Hindi ako sanay na may pangalan na umiikot sa isip ko na hindi ko maikabit sa malinaw na mukha, pero mula nang ibaba ko ang tawag kagabi ay parang permanenteng nakaukit sa loob ng utak ko ang dalawang salitang 'yon—Rafael Silva.
Habang nag-iimpake ako ng maliit na bag para sa pagpunta sa Naic kinabukasan, paulit-ulit kong binibigkas ang pangalan niya sa salamin para bang may lalabas na alaala kung sapat ko itong tititigan.
"Diya, sigurado ka bang kaya mong harapin ito?" marahang tawag ni Mama mula sa pintuan ng kwarto ko.
Huminga ako nang malalim at tumango kahit hindi ako sigurado.
"Mas hindi ko kakayanin kung tatakbuhan ko."
Paglabas ko ng bahay nandoon si Jean nakasandal sa kotse niya tahimik ngunit halatang hindi siya natulog nang maayos.
"Ako na ang maghahatid sa'yo," sabi niya agad at sa paraan ng pagkakasabi niya parang ayaw niyang ibigay sa kahit kanino ang responsibilidad na samahan ako sa pinakamagulong yugto ng buhay ko.
"Jean, hindi ko alam kung anong mangyayari roon." mahina kong sabi habang lumalapit sa kanya.
"Hindi ko rin alam, pero hindi ibig sabihin no'n na iiwan na kita sa ere." sagot niya ng diretso ang tingin sa akin.
Habang nasa biyahe kami papuntang Naic, nakatitig ako sa bintana at hinahayaan ang mga punong dumaan sa paningin ko na parang mga taon na lumipas nang hindi ko namalayan.
"Naalala mo ba kahit konti?" tanong niya hindi mapigilan ang sarili sa pagtatanong.
"May mesa, may fountain pen...at may lalaking hindi ko makita ang mukha." sagot ko nakapikit habang pilit hinuhukay sa isip ko ang pangyayari sa buhay ko ang tungkol sa dokumentong nalaman ko.
Tumahimik siya at ramdam ko ang selos na pilit niyang nilulunok hindi dahil sa kawalan ng tiwala kundi dahil may bahagi ng buhay ko na hindi niya nasaksihan.
Pagdating namin sa lumang municipal building ng Naic, bumilis ang t***k ng puso ko na para bang may naghihintay na sagot sa loob na maaaring magbago ng lahat.
At habang papalapit kami sa entrance, nakita ko siya nakasuot ng simpleng long sleeves tuwid ang tindig at ang presensiyang hindi kailangang ipagsigawan para maramdaman.
Hindi ko man maalala ang detalye alam kong siya 'yon bago pa man siya magsalita.
"Diya," sabi niya at sa unang pagkakataon may malinaw nang mukha ang pangalang ilang araw nang gumugulo sa isip ko.
—
Rafael POV
Matagal ko nang inisip kung ano ang sasabihin ko kapag dumating ang araw na ito, pero nang makita ko siyang papalapit kasama ang lalaking alam kong matagal nang nasa buhay niya napagtanto kong walang sapat na rehearsal para sa ganitong sitwasyon.
Tahimik akong nakatayo sa labas ng municipal hall pinipilit panatilihin ang kontrol na matagal ko nang nakasanayan kahit sa loob ko naman may bahagi na gustong umatras.
"Diya," ulit ko nang mas maingat ngayon at nakita ko ang pagdaan ng pagkilala sa mga mata niya kahit may halong pagkalito.
"Rafael," sagot niya at ang pagbanggit niya sa pangalan ko hindi siya galit, hindi rin malambing, kundi isang paghahanap ng katotohanan.
Lumapit ang kasama niyang lalaki at inilahad ang kamay.
"Jean." sabi nito sa harapan ko.
Tinanggap ko 'yon nang maayos.
"Rafael." sagot ko.
May ilang segundong katahimikan sa pagitan naming tatlo na mas mabigat pa kaysa sa anumang dokumentong hawak namin.
"Ayaw ko ng drama gusto ko lang malaman kung sino ka sa buhay ko." unang sabi ni Diya ng diretso matatag ang boses niya kahit ramdam kong nanginginig siya ngayon.
Tinitigan ko siya at sa loob ng limang taon ngayon ko lang narinig ang tanong na 'yon nang harapan.
"Asawa mo ako sa batas, pero hindi kita inangkin nang lampas sa pinirmahan mo." sagot ko.
Nakita ko ang bahagyang pag-igting ng panga ng lalaking nasa tabi niya ngunit hindi siya nagsalita.
"Bakit hindi mo ako hinanap?" tanong niya mas mahina ngayon at doon ko naramdaman ang bigat ng mga taong pinili kong manahimik.
"Dahil sinabi ng pamilya mo na kailangan mo ng panahon at dahil ayokong maging dahilan ng mas malalim mong pagbagsak." sagot ko.
Nagtagpo ang mga mata namin at sa sandaling 'yon hindi negosyo, hindi legal arrangement ang nasa pagitan naming dalawa kundi dalawang taong parehong may sugat mula sa parehong desisyon.
"At ngayon?" tanong niya.
Huminga ako nang dahan-dahan bago sumagot, alam kong ang susunod kong sasabihin hindi ko na kayang bawiin.
"Ngayon, Diya, hindi na ito tungkol sa negosyo kung haharapin natin ang kasal na ito haharapin natin bilang dalawang taong may choice hindi bilang mga batang tinulak ng pangyayari."
At habang nakatayo kami sa lugar kung saan nagsimula ang lahat malinaw sa akin na ang pangalan ko sa papel matagal nang legal pero ang tanong kung magiging totoo ba 'yon sa puso niya, ngayong pa lang magsisimulang sagutin.
—
Diya POV
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya dahil sa unang pagkakataon mula nang mabasa ko ang marriage record hindi lang papel ang kaharap ko kundi isang lalaking may sariling version ng nangyari noon.
"Choice? Rafael, limang taon akong walang alam." ulit ko bahagyang napatawa pero walang saya.
Hindi siya umatras sa tingin ko.
"Hindi kita tinanggalan ng karapatan hindi ko lang ipinilit ang presensiya ko sa buhay mo."
"Pero asawa kita at may fiancé ako." sagot ko at doon ko unang narinig ang bigat ng salitang 'yon mula sa sarili kong bibig.
Napahawak si Jean sa siko ko hindi para pigilan ako kundi para ipaalala na nandiyan siya.
"Diya, sabihin mo lang kung gusto mong ako ang magsalita."
Umiling ako.
"Hindi, kailangan kong marinig lahat."
Humakbang ako palapit kay Rafael, sapat lang ang distansiya para makita ko nang malinaw ang mukha niya hindi ito estranghero may kung anong pamilyar sa paraan ng pagtitig niya na parang sanay na siyang intindihin ako kahit hindi ako nagsasalita.
"May nangyari ba sa atin bukod sa pirma?" diretsahan kong tanong kahit ramdam kong namumula ang tenga ko sa kaba.
Saglit siyang natahimik at nakita ko ang pagdaan ng pag-iingat sa mga mata niya.
"Wala akong kinuha sa'yo na hindi mo ibinigay at hindi kita hinawakan sa paraang hindi mo pinayagan." sagot niya nang malinaw.
Naramdaman kong bahagyang lumuwag ang dibdib ko, pero hindi pa rin nabubura ang kalituhan.
"Bakit parang hindi ka galit? Kung ikaw ang asawa at may ibang lalaking kasama ako?" tanong ko halos bulong na lang.
Bahagyang kumurba ang labi niya hindi ngiti kundi isang mapait na pag-amin.
"Dahil alam kong bago pa man ako dumating, may mahal ka na."
Tahimik si Jean sa tabi ko, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa na parang manipis na salamin na pwedeng mabasag anumang oras.
"Hindi kita pinili noon dahil mahal kita, pinili kita dahil natatakot ako." sabi ko at hindi ko alam kung bakit kailangan kong linawin 'yon.
"At alam ko 'yon," sagot niya at doon ako tuluyang natigilan.
"Paano mo nalaman?"
"Dahil nakita ko ang mga mata mo habang pumipirma ka, hindi 'yon mata ng babaeng umiibig, Diya kundi ng babaeng handang magsakripisyo." sabi niya mas mababa na ang boses ngayon.
Parang may kung anong kumalabit sa loob ng isip ko sa salitang 'yon—sakripisyo at saglit na bumalik ang imahe ng sarili kong nakaupo, nanginginig pero determinado.
"Gusto kong makita ang kopya ng pinirmahan ko noon, lahat ng dokumento." sabi ko sa kanya mas matatag na ngayon ang tono ko.
Tumango siya.
"Nasa akin ang duplicates, pwede nating tingnan sa opisina sa bayan."
Luminga ako kay Jean, naghahanap ng pahintulot na hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa at nakita ko sa mga mata niya ang sakit pero pati ang suporta.
"Sumama ka," sabi ko sa kanya ayokong may itinatago, ayokong may lihim sa pagitan namin.
Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ni Rafael pakiramdam ko hindi lang pangalan ang hinaharap ko kundi isang version ng sarili ko na matagal ko nang iniwan sa dilim.
At sa bawat hakbang papalayo sa municipal hall, unti-unti kong nararamdaman na ang pangalang Rafael Silva hindi na lamang malabong tunog sa alaala ko—isa na siyang taong may kakayahang baguhin ang direction ng buong buhay ko.
—
Rafael POV
Habang naglalakad kami patungo sa sasakyan ko ramdam ko ang presensiya ng lalaking kasama niya at hindi ako bulag sa paraan ng paghawak niya sa kamay ni Diya na parang natatakot siyang maagaw ko ito anumang sandali.
Hindi ko siya masisisi.
Kung ako ang nasa posisyon niya marahil ganoon din ang mararamdaman ko.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at humarap kay Diya bago siya sumakay.
"Hinding-hindi kita pipilitin sa anumang desisyon," sabi ko nang diretso ayokong magkaroon ng maling impresyon ang kahit sino sa amin.
Tinitigan niya ako nang ilang segundo, para bang sinusukat kung nagsasabi ako ng totoo.
"Hindi ko kailangan ng awa, Rafael kailangan ko ng katotohanan."
"Mas masakit ang katotohanan kaysa sa inaakala mo," sagot ko ngunit hindi ako umatras.
Sumakay sila at habang umaandar kami papunta sa lumang opisina ng pamilya ramdam kong bumabalik ang mga alaala ng araw na 'yon—ang pirma niya, ang pagkaputla ng mukha niya at ang desisyong akala ko'y mananatiling lihim habambuhay.
Sa rearview mirror, nakita ko siyang nakatingin sa labas malayo ang tingin at alam kong sa isip niya may mga pirasong nagsisimulang maghanap ng puwang.
"Rafael," bigla niyang tawag mula sa likod at kahit simpleng pagbanggit 'yon ng pangalan ko may kakaibang epekto sa akin.
"Hmm?"
"Kung hindi ako bumalik ngayon, sasabihin mo ba sa'kin ang totoo?"
Sandali akong napangiti nang bahagya hindi dahil sa saya kundi dahil alam kong ito ang sandaling hinihintay ko.
"Oo, dahil kahit legal na asawa kita sa papel, hindi ko kailanman ginustong maging lihim sa'yo." sagot ko nang walang pag-aatubili.
At habang papalapit kami sa gusaling saksi sa desisyong nagbuklod sa amin, malinaw sa akin na ang laban na ito hindi tungkol sa pag-angkin—kundi sa kung handa ba siyang kilalanin muli ang pangalang minsan na niyang pinirmahan.