The Main Dish

2108 Words
Shamari's POV It was a very brief moment with him. Bumilang lang yata ng dalawang oras mula nang natapos ang karera hanggang sa ipahatid niya ko kay Moi. But strange.. hindi ko makalimutan ang gabing 'yon. I can't seem to forget Zilv... and the more I think of him the more I get excited to see him. At palagi ko na lang naco-connect ang pagpili niya sakin sa bagay na hindi ko akalaing maiisip ko... s*x with him. At susundan naman ng pag-alala ko sa huling sinabi niya nung gabing yon... "Next time we see each other again, we'll have what you want... Me as the main dish." I'm getting worse. Oo, inaamin ko na sa sarili ko na crush ko siya. Yup, there's no use denying it. He is a very attractive man despite all that rudeness. Pero hindi ako papayag na kontrolin niya pati buong sistema ko. That was unfair and this is gotta stop. And the only solution is to see him again. Right. Pero paano? Hindi ako hibang at hindi ako desperada para alamin o hanapin siya. I will never ever do that, I swear. Hindi ako maghahabol ng lalake! May pride ako.   Pero kung magkikita kami sa susunod well... kailangang maalala ko ang mga paalala ko sa sarili ko at sana hindi niya mahalata ang nararamdaman ko sa kanya. Or better yet, hindi ko na lang iyon pansinin. Lilipas din naman siguro 'tong pagkagusto ko sa kanya. I maybe just drawn to him because I never met someone like him before. Siguro teenage hormones lang 'to. Okay, justified. Pero kung hindi man kami magkikita na ulit.. well, mabubuhay pa din naman ako ng normal. Pssh! He's just a man. Pagkatapos kong magsuklay ay natulog na 'ko. Still Zilv on my mind... ^^^^^^^^^ Pupungas-pungas pa si Rion nang dumulog sa umagahan at napatigil ako sa pag-inom. I looked at him with wide eyes and put my glass down hastily. "Anong nangyari sa'yo?!" It's a relief that Don Marionello is out of the country because if he is here and sees Rion's face, the old man will surely have a heart attack. Punong-puno ng galos at pasa ang mga braso ni Rion. He also has a black eye and a cut above his right eyebrow. Namamaga din ang gilid ng labi at nangingitim ang panga dahil sa pasa. Sa paglalakad pa lang niya kanina, sigurado ako na may iniinda din siya sa mga binti niya. And I don't want to see his back dahil nang mapasandal siya sa upuan ay napamura siya. Naalala ko si Zilv, the first time I saw him, the side of his face is darkened by bruises also. He was wearing a jacket kaya hindi ko alam kung may mga pasa din sa braso. Oh my goodness! Mukhang tama nga ang narinig ko sa drag racing, the two guys rival in everything. At masyadong mulat ako sa mga pinapasukang g**o ni Rion para ma-conclude na malaki ang tsansa na ganoon din ang mga pinaggagawa ni Zilv. So he really is bad news. Gusto kong malungkot.  "I will have a long life, sis nothing to worry about." Balewala niyang sagot at nagsimulang kumain. "Kelan mo ba titigilan ang mga kalokohan mo, kuya?" Most of the times I call him Rion pero pag nagagalit ako ay nawawala iyon at natatawag siyang kuya para man lang ma-realize niya na siya dapat ang role model ko. He just shrugged his shoulders. Gusto kong tumili sa inis, nakakapikon na kasi ang mga pinaggagawa niya sa buhay niya. Hindi man kami close sa isa't isang magkapatid but we really do care for each other. Pero wala yata siyang pakialam sa mga pag-aalala ng mga tao sa paligid niya. I always wonder kung anong gusto niyang mangyari. Nagpapakamatay ba siya? Naiintindihan ko naman ang pagrerebelde niya dahil alam ko ang dahilan. He first saw his mother who abandoned him in the time of her horrible death... And no one took care and love the young Rion. Nagdadalamhati noon si Don Marionello at naging busy sa mga negosyo. Pero hindi lang naman siya ang nawalan ng ina... Naramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko at nakalimutan ko na ang pagkain. Dinampot ko ulit ang baso ko at uminom para hindi niya makita ang ekspresyon ko. "Don't worry Shamari, I'm quitting my vices this year." He said seriously. "M-Magbabago ka na?" I'm hoping so. Tahimik siyang tao kahit maraming kalokohan pero kapag nagsalita, ginagawa niya ang sinasabi niya. "I only said I'm quitting my vices. Hindi ako magbabago, may babawasan lang ako." I sighed. Yeah, marami mang kalokohan si Rion, alam kong mabuti siyang tao, gusto ko 'yong paniwalaan. Kung titigilan niya ang mga bisyo niya, consolation na iyon. Mahirap magbago ang isang tao.  "Pero kung sa pagtigil mo sa mga bisyo mo ay magpapabugbog ka  lang then wag ka ng magbago." I said with sarcasm. Alam ko namang hindi siya basagulero pwera na lang kung hinamon. "So you're quitting by joining a fraternity, huh? Anong klaseng initiation ang ginawa sa'yo." I still can't help but wince seeing his bruises. Something sparked in Rion's eyes when heard of the fraternity but did not answer. "At kelan mo pa naisipang sumali dyan?" Anong mapapala niya doon? Isa pa, alam kong hindi siya friendly, ni wala nga akong kilalang kaibigan niya. "It's for a cause, Sham." Then he smirked. I just rolled my eyes. Iba ang paniniwala ko sa mga fraternity sa high school. Kadalasan, pa-pogi lang ang karamihan. But I know Rion is not like that. So anong grupo kaya ang sinalihan niya? But I did not ask further and just finished my breakfast. ^^^^^^^^^ "Excuse me, I would like to speak with Shamari." Came from the deep male voice... Biglang napaangat ang tingin ko sa lalakeng nakatayo sa pinto. And I think I caught my breath too... The man is directly looking at me. His hands were in his pockets and his head slightly tilted. Sa tayo niya ay parang hindi aalis kahit pagsaraduhan ng pinto hanggang hindi nagagawa ang gusto. Pero sino namang mangangahas na pagsaraduhan siya ng pinto? At bakit parang hindi bagay sa kanya na mag-excuse? Why, the man knows nothing about niceties and courtesy. Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sa kanya lalo na ang mga female species. At ang iba naman ay sakin, curiosity in their eyes. I looked into Zilv's eyes again. And he raised an eyebrow. Impatience is written in his face. Para bang pagsisihan ko kung mageexcuse siya ulit. The nerve! Tumayo na rin ako at naglakad papunta sa pinto. Wala ang teacher namin at ang kaklase ko lang na nagre-report ang nasa unahan. I excused myself and walked to him. "How do you get in here?" Tanong ko nang nasa hallway na kami. "Like normal people do, I passed through the gate." Balewala niyang sagot. Pero mahigpit ang school namin at walang nakakapasok na kung sino. Lalo na at hindi estudyante ng school. Naka-school uniform din siya pero hindi ko kilalang school ang nasa logo ng polo niya. He doesn't even wear an ID. And one look at him, sigurado 'ko na siya ang tipo ng estudyante na sisitahin ng mga gwardya. Nakabukas lahat ng butones ng polo at parang mas madalas na naka-T-shirt lang kesa naka polo uniform. Malago din ang buhok niya na kailangan ng gupitan. At may band-aid pa din sa ilalim ng gilid ng mata at nangingitim pa din ang gilid ng mukha. Hindi ko alam kung iyon pa din ang mga pasa na nakita ko nung huli kaming nagkasama o bago na. Pero kahit rugged ang arrive niya, malinis pa din naman siyang tingnan... And he even looks sexier... "Tara." Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya akong hinila pababa sa hagdan. "S-Saan?" Teka, hindi ba dapat magpumiglas ako? He just quickly glance at me and smirked like implying to do not ask and just leave it to him. At bakit parang yon nga ang gusto kong gawin? "May klase pa 'ko." At naiwan ko ang gamit ko. Pero namalayan ko na lang na binubuksan niya ang pinto ng isang kotse. It was not the car he's driving before. Yeah, right, he opened the door of the driver's side for himself not the passenger's. Kelan niya ba 'ko ipagbubukas ng pinto? Binuksan ko ang pinto at padabog na sumakay. Pero parang wala siyang napansin. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse at nauna pang lumusot sa gate kesa sa kotseng papalabas sana. Nakita ko ang security guard na sumesenyas na tumigil si Zilv. He ignored that. "Saan ba tayo pupunta? I told you may klase pa 'ko." Tanong ko ulit. Pero parang ang babaw ng nararamdaman kong pagtutol, ngayon pa na nandito ako. Pssh... "From your classroom to my car is a hundred meters and it was a few minute walk. Ba't di ka nagreklamo?" I rolled my eyes. At pinamukha pa niya talaga! "Would you let me? Hinawakan mo ang kamay ko." Dahilan ko. "Not too tight. And you can shout for help." A holding hands with him? Why not?  "H-Hindi ako eskandalosa." I snapped at him. "And you're the one who opened the door." "You're impossible!" I exclaimed in exasperation. Tama naman siya at iyon ang nakakainis! Pero bakit ko naman ipapahalata na na-excite ako nang makita ko siya? Then I heard him chuckled. "Hinding-hindi kita pipilitin sa ayaw mo, Shamari." So he meant that I really have choices... And so he will always be the one who only makes the first move at pipili na lang ako kung sasama ako sa kanya or hindi? Yeah, iyon naman talaga ang nangyayari simula pa lang nang unang gabi sa drag racing. I really had choices then. It just happened that my choices were only inclined to him. Pero may choice ba kasi ang buhangin na kumapit o hindi kumapit sa magnet? Hell! Ano ba tong pinag-iisip ko? Inamin ko na naman sa sarili ko na attracted ako sa barbaro na to ah. So all I need is to act normally. "Saan ba talaga tayo pupunta." I wished nadala ko ang gamit ko. Huli pa 'kong nagpowder ay kaninang bago pumasok. Tanghali na ngayon. "To the place where we can satisfy ourselves." I turned my head to him and almost gasped at what I've heard. And what did he mean by that? Naalala ko na naman ang sinabi niya noong nakaraang gabi, "Next time we see each other again, we'll have what you want... Me as the main dish." Nang ganitong tanghaling tapat! I wished he won't notice my burning cheeks. Ang dali ko na namang maisip ang mga ganoong bagay kapag katabi ko siya.  But I really can't deny to myself the excitement rushing through me. Ilang minuto lang at naging pamilyar sakin ang dinadaanan namin at mas lalong pamilyar ang restobar na nasa gilid ng highway na hinintuan ni Zilv. Lumabas siya ng kotse at as usual, deretsong pumasok sa loob. I rolled my eyes. I opened and get out and closed the car door with a slam. Sumunod ako sa loob. Nakita ko siya sa pinwestuhan namin dati. Favorite spot niya yata iyong sulok na 'yon. Um-order na siya ng pagkain namin sa waiter. Ni hindi man lang ako tinanong ng gusto ko. Nasaan ang sinasabi niya na hindi ako pipilitin sa ayaw ko? This man is a contradiction. "You look mad." Napamata ako sa tanong niya. He said those words like just stating the fact that I am mad. Parang hindi naghihintay ng sagot ko na totoong galit ako at parang walang pakelam kung galit nga ako. This boy is not really boyfriend material. Minus points para sa pangarap kong perfect romantic relationship. Okay, nandun ka na, Shamari, inamin mo na na crush mo siya, pero hanggang doon ka lang, he's not the one for you! At sa hitsura pa lang ni Zilv ay halata na na hindi siya nagseseryoso, ni hindi mo nga alam kung interesado ba siya sayo o ginagawa ka lang eating buddy! Pssh! "It is my first time to cut classes." Sabi ko na lang. I doubt it kung makokonsensya siya. Dadaan man lang kaya sa isip niya na ang isang law abiding citizen at good student na katulad ko ay sumama sa isang katulad niya? "I'm glad that it happens with me. You'll get used to it, honey. Marami ka pang first time na ako ang kasama mo." He said that with an obvious seduction that almost takes my breath... Be still, Shamari, Zilv is just a sexy piece of tease. At hindi ka naka-encounter ng ganitong uri ng lalake araw-araw... You'll survive this afternoon with him...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD