Chapter Five: Different

893 Words
(Des' POV) Tapos na kaming kumain. Hindi ako komportable kumain kanina. Pasulyap-sulyap kasi si Randcris eh. Tss... mukhang tanga. Naglalakad na kami ngayon patungo sa aming silid-aralan nang biglang tumunog ang telepono ni Sherg kaya napako ang aking paningin doon. "Excuse me girls, mauna na lang kayo. I need to answer this call." Ngumiti ako at sumang-ayon naman si Lyn sa kanya. Lumayo na siya sa amin at sinagot na ang tawag. Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay dumiretso na kami at nang makarating kami ay agad akong dumiretso sa aking inuupuan. "Psst..." Ano na naman ang problema ng lalaking ito? Tiningnan ko siya. "Ano?" Tinuro niya si Sherg kaya tiningnan ko rin siya. Nakatingin lamang siya sa bintana. May problema ba siya? Si Sherg ang bugtong anak ng kanyang mga magulang kaya nga minsan gusto niyang may kapatid. Nandito naman kami ni Lyn pero iba pa rin kung may tunay kang kapatid. "Bakit malungkot siya?" Nakatingin din pala siya kay Sherg. "Ewan ko." Sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya. Kung kapatid lang ako ni Sherg, susugurin ko talaga ang ama niya. Kahit naaasar ako kay Sherg, ayaw ko namang nakikita siyang nahihirapan. Ang alam ko kasi, dinidektaran siya ng kanyang ama sa kanyang mga ginagawa. "Di mo alam?" Ang hirap rin makaintindi ng lalaking ito eh no? Ano bang pakialam niya? Tiningnan ko siya ng masama. "You're so feeling close, Rand." Sambit ni Terrence ngunit masamang tingin lamang ang ipinukol ni Rand sa kanya. Nagpatuloy naman siya sa pagguguhit. Binalingan ko ng tingin ang kanyang gawa at ang tanging masasabi ko ay... ANG GANDA! Ang galing niya! Napalingon ako sa katabi niyang si Lyn. Wushu, kung makatingin parang hmm... (Lyn's POV) Gusto ko talaga ang pagdro-drawing pero ang pagdo-drawing ang walang gusto sakin. Mabuti pa si Ty, ang galing mag-drawing. "Okay lang ba ang drawing ko?" Tanong niya habang nagdo-drawing pa din. "Oo, ang ganda nga eh." Sagot ko habang nakatingin pa din sa drawing niya. Ang ganda talaga ng drawing niya at ang gwapo niya. Teka, ba't nasali siya sa usapan? "Huyy!" Napatingin ako kay Des. Kung makatawag naman ng huyy 'to. "What?" Pagtataray ko sa kanya. Hindi pa nga ako tapos sa pagfa-fantasize. Sinamaan niya ako ng tingin sabay turo kay Sherg. Tiningnan ko si Sherg at alam kong problemado siya. Hmm... ano kaya ang gagawin ko? Ah! Kumuha ako ng papel sa bag ko and I crampled it tapos tinapon ko kay Sherg. "What the!" Galit na sabi ni Sherg at tiningnan ako. Nag-peace sign ako sa kanya. "What's with that face?" Nakakunot lang ang noo niya sa tanong ko. Mukhang di niya na gets ang tanong ko. "I mean, bakit malungkot ka?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong ko at tiningnan ulit ang bintana. Bumuntong hininga lang ako at tiningnan ulit ang drawing ni Ty. "Okay lang ba siya?" Tanong ni Ty habang patuloy sa pagdo-drawing. Konti na lang, tapos na ang drawing niya. Ang nasa drawing niya ay isang lalaki na may hawak na bulaklak pero nasa likod lang ang bulaklak na parang tinatago niya. Ang meaning siguro ng drawing niya ay may balak ang lalaki na bigyan ng bulaklak ang babae pero nahihiya siya. "Hindi nga eh." Nagpatuloy na lang siya sa pagdrawing. Hmm, mukhang may pinaghuhugutan ah. (Des' POV) "Okay, class dismiss. Goodbye." Tumayo na ako tutal tapos na rin naman akong mag-ayos ng aking mga gamit. "Excuse me" Sabi ko kay Randcris. "Bakit?" Tanong niya at binalingan ako ng tingin. Potek! Nagtanong pa talaga eh no? "Dadaan ako." Sagot ko sabay irap sa kanya. Nakakainis talaga siya. "Pupunta ka na sa last subject natin?" Tanong niya at tumayo na galing sa kanyang inuupuan. "Halata ba?" Pabalang kong tanong. "Okay." Sabi niya habang nakangiti. Kumunot lamang ang aking noo. ----- Nakakainis! Bakit ba kasi nakisabay pa silang tatlo sa amin? Ibig kong sabihin, ayos lang sa akin kung si Terrence at Sherwin. Pero si Rand? Ayaw ko talaga. Papunta na kami sa susunod na asignatura namin. Si Lyn? Ayun, nakatingin kay Terrence. Ewan ko ba sa babaeng ito. Akala ko may gusto siyang iba, eh mukhang tinamaan na yata ito kay Terrence eh. Si Sherg? Ayun, tumitingin sa mga babae. Teka, bakit may mga babaeng nakatingin sa amin? Namiss ko rin ito. "Oy daming nakatingin sa atin oh! Iba talaga ang kamandag ng kagandahan natin, ano?" Kompyansa kong sambit sa kanila. "Sa mga boys yan nakatingin. Tingnan mo yung isang 'yon oh." Sabi ni Lyn sabay turo sa babaeng naninisay sa kilig habang tinitingnan si Randcris. Sapakin ko siya eh. Hindi naman sa nagseselos ako pero napopogian talaga sila kay Rand? Gwapo naman siya eh... nakakaasar lang. "Oy, ano ba ang tinitingnan mo diyan sa telepono mo at nakakunot iyang noo mo? May problema ba?" Tanong ko kay Sherg. "Oo nga, Sherg. May problema ka ba? Kung meron man, sabihin mo samin. Huwag mong isekrito. No secrets allowed diba?" Natigilan saglit si Sherg sa sinabi ni Lyn at saka tumingin sa amin. "Ah... no. I have no problem. I was just playing." Kumunot ang aking noo at umikot naman ang mga mata ni Lyn. "Naglalaro? While naglalakad?" Tanong ni Lyn at napabuntong hininga naman si Sherg. "Ju-just don't mind me." Nagtinginan na lang kami ni Lyn sa isa't isa at nagkibit-balikat na lang siya. Kakaiba si Sherg ngayon ah. --------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD