The Significant People

1550 Words
Zilv’s POV   That was interesting.  Rion, my rival, is connected to my latest conquest, Shamari. Hindi ko alam ang eksaktong koneksyon ng dalawa pero sisiguraduhin kong malalaman ko iyon sa mga susunod na araw. I never saw Rion shows protectiveness over someone until a while ago. Kahit noong una kaming nagkakilala sa karera na ang isa sa mga dahilan ng kagustuhang manalo ay para mai-date ang babaeng pareho naming gustong maging pa-premyo. Not also when I tried flirting with his dates before just to anger him. Kadalasan ay hindi pinapatulan ni Rion ang mga pang-aasar kong iyon kaya tinigilan ko na. It seems Rion and I are both uninterested in serious relationships that we do not care who fvcks who. Maybe at some point, it bruised our egos but that was it. Mas pareho naming iniinda ang pagkatalo sa karera laban sa isa. At mas hindi kami mapakali kung hindi namin mauupakan ang isa’t isa pagkatapos ng pagkatalo. It is as if we are always looking for a chance to beat each other or find each other’s weaknesses. Then came Shamari… I smirked. The rivalry between Rion and I is getting intense that I can’t wait to anger him more. Naramdaman ko ang pagkalabit ng kung sino sa likod ko. Nalingunan ko si Dollar, ang batang tinuturing ko ng kapatid. She’s still in her school uniform. Kasunod niya si Moi na naka-uniporme pa din, dalawa ang sakbit na backpack, ang sariling bag nito at ang pink na backpack ni Dollar. Mukhang sa halip na dumiretso ng uwi sa bahay ay naglaro pa ang dalawa sa gubat na nadaanan nila pauwi. “Anong tinatanaw mo diyan, Tatay Zilv?” Dollar asked, smiling. Nakitanaw sa kalsada kahit wala ng makikita doon. Dollar is still in Junior high and a couple of years younger than me, pero dahil cute kaya mas bata tingnan.   Kung hindi ako tinatawag nila Moi at Dollar sa pangalan ko ay ‘Tatay’ naman ang tawag sa akin. I don’t remember when and how they started calling me that. Siguro dahil sa agwat ng edad namin o dahil palagi ko silang pinagtatanggol sa mga umaaway sa kanila. Ako ang nagmamatanda sa aming tatlo kahit hindi naman talaga pang role model ang mga pinaggagawa ko sa buhay. Luckily, hindi ko naman sila naiimpluwensyahan, matatalinong bata sila, sobra nga lang kulit. “Nothing.” I shrugged. Pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang magulo na niyang buhok kahit pa nga naka-ponytail. Nagra-riot ang wavy niyang buhok na iba ang pagka-brown dahil sa pagkakaroon ng dugong banyaga. She pouted and looked at me, suspecting but said nothing. “Pag-merienda-hin mo ‘ko, Dolyares!” Moi demanded, nakalapit na sa amin. “No problem! Kaya nga dito tayo pumunta sa Al’s,” humagikhik si Dollar. Ang ama-amahan ni Dollar na si Uncle Alvaro ang may-ari ng Al’s Restaurant and Billiards. Halos sa Al’s na kami lumaking tatlo, nabawasan na lang ang pagkakataong magkita kami dahil nasa Senior high na ako. “No offense, Dolyar, lalo na kay Uncle Al, pero baka gusto mo namang sa iba ako ilibre? Ilang taon mo na ‘kong inaalila pero pancit guisado lang ang pinapakain mo sa akin ah!” “Alright! Since nagrereklamo ka na, I will treat you somewhere, hmm, how about we go to the night market later?” Pasimpleng pinaikot ni Dollar ang mga mata sa direksyon ko at sinilip ako. Napapailing na napapangiti ako. “Pero paano tayo papayagan na pumunta sa bayan kung tayong dalawa lang? Hmm?” Kunwari ay nag-iisip ang ekspresyon ni Moi. Kapag ganitong iisa ang ekspresyon nila ay para silang kambal lalo na at parehong mestizo at mestiza. Obvious namang ako ang pinaparinggan. Hindi lang silang dalawa ang tumuring sa akin bilang nakakatandang kapatid, pati si Uncle Al at ang mommy ni Moi ay pinagkatiwala na sa akin ang dalawa at hindi pinapayagang pumunta kung saan kung hindi ako kasama. But I don’t mind, really. Pinatong ko ang mga kamay ko sa ulo ng dalawa at inakay sila papasok. “Walang gala-gala ngayon, exam ninyo na next week. Order-in ninyo lahat ng gusto ninyo sa loob, libre ko.”  I made a mental note to treat them somewhere after the exam week. Magkasabay pang nag-yehey ang dalawa. Mas natutuwa silang mailibre ko kahit sa Al’s man o kahit saang kainan. Wala namang kaso sa kanila. Isa pa ay kapag naabutan namin ang isa’t isa sa Al’s ay mas gusto naming doon magkwentuhan at magkulitan. Also, I feel at ease when hanging out here. There must be something in this place, parang sandaling nawawala ang pagiging barumbado ko especially around these two, a side of me that nobody will ever know. So, yes, Al’s restaurant is my haven. Sumunod ako sa dalawa. I chuckled while listening to Dollar and Moi’s banter. Pero mayamaya ay natigilan ako. I just realized another similarity with Rion, we both have people to protect. For him, it’s Shamari even though the reason is unclear. While for me, these two especially Dollar, dahil alam kong kaya ni Moi na protektahan ang sarili niya. Damn. Hindi dapat malaman ni Rion kung gaano kahalaga sa akin ang mga kaibigan ko. Walang dapat makaalam ng kahinaan ko. A/N: I already wrote how their friendship is formed. Read the chapter, ’Their Childhood’ of ‘RION aka Jaguar’   Shamari’s POV   I climbed out of my brother’s car and slammed the door of the passenger side. Aalis na sana ako sa garahe nang tawagin ako ni Rion. I rolled my eyes while turning to face him/ “Stay away from that asshole, Shamari!” utos niya. No one will doubt that he is a true Flaviejo. Rion sure commands the authority of the heir of this land. First time niya akong inutusan. Katulad din ng first time akong nagdabog sa kanya. Tss! Maraming first time ang hatid ng pagkakakilala ko kay Zilv. Zilv… “Care to tell me why?” I demanded. I put my hands on my hips as if preparing for a confrontation. Kung nagulat man si kuya sa inasal ko ay hindi halata sa seryosong mukha niya. Damn. Simula nang tumira ako sa Villa Flaviejo at tanggaping apo ni Don Marionello ay ngayon lang kami magtatalong magakapatid. And for what? Dahil sa lalakeng nakilala ko. And for an obvious reason that Zilv is bad news. It never happened before. We are both aloof and most of the time we mind our own businesses but we silently respect and care for each other. Alam kong may tiwala si Rion at Lolo sa akin at never akong nag-akyat ng problema sa pamilya namin. This is the first argument I will have with my brother. Sabagay, first time din naman kasing ganito ang inakto ko dahil sa isang lalake. So I can’t fully blame my brother. Kaya kailangan ko nga yata ng ganitong argumento dahil maski sa sarili ko ay hindi ko maintindihan kung bakit umaayaw ang buong sistema ko sa ideya na layuan ang katulad ni Zilv. I waited for Rion’s answer. He is a man of few words and prefers actions. At ngayon nga ay mukhang pinagpaplanuhan na ang kung paano papalayuin si Zilv sa akin o ako kay Zilv. “I need to know, brother.” I pleaded. “You don’t deserve that bastard, Sham.” I faked a laugh, dismissing the thought that Rion used his endearment to me. “I’m also a bastard, brother, don’t you remember?” I can’t help but be sarcastic when I hear the word bastard.   (Again, I already wrote about how Shamari ended up with the Flaviejos, the family of her mother, and the day she met Rion, her half-brother. Read “Rion aka Jaguar” chapter title, ‘Their Childhood’. The author can’t help but remind about these things and also promote the first book of the trilogy, hehe! The scenes I mentioned may be reposted here or not.)   Rion exhaled. Mukhang pinagsisihan ang salitang nabanggit. Then after a while, “We’ve been fighting over stupid things since the day we met. And it’s only a matter of time before Zilv knows how we are related and I am b****y sure, he will use you just to anger me…” Rion looked grimmer. “I only want the best for you, sister and I know you want it too for yourself and never tell me again that you deserve less because you are a bastard.” He emphasized every word. Pagkatapos akong tingnan ay nauna ng umalis sa garahe at pumasok sa villa. Will Zilv really do that? Use me just to get even with Rion? Gusto kong i-assure ang kapatid ko na kung mangyari man iyon ay kaya kong protektahan ang sarili ko pero parang hindi ko kayang isatinig. I’m not sure if I will sound convincing. Just thinking about that man feels like my defenses are wearing down...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD