Nanigas ang kanyang likod nang makilala ang boses at tarantang napatingin sa kinaroroonan ni Rob. Napakunot-noo siya nang mapansing wala na rin ang binata sa mesa nila. Pasimple siyang huminga nang malalim bago lumingon at ngumiti. “Hey, Eric. Nandito ka rin pala.” Umangat ang mga kilay ni Eric at sarkastikong ngumiti. “Pinilit ako ng pinsan kong sumama rito. Bakit? Iiwasan mo ba ang event na ito kung alam mo na nandito rin ako?” Pinilit ni Daisy na tumawa. “What are you saying?” Lumapit si Eric sa kanya at halos gahibla na lang ang pagitan nilang dalawa. Hinawakan pa ng lalaki ang kanyang braso na halos magpangiwi sa kanya. “Don’t give me that bullshit, Daisy. Iniiwasan mo ako. Kami. Bigla ka na lang dumistansiya nang hindi sinasabi sa amin. Why? Are we out of your league now, Miss He

