Tahimik ang buong hallway ng Rivera Publication. Parang lahat ng ingay ay nilamon ng bigat ng eskandalong pumutok kanina lang sa presentation. I should’ve said something. I should’ve done something. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nakita ko—lalo na’t ang pangalan ni Ismael ang nadawit sa pagkamatay ng isang Carter. The world is going to come for him. Tahimik akong lumakad papunta sa opisina ni Mr. Rivera. Ilang beses akong huminga ng malalim bago ko itinulak ang pinto, and there he was—nakaupo, tahimik, at basang-basa ng ilaw mula sa bintana. He looked so broken. Parang hindi na siya ang lalaking laging may kontrol, laging matapang, laging siguradong-sigurado sa sarili. His jacket was off. His tie was loose. His hands clenched tightly around his head, elbows

