MASAYA si Ross na nagdesisyon ang pinsang si Rob na manatili na sa Pilipinas for good. Nagulat lang siya na magpapakasal na ang kanyang pinsan. Subalit dahil kilala niya si Rob, alam niyang malaking desisyon para dito ang pagpapakasal. Rerespetuhin niya ang desisyon nito. Sigurado siya na hindi tulad ng ibang mga lalaki, hindi magtataksil si Rob kay Daisy kapag mag-asawa na ang dalawa. Hindi katulad ng isang partner ng kanilang law firm. Nasa lobby si Ross ng gusaling kinaroroonan ng kanilang law firm nang mapahinto siya dahil nakita niya ang babaeng kalalabas lamang ng elevator. Parang may sumuntok sa kanyang sikmura habang pinagmamasdan ang magandang babaeng pasalubong sa kanya. Lalo na at alam niya kung saan ito galing. Nag-angat ng tingin ang babae at nagtama ang kanilang mga mata.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


