Chapter 5 - Verification

2553 Words
Jean POV Parang may kung anong nabasag sa loob ko nang marinig ko siyang sabihin 'yon, dahil sa unang pagkakataon hindi na papel ang kalaban ko kundi ang desisyong ginawa niya mismo. "Pinili mo sa ilalim ng pressure, hindi 'yon free will, Diya." agad kong sagot sa kanya ayokong tanggapin ang simpleng paliwanag. Pero nakita ko sa mga mata niya ang pagbabago hindi pa ito pagtanggap, pero hindi na rin purong pagtanggi. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, mas mahigpit ngayon. "Kahit ano ang nangyari noon, hindi ibig sabihin no'n na wala na tayong laban ngayon." Tumingin siya sa akin at sa tinging 'yon may tanong na hindi ko masagot kung hanggang kailan ko kayang lumaban kung ang batas ang kalaban ko. Hindi ako susuko paulit-ulit kong sabi sa sarili ko pero sa kaibuturan ko—nagsisimula nang gumapang ang takot na baka unti-unti ko siyang nawawala. — Rafael POV Pinanood ko silang dalawa nang may distance, kahit sa loob ko naman may magulong emotion na gustong sumingit dahil hindi ito ang sandaling para mag-angkin kundi para linawin ang lahat. "Narinig mo siya, hindi siya pinilit." sabi ko kay Jean nang maingat hindi bilang kalaban kundi bilang lalaking may responsibilidad din. "Hindi mo alam ang buong kwento namin," mabilis niyang sagot at doon ko nakita ang lalim ng pinag-samahan nila. "Tama, pero alam ko ang araw na 'yon at hindi siya nawalan ng kakayahang mag-desisyon." tugon ko hindi ako umatras. Tumingin ako kay Diya at sa unang pagkakataon, hindi ko nakita ang purong panic kundi isang babaeng nagsisimulang tanggapin ang katotohanan. "Hindi kita i-kukulong sa kasal na ito kung gusto mong lumaban para sa annulment, susuportahan kita." sabi ko sa kanya malinaw at walang pag-aalinlangan. Mas masakit ito dahil kahit hindi ko siya nakasama ng ilang taon mula sa malayo naka-bantay ako sa kanya. Dahil, mahal ko siya. Napatingin siya sa akin tila hindi inaasahan ang sagot ko. "Bakit?" "Dahil ang pagiging asawa ko hindi lang tungkol sa legalidad kundi sa kung sino ang pipiliin mo kapag maayos na ang lahat." sagot ko nang diretso ng tingin sa kanya. Sa katahimikan na sumunod, alam kong hindi pa tapos ang panic nagsisimula pa lang itong mag-transform sa mas mapanganib na bagay isang desisyon na kailangang gawin hindi dahil sa takot, kundi dahil sa katotohanan. — Diya POV Pagkatapos tumigil ang video walang nagsalita agad at ang katahimikan sa loob ng opisina parang mas malakas pa kaysa sa anumang sigaw na kaya naming ilabas. Tumayo ako, pero hindi para umalis tumayo ako para huminga dahil, pakiramdam ko kung hindi ako gagalaw tuluyan akong lalamunin ng nakita ko. "Gusto kong kausapin ang parents ko, ngayon din." sabi ko at ngayon malinaw na ang boses ko kahit nanginginig ang mga daliri ko. Hindi na ako naghintay ng sagot. Lumabas ako ng municipal building habang sinusundan ako ng dalawang pares ng hakbang na parehong may ibang intensiyon ngunit iisang direction—ako. Sa parking lot, agad kong tinawagan si Mama. Ilang ring lang at sinagot niya ako at sa unang "Hello?" niya pa lang bumalik ang lahat ng takot na pilit kong tinatago. "Mama, alam mo ba talaga ang lahat ng nangyari noong 2021?" sabi ko ng diretso. May ilang segundong katahimikan sa kabilang linya bago siya sumagot at doon ko naramdaman ang bigat ng sagot niya kahit hindi ko pa naririnig. "Diya...hindi ka namin pinilit, pero alam naming wala ka sa tamang estado noon." mahina niyang sabi sa akin. "Pero hinayaan ninyo akong mag-desisyon, hinayaan nyo akong magpakasal." sagot ko naman masakit pero kontrolado ko. Lumapit si Jean at marahang hinawakan ang likod ko parang handang sumalo kung tuluyan akong mabuwal. "Mahal, huwag mong akuin lahat." bulong niya. Pero hindi ko siya sinagot agad. Dahil sa unang pagkakataon, hindi ko gustong may sumalo gusto kong maramdaman ang buong bigat. — Jean POV Habang kausap niya ang Mama niya nakatingin ako kay Rafael na nakatayo ilang hakbang ang layo sa amin tahimik, hindi nangingialam pero hindi rin siya umaalis. "Masaya ka ba?" hindi ko napigilang tanong mababa ang boses ko para hindi marinig ni Diya. Hindi siya agad sumagot tumingin muna siya sa akin ng diretso na walang pagmamataas. "Hindi ito laro para maging masaya ako, hindi ko ginusto ang sitwasyon na ganito." sagot niya kalmado pero may diin. "Pero legal wife mo siya," diin ko at doon lumabas ang pait na pilit kong nilulunok. "At hindi ko siya tinawag para balikan, kayo ang naghanap ng record." sagot niya. Natahimik ako roon, dahil totoo. Kung hindi kami nag-file ng marriage license, baka hindi pa rin namin alam hanggang ngayon. "Hindi ko siya susukuan, kahit gaano katagal ang laban." sabi ko naman mas malinaw ngayon. "At kung siya ang pumiling hindi ka piliin?" maingat niyang tanong. Wala akong naisagot agad at sa unang pagkakataon natakot ako sa posibilidad na 'yon. — Rafael POV Pinanood ko silang dalawa at malinaw sa akin na hindi simpleng papel ang kalaban ko dito kundi ang relasyon nila at pagmamahalan nilang dalawa. Lumapit si Diya matapos tapusin ang tawag at may kakaibang determinasyon sa mga mata niya na hindi ko nakita kanina. "May aksidente ba talagang nangyari noon?" tanong niya sa akin ng diretso na walang pag-aalinlangan. "Oo, naaksidente ang kotse mo dalawang linggo bago ang kasal." sagot ko agad sa kanya. Nakita ko ang pag-liwanag ng alaala sa mukha niya hindi malinaw, pero sapat para magdulot ng sakit ng ulo na bigla niyang hinawakan. "May mga sessions ka kay Dr. Veridiano pagkatapos no'n, para ma-stabilize ka." dagdag ko. "Bakit parang ang dami mong alam tungkol sa mental state niya?" singit ni Jean halatang hindi na siya komportable. "Dahil asawa ko siya sa papel at responsibilidad kong tiyaking hindi siya mas lalong masira noon." sagot ko nang hindi tumataas ang boses ko. "Responsibilidad, pero hindi pagmamahal." ulit ni Diya tila tinimbang niya ang salita. Hindi ako umiwas sa tingin niya. "Hindi ako umasa na magiging pagmamahal." At sa sandaling 'yon, nakita kong pareho silang natigilan dahil kung may mas nakakatakot pa sa panic, 'yon ang posibilidad na may emotion na nagsisimulang mabuo sa gitna ng kaguluhan. Huminga si Diya nang malalim at tumingin sa aming dalawa. "Hindi pa tapos ang laban, pero hindi na ako tatakbo." sabi niya ng malinaw at buo ang boses. At sa paraan ng pagkakasabi niya alam kong ang susunod na hakbang niya hindi na panic kundi isang desisyong kayang magbago ng direksiyon ng lahat. — Diya POV Maaga kaming dumating sa Civil Registry sa Mandaluyong at habang nakapila ako sa verification counter pakiramdam ko bawat segundo ay parang martilyong tumatama sa dibdib ko. Nasa kanan ko si Jean, tahimik pero ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagkakahawak niya sa folder ng mga dokumento namin at nasa kaliwa ko si Rafael na kalmado ngunit seryoso parang sanay na sa ganitong klaseng mga opisina at desisyong may bigat. "Ma'am, full name please," sabi ng staff sa likod ng salamin. "Diya Sharma, born April 14, 1993." sagot ko, malinaw ang boses ko kahit nanginginig ang sikmura ko. Nag-type siya sa computer at ang tunog ng keyboard, tila countdown ng isang hatol na hindi ko pa alam kung kaya kong tanggapin. "Purpose of verification?" tanong niya ulit. "Marriage record confirmation," sagot ni Jean bago pa ako makapagsalita at naramdaman ko ang bahagyang pagpisil niya sa kamay ko. Ilang minuto ang lumipas bago inilabas ng staff ang printed copy at ibinigay 'yon sa amin sa pamamagitan ng maliit na siwang sa ilalim ng salamin. "Same record as filed in PSA, registered 2021, Naic, Cavite. Status: valid." sabi niya nang walang emotions. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Kinuha ko ang papel at tinitigan ang pirma ko—parehong-pareho, walang pagdududa. "Walang annotation? Walang pending case?" tanong ko pilit pinananatiling steady ang tono. "Wala po, ma'am. Clean record." Clean record. Malinis sa sistema. Magulo sa buhay ko. — Jean POV Hindi ako agad nagsalita habang binabasa ko ang dokumento, dahil alam kong kapag nagsalita ako nang hindi ko kontrolado ang emotion ko, baka may masabi akong pagsisisihan ko. "May paraan pa, mahal kung magfa-file kami ng petition for declaration of nullity, mag-a-annotate ba kayo?" sabi ko naman sa wakas nakatingin ako sa registrar. "Kapag may court order na po," sagot niya ng professional at diretso. Lumabas kami ng opisina at doon ko naramdaman ang init ng araw na parang mas maliwanag kaysa dati na para bang ipinapamukha sa akin ang realidad. "Hindi ito matatapos sa verification lang, lalaban tayo sa korte." sabi ko kay Diya habang nakatingin siya sa hawak niyang papel. Tumingin siya sa akin at may pagod sa mga mata niya na hindi ko pa nakikita noon. "Jean, ilang taon pa?" mahina niyang sabi. Hindi ako nakasagot agad dahil, alam ko kung gaano katagal ang proseso alam ko kung gaano kagastos. Alam ko kung gaano kasakit. At sa likod namin, tahimik na nakatayo si Rafael hindi nangingialam pero hindi rin umaalis. — Rafael POV Pinagmasdan ko silang dalawa habang nag-uusap at malinaw sa akin na hindi ako kontrabida sa kwentong ito pero hindi rin ako inosente. Lumapit ako nang kaunti sapat para marinig nila ako nang hindi ako sumasapaw. "Verification was necessary, pero hindi na ito tungkol sa kung totoo ang kasal." sabi ko nang mahinahon. "Alam namin," sagot ni Jean na may bahid ng inis pero kontrolado. Tumingin ako kay Diya. "Ang tanong na ngayon, kung ano ang gusto mong gawin." Napahawak siya sa sentido niya at sandaling ipinikit ang mga mata niya bago ako hinarap. "Kung pipiliin kong ipa-annul, lalaban ka ba?" sabi niya sa kanya ng malinaw at mabagal. Hindi ako nag-atubili. "Kung 'yon ang desisyon mo, hindi kita haharangin." Nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Jean tila hindi inaasahan ang sagot ko. "Pero, kung may bahagi sa'yo na gustong maintindihan muna kung bakit tayo napunta rito, handa akong sagutin ang lahat." dagdag ko at doon ko naramdaman ang bigat ng mga salitang hindi ko sanay sabihin. Tahimik si Diya. Sa kamay niya ang papel sa harap niya ang dalawang lalaki. Sa likod niya ang pamilya at reputasyon. At habang humahalo ang ingay ng kalsada sa paligid namin, alam kong ang susunod niyang sasabihin hindi na tungkol sa verification kundi tungkol sa pagpili. — Diya's POV Hindi ko agad sinagot si Rafael dahil pakiramdam ko anumang salita ang lumabas sa bibig ko magiging desisyon na may panghabambuhay na epekto. "Hindi ko alam kung ano ang gusto ko, ang alam ko lang, ayokong masira ang lahat dahil sa isang bagay na hindi ko man lang maalala nang buo." amin ko sa wakas diretso ang tingin ko sa kanya kahit ang dibdib ko parang may nakadagan. "Hindi 'isang bagay' lang 'yon, Diya," mahinahong sabi ni Jean at naramdaman ko ang kirot sa tono niya. "Kasal 'yon." Napayuko ako sandali bago muling tumingin sa kanilang dalawa. "Pero hindi ko minahal si Rafael." Tahimik si Rafael sa sinabi kong 'yon, ngunit nakita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya ang kontroladong reaksyon ng isang lalaking sanay magtago ng emotions. "Hindi ko rin inaasahan na mamahalin mo ako noon, ang usapan noon proteksyon, hindi pag-ibig." sagot niya ng mababa at kalmado ang boses. "Proteksyon na naging kulungan," singit ni Jean hindi siya galit pero may diin. Huminga ako nang malalim at tumingin sa paligid sa mga taong dumadaan na walang alam sa gulong umiikot sa pagitan naming tatlo at doon ko narealize na kahit anong gawin ko naman may masasaktan. "Gusto kong makita ang original registry file, hindi lang printout, hindi lang PSA copy, gusto kong makita ang mismong record sa Naic." sabi ko bigla napatingin silang dalawa sa akin. "Why?" tanong ni Jean halatang pagod na sa paulit-ulit na pag-verify. "Dahil pakiramdam ko may kulang, hindi ko maipaliwanag pero may parte ng alaala ko na parang hinaharangan." sagot ko. — Jean POV Hindi ko gusto ang idea na bumalik pa siya sa Naic dahil alam kong bawat hakbang papunta doon parang paglapit niya sa lalaking legal na asawa niya. "Diya, ilang beses pa ba nating ibe-verify bago mo tanggapin na valid ito?" sabi ko pilit pinapakalma ang sarili ko. "Tanggap ko na valid, ang hindi ko matanggap ay kung bakit parang may hindi ako maalala." sagot niya agad at doon ako natahimik. Napatingin ako kay Rafael na tahimik lang nakikinig at sa unang pagkakataon naisip ko na baka may alam siya na hindi pa niya sinasabi. "May iba pa bang documents na hindi pa namin nakikita?" direkta kong tanong sa kanya. Sandali siyang tumingin sa akin bago sumagot. "Meron." Parang may sumabog sa loob ng ulo ko. "Ano?" "May prenuptial agreement at may medical report." sagot niya na walang pag-aalinlangan. "Medical?" sabay naming tanong ni Diya. — Rafael POV Alam kong darating din sa puntong ito, kaya mas pinili kong sabihin na kaysa sila pa ang maka-discover. "After the signing, nag-collapse ka, Diya, severe anxiety episode dinala ka sa isang private clinic sa Cavite." paliwanag ko. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at sa sandaling 'yon, hindi ko na nakita ang matapang na babaeng kausap ko kanina kundi isang taong sinusubukang buuin ang sarili mula sa pira-pirasong alaala. "Bakit hindi ko alam?" mahina niyang tanong. "Because your family requested discretion, at pagkatapos noon, nag-therapy ka." sagot ko. Tahimik si Jean, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. "May kopya ka ng report?" tanong niya na matalim ang tono. "Meron, pero hindi ko dala ngayon." sagot ko. Tumingin si Diya sa akin na para bang may hinahanap na sagot sa mukha ko. "Rafael, ano pa ang hindi ko alam?" Sa sandaling 'yon, alam kong kahit sabihin ko ang lahat hindi pa rin 'yon sapat para ibalik ang mga nawala. "At kung makita ko ang lahat ng 'yon, baka doon ako makapagdesisyon." dagdag niya mas malinaw na ngayon ang boses niya. Napatingin ako sa kanya nang matagal bago ako tumango. "Then we go to Naic," sabi ko. At habang bumibigat ang hangin sa pagitan naming tatlo malinaw sa akin na ang verification, hindi lang tungkol sa record ng kasal namin kundi sa pag-verify ng katotohanan kung sino talaga kami sa isa't isa. — Diya POV Hindi na kami sabay umalis ng Mandaluyong registry dahil parang bawat isa sa amin, kailangang mag-isip nang hiwalay bago tuluyang harapin ang Naic. "Uuwi muna tayo," sabi ni Jean habang hawak ang manibela ngunit hindi niya ako tinitingnan. "Kailangan nating pag-usapan ito nang maayos, hindi sa gitna ng kalsada." Tumango ako kahit alam kong wala nang "maayos" sa sitwasyon namin. Pagdating sa bahay namin, hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan nagsalita na siya. "Diya, kung may medical report at prenuptial agreement, ibig sabihin pinag-planuhan ito nang mas maigi kaysa sa iniisip natin." "Hindi ko alam, Jean, pero kung may therapy akong dinaanan, bakit parang may pader sa loob ng ulo ko?" sagot ko kaagad nanginginig ang boses ko. "Because maybe you chose to forget," mahina niyang sagot at doon ako napatingin sa kanya nang diretso. "Hindi ako ganoon kahina," bulong ko. "Hindi ko sinabing mahina ka, pero noong 2021, ibang-iba ang sitwasyon nyo ni Rafael." sagot niya. Napahawak ako sa sintido ko dahil may kumikirot na bahagi ng alaala, isang puting kwarto, amoy disinfectant at malamig na kamay na humawak sa akin. "Sino ang doktor?" tanong ko bigla. "Hindi natin alam, pero malalaman natin." sagot ni Jean.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD