa.
Thomas and Ara started dating 6 months ago. Thomas had a girlfriend before, her name was Arra. They have been together for quite some time, but Arra had to pursue a career in the show business. They simply did not work out. Na realize din daw kasi ni Thomas na ang mahal niya talaga ay si Ara with single R.
Pero ayaw nilang I public. Dahil ang alam ng mga tao, Ara is dating her bestfriend from another school - Shey Pineda.
"Good morning, Idol." Automatic na napa ngiti ako nang batiin ako ni Alvin, ang star player ng basketball team. The King Archer.
"Good morning din, Idol." Sagot ko sa kaniya.
"Naks. Thomas at Jeron ah. May mga special mention talaga? Ano kami, hangin?" Panunukso ni Carol at tumawa.
"Good morning Lady Spikers!" Sabay na bati nina Thomas at Jeron.
"Naks oh. Layag na layag ang JeMik at ThomAra ah. Two big ships of Wesley." Inilingan na lang namin ang panunuksong iyon ng isa pang team mate.
Napa lingon tuloy ako sa kaniya at nag taas ng kilay.
Jeron and I are just good friends. Our friendship started since season 75. We often greet each other kapag nagsa salubungan. Pero hindi kami lumalabas nang kaming dalawa lang. Coincidence siguro, minsan.
I am also aware of our love team. Our fans ship us with each other, and they are vocal about it sa social media. Sometimes, yung mga post nila ay naka-tag pa sa amin. Tinatawanan ko na lang minsan.
"Idol, patabi ah." Naka ngiting sabi ni Jeron at saka umupo na sa right side ko. Magsi sintas kasi siya ng sapatos.
To be honest, gwapo naman talaga si Jeron eh. Malakas din ang appeal niya. Matalino. Magaling mag basketball. Pandesal. Kaya nga minsan iniisip ko, bat kaya hindi nalang siya?
"Idol bat tuloy pa din ang practice niyo? Diba hindi nanaman na kayo kasali sa UAAP?" I asked.
"Sasali kasi kami sa ibang league, idol eh. Tsaka para tuloy pa din ang conditioning." Natigil ang usapan namin ni Jeron nang tawagin na siya ng coach nila.
"Coach yaan mo na. Minsan lang sila mag usap niyan si Queen Archer eh." Panunukso ng team mate ni Jeron at tumawa. Napa tawa nalang din ako.
Ganito kami every morning. Madalas, nauuna ang training namin. Tapos by 8am, papasok na Ang archers dito sa Razon. Sila naman kasi ang magte training. Tutal, 9am pa naman ang class namin nila Ara, Kim at Carol, madalas na nag stay muna kami dito sandali para manuod ng training ng archers. It's not bad to support them. We are prides of the same school.
8:30am nang umalis kami to get ready for our first class. Unang class ko pa naman ay 2 hour class sa Chemistry. Ang boring pa naman ng subject na ito dahil hindi ko din gusto ang professor na nagtuturo.
Nag lakad na kaming apat papasok ng campus. Pero nag hiwa hiwalay din kasi hindi naman kami classmates. Iisang building lang ang classes nila dahil pare-pareho silang Marketing students. Ako naman ay Psychology student kaya medyo malayo ang building ko mula sa kanila.
Buti na lang, wala pa ang Professor nang pumasok ako sa class room. It was a room full of typical students. May ibang nagku-kwentuhan, nagme-make up, the others are reading their books, at ang iba ay tulog. The only space left is yung sa may dulo malapit sa aircon. Nagmadali na akong pumunta doon dahil inaantok din ako. Bahala na kung makatulog ako habang may class.
"Here, take this chair." Gulat akong napatingin sa classmate kong chinito na itinuro ang empty chair sa tabi niya. I nodded my head then said thank you, in return.
Very familiar siya. Pero parang ngayon ko lang siya makaka usap kahit na classmates kami.
"Excuse me, athlete ka ba?" I asked. He just smiled.
"Yup. Badminton. But I also play basketball."
"Ah." tanging yan lang ang nai sagot ko dahil dumating na yung prof. Familiar talaga yung guy eh.
Elements. Nag focus yung prof sa elements at yun lang ang lesson namin today. We're not high school students or something.
"We're classmates pero I don't know your name." Sabi ko dun sa chinito at ngumiti. He chuckled.
"Jay Kim." He replied then offered his hand. I shyly shook hands with him then smiled.
"Jay, thank you sa chair kanina ah."
"No problem."
Dumiretso na ako sa next class ko. Eto, real battle na. 3 hours naman tong class na to. Pero mukhang araw ko ngayon, kasi saktong wala ang professor para sa subject na ito. May emergency daw kaya umuwi sa kanila sa province.
Out of boredom, I decided to just eat at Agno. I checked the time. May class pa halos lahat ng spikers today.
Umupo ako at inilabas ang librong binabasa ko. 'The fate of Ten.' From the book series na 'I am Number Four ni Pitaccus Lorre. Mahilig akong magbasa ng mga libro, pero I try different genres. Minsan naman, nagbabasa ako ng ebooks kapag naubos na ang mga libro na mayroon ako.
Nag simula na akong mag basa kung saan ako huling natapos. This story is some kind of thrilling, action at may kasama ding love story.
Si John, he's an alien. He fell in love with a girl here on earth. She was the only girl he loved. Na orient na din kasi siya na in their planet, people fall in love once. Kaya kung sino yung una mong mamahalin, yun na talaga yun. But he lost her. She died. And I don't know what happened next. Kaya nga binabasa ko tong book eh.
Sa ngayon, etong fate of ten lang ang binabasa kong book. Hindi naman talaga ako mahilig eh. Pero naimpliwensyahan ako ni Kiefer.
Natigil ako sa pagbabasa nang may umupo sa tapat ko. It took my attention. Si Jeron.
"Pwedeng, maki upo idol? Wala na kasing vacant eh." He shyly asked. Ngumiti nalang ako.
"Yes, you can." Napansin kong tiningnan niya ang libro na nahawak ko. At saka nag salita ulit.
"Fate of ten? From Pitaccus Lorre's series? Binabasa mo din pala yan."
"Yup. I fell in love simula palang nung first book." Napa 'ah' nalang siya at nag simulang kalikutin ang phone.
Matagal na kaming mag kaibigan ni Jeron, but I still find moments like this awkward. Well, we're not that close.
Na distract ako at natigil sa pagbabasa dahil sa presence niya. Kaya ibinaba ko ang libro sandali at sakto naman na nakatingin na din siya sa akin.
"Nakaka istorbo ba ako?" He asked at napa kamot nalang sa ulo. Ngumiti ako.
"No, not really."
"Uhm, err ano.. Mika?"
"Hmm?"
"Is this you?" Pinakita niya sa akin ang phone at nakita ko doon ang tweet ng isang sports insider.
'@dbuzzketball- famous UAAP volleyball players says admits that she's single again and has no plans of dating, for now, to focus on volleyball.'
I laughed at napa tingin sa kaniya.
"Sa tingin mo?" I asked.
"Parang ikaw eh." Nag kibit balikat nalang ako at hindi na nag salita.
Maya maya pa nang may tumawag sa phone ni Jeron. Si Thomas. He's inviting him over for a newly-opened coffee shop just outside the campus. Kasama niya kasi si Ara at hindi sila pwedeng makita mag kasama together kaya isasama kami.
Naka rating kami dun at mabuti nalang at wala masyadong tao. Agad akong umupo sa tabi ni Ara.
"Pinapunta niyo ba kami dito para maging fourth wheel?" Inis na tanong ko. Napa tawa naman ang kaibigan ko.
"Sorry Ye. Alam mo namang hindi pwede diba?" Sinamaan ko nalang ng tingin si Thomas. Ganun din ang ginawa ni Jeron.
"Alam mo bang may tip na si dbuzzketball tungkol sa inyo?" Inis na sabi ni Je. Pinakita niya yung phone niya kay Thomas at Ara at naki usyosiyo din ako.
'@dbuzzketball- famous uaap basketball player and uaap volleyball player have been dating for almost 5 months now.'
"Alam mo, if they find out about us, then so be it." hanga ako sa katapangan ni Thomas.
He's so in love with Ara that he is willing to hide this and use someone else as a cover-up for their relationship. It seems like the industry is not yet ready for their dating news.
"Hay nako. Baka naman ganti yan ni Arra sa inyo." I said then laughed. Tumawa din si Jeron at nakipag high five pa sa akin.
"Oh. Eh kayong dalawa? Baka mamaya kayo naman huh." Panunukso sa akin ni Ara. Sinamaan ko siya ng tingin.
Kami ni Jeron? No way. I mean, he's cute, kind. Boyfriend material kaya siya. Kaya lang, impossible no.