Hindi ako mayaman, hindi rin ako mahirap.
Sakto lang — kumbaga, nasa gitna ng karangyaan at simpleng buhay.
Sexy ako, hot, maganda, at oo, may kaya naman kahit papaano. Hindi ko kailangan ng sponsor para mabuhay.
Kaya ko sarili ko, thank you very much.
I work as a secretary sa Rivera Publication, one of the biggest newspapers and magazines company in the world. Yep, sa mundo, besh. Hindi lang dito sa Pilipinas.
At doon ko nakilala si Mr. Ismael Rivera — ang CEO, ang bossing, ang lalaking nagpapakaba sa akin araw-araw.
Crush na crush ko si sir. As in, kung may official list ng "Pangarap na Maging Asawa," siya ang number one, two, and three ko.
Tall, dark, and dangerously handsome. Yung tipong kahit masungit, kahit may hawig siya kay Mr. Darcy ng Pride and Prejudice, gusto mo pa ring paamuhin.
Pero may problema.
May fiancé na siya — si Callie Torres, manager din dito sa opisina.
Maganda, matalino, at parang walking advertisement ng "Perfect Girlfriend" sa Cosmopolitan Magazine.
Sa totoo lang, gusto ko na siyang kulamin. Charot. Pero half meant talaga yon. Gusto ko talaga siyang tanggalan nga ngala-ngala.
Alam kong hindi madali ang plano ko.
Pero hindi rin ako basta sumusuko.
Sa pamilya namin, may tradisyon:
Once in your life, kailangan mong may gustuhing tao or bagay at gawin mo lahat para mapasaiyo. Kung hindi, you'll be branded as a failure — a disgrace sa buong angkan.
No thanks. Hindi ko carry yun.
At dito nagsisimula ang journey ko: kung paano ko ma-seduce si Mr. Rivera at gawing akin siya.
Gusto ko siyang mapasakin, body and soul.
Isang boring na Tuesday afternoon, habang naka-cross legs ako sa maliit kong table, nagta-type ako ng meeting minutes.
Kahit abala ako sa keyboard, panakaw ko pa ring sinusulyapan si sir.
Suot niya yung gray tailored suit na paborito ko — the one that hugs his broad shoulders and tiny waist just right.
Ang gupit niyang slicked-back, at yung signature serious face niya, ay parang nag-oorder ng third world war sa isang text, ang lupit!
Grabe, kung may pagnanasa awards, panalo ako ngayong araw na 'to.
Nag-isip ako ng plano.
Subtle lang. Kailangan maganda ang timing. Hindi pwedeng obvious.
Kailangan classy, konti lang landi, konting pahiwatig.
Lumapit ako sa mesa niya, dala ang isang folder.
"Sir," sabi ko, boses ko sweet as honey, "here’s the updated expense report. Need your signature po."
Hindi siya tumingin agad.
Naka-frown lang siya sa laptop niya, mga daliri mabilis sa keyboard.
Ibitin ko kaya ang blouse ko ng konti? Joke. Hindi. Not. Never.
Pero seriously, gusto ko siyang matitigan ako kahit dalawang segundo.
After ilang segundo ng dead air, nagtaas siya ng ulo.
His dark eyes landed on me, pero walang spark, walang anything.
Parang... business transaction lang ang tingin niya.
"Just leave it there, Pinky," malamig niyang sabi, sabay balik ng tingin sa laptop niya.
Parang may maliliit na kutsilyong tumarak sa puso ko.
Pero smile pa rin ako, syempre.
Hindi pwedeng magpahalata.
Baka sabihin niya weak ako. Bawal yun sa game plan.
Kaya inilapag ko nang marahan ang folder sa mesa niya, sinadyang idikit ang daliri ko sa ballpen niya.
Kunyari hindi sinasadya. Kunyari aksidente.
"Oops," sabi ko, pa-cute. "Sorry, sir."
Wala pa ring reaction si Mr. Ice Prince.
Tumayo ako ng konti sa gilid niya, leaning just enough para maamoy niya yung bagong spray ko ng vanilla perfume.
"Sir, by the way," dagdag ko, kunwari casual, "If you need help sa ibang reports, or kahit anything else, you can call me. Like... anything."
Nag-angat siya ng tingin. Finally.
Pero hindi pa rin siya ngumiti.
Hindi siya annoyed, hindi rin interested — deadma face lang.
Cold as Siberia in December.
"Focus on your work, Pinky," sabi niya, firm pero hindi galit.
"Don't offer services na hindi naman kailangan."
Boom.
Parang sinampal ako ng papel.
Pero I just giggled. Oo, giggle, girl. Kaya ko to.
"Of course, sir," sabi ko, pa-sweet, pa-maamo, habang naglalakad pabalik sa table ko.
"I’m just... you know, being helpful."
Back to my desk, kunwari busy.
Pero sa loob-loob ko, gusto ko nang manipa ng cabinet.
Ang hirap niyang mabaliw! Ang hirap niyang ma-excite!
Pero hindi ako titigil. Hindi pa.
After lunch, bumalik ako sa office.
This time, dala ko yung coffee niya — black, no sugar, no cream, exactly how he likes it.
Dahan-dahan akong lumapit sa desk niya.
"Sir," sabi ko, "I brought you coffee. Alam kong busy kayo and baka di pa kayo nakakapagpahinga."
Tumingin siya sa akin saglit, then bumalik ulit sa screen niya.
Pero this time, inabot niya yung coffee.
Progress!
"Thanks," malamig pa rin niyang sabi.
Pero kinilig ako.
Baby step is still a step!
Lumakad ako paatras, pero bago pa ako makalayo, nagsalita siya ulit.
"Pinky," tawag niya.
Huminto ako, kumabog puso ko.
"Yes, sir?"
Hindi siya tumingin. Typing pa rin siya sa laptop niya.
"Focus on your responsibilities," he said. "Not on me."
Pak. Pak ulit. Pak pak pak.
Pintig ng puso ko, nagdrumroll.
Pero ngumiti pa rin ako, kahit gusto ko nang magmartsa palabas ng building.
"Noted po, sir," sagot ko, taas noo, lakad pa-cute pabalik sa desk.
Sabay buntong-hininga.
Tangina. Bakit ang hirap mong mahalin, sir?
Pero ayos lang. Hindi ko pa sinisimulan ang totoong laban.
Mr. Rivera, hindi mo pa alam.
Pinky Miranda always gets what she wants.
At sa susunod naming encounter, hindi lang coffee ang dadalhin ko — pati sarili ko, ready na to make you fall.
Kahit ilang yelo pa ang palamunin mo sa puso mo.
Game on, sir.
Pagdating ko sa bahay, tanggal heels agad. Pakiramdam ko parang binugbog ako ng langit at lupa sa buong araw.
Upo ako sa couch na medyo upod na pero paborito ko pa rin — kasi amoy memories, amoy baby cologne, amoy bahay.
"Anak," tawag ni Mama mula sa kusina, "nandiyan ka na pala. Kamusta sa trabaho?"
"Okay lang, Ma," sagot ko, kahit sa totoo lang gusto ko nang umiyak. "Pagod lang."
Pumasok siya sa sala, bitbit ang tsaa. Umupo sa tabi ko, tahimik muna. Typical ni Mama ‘yan — hindi agad nagtatanong, pero alam mong may pinaplano siyang tanong.
"Alam mo naman," panimula niya, "na habang tumatanda ka, mas lalong nagiging mahalaga ang panata ng angkan natin."
Napatingin ako sa kanya. Straight ang tingin niya sa akin, pero may lambing sa boses niya.
"May... may napili ka na ba, anak?" tanong niya. "May isang tao na gustong-gusto mo na kaya mong gawin ang lahat... mapasaiyo lang siya?" She took a deep breath then, “Or maybe something?”
Napahinga rin ako nang malalim. Bigla akong napaupo ng tuwid. Ang tanong ni Mama — parang matagal ko na siyang iniiwasan.
Sumagi agad sa isip ko si Mr. Ismael. Yung mga mata niyang malalim. Yung tinig niyang malamig pero nakaka-magnet. Yung presensya niyang kahit di nagsasalita, nakakatuliro.
Maybe yes? Kasi kahit anong pilit kong iwaksi, siya pa rin ang naiisip ko.
Pero maybe no. Kasi... engaged na siya. At kahit gaano ko pa siya kagusto, hindi ako pinalaking agawin ang hindi akin.
Hindi ako sumagot agad.
"Anak?" tanong ni Mama, mas banayad na ngayon. "You know na hindi mo kailangang madaliin. Pero dapat, malaman mo kung totoo ang nararamdaman mo. Kasi kung hindi, magiging mali ang buong panata."
Tumango lang ako. At para hindi na humaba ang usapan, nag-decide akong sabihin ang kalahati ng totoo.
"Baka... baka kailangan ko pa pong magmuni-muni," sabi ko.
"Tutungo ako bukas sa Kanlungan ng Sagrado."
Napatingin si Mama sa akin, bahagyang ngumiti. Iyon ang lugar na dinadalaw ng bawat kabataang miyembro ng aming pamilya kapag hindi nila sigurado ang nais nila sa buhay — sa pag-ibig, sa hangarin, o sa sarili. Luma na iyong bahay sa may paanan ng bundok, gawa sa kahoy, may lumang bintanang yari sa capiz. Tahimik, amoy insenso, at may kwento ang bawat sulok.
"Mabuti yan," sagot ni Mama. "Doon mo siguro mahahanap ang sagot. Pero anak..." Hinawakan niya ang kamay ko. "Maging tapat ka sa sarili mo. Huwag kang matakot. Kung totoo, kung malinis, kung totoo ang damdamin mo — kahit mahirap, may paraan."
Tumango ako.
Pero sa loob-loob ko?
Naguguluhan pa rin ako.
Bakit si Ismael pa?
Bakit isang lalaking taken na?
Bakit hindi ko siya matanggal sa isipan ko?
At bakit... kahit malamig siya, kahit pinaparamdam niya na wala akong chance, umaasa pa rin ako?
That night, nahiga ako nang hindi ako mapakali.
Nasa isipan ko pa rin ang sinabi ni Mama.
At sa ilalim ng malamlam na ilaw ng kwarto, bumulong ako sa sarili:
"Ismael Rivera... ikaw ba talaga ang panata ko?"