Shara Pov:
Today is the day na pinakahihintay ko. May pasok nanaman at ibig sabihin nun makikita ko nanaman si Sevix ko. Nakita ko naman na siya kahapon kasi nga bumisita siya sa bahay at binisita niya si Kuya Shekel, hindi ako. Pero okay lang. Sa susunod na dadalaw siya sa bahay e ako na ang dahilan muwahahaha ay hehe naover na ako.
So eto nandito na nga ako sa school. Kakahatid lang sakin ng driver namin at naglalakad na ako sa building ng secondary students. Magkakaiba kasi ng mga building ang primary, secondary at collage. Malawak ang E.S.A kaya kung baguhan ka sa school maliligaw ka muna ng ilang beses bago mo mamemorized ang buong structure ng school.
First year collage na si Sevix at classmate sila ni Kuya. Same course kasi sila na Engineering ang kinuha at kung talagang sesuwertehen ay same section pa napuntahan nila. Nakakaselos na nga si Kuya sa kasuwertihan e pero nah bestfriend lang sila tsaka di din sila talong dalawa. Kaya wala akong dapat ikabahala.
" Good morning Shara!!!! ". Sinalubong ako ng yakap ni Alola. Bestfriend ko! Nagkakilala kami nung first year high school or I should say Grade 7. Inabot kasi ako ng K-12 e. " Good morning! ". Masigla ko din bati sa kaniya saka tinugon ang yakap niya sakin. Agad din naman siyang kumalas sabay tingin sakin from head to toe to head ulit.
" Parang may kakaiba sayo? ". Wika niya na ikinataka ko. Hindi naman ako nagpamake-over kaya alam kong walang bago sakin. " Maganda ako alam ko na yun ". Sambit ko. " Hindi yun. Blooming ka! ". Giit niya. " Talagang blooming ako kasi maganda ang umaga ko ". Ani ko sabay ngirit. " Ows! Talaga? Bakit lalaki na ba si Sevix mo? ". Kilala niya din kasi kung sino crush ko syempre bestfriend ko siya kaya alam niya talaga lahat sakin.
" Uhmmm di pa. Pero malapit na! ". Sagot ko na ikinatawa niya. " Haha ang aga ng joke mo ghurl. Nananaginip pa rin ata e. Gusto mo kape pampagising sa katotohanan? ".Pamimilisopo niya. Ganiyan siya masyadong prankado which is ikinatutuwa ko kasi honest talaga siya sakin. Pero ang bwiset naman itong si Alola. Pinipilit ko na nga lang maging maganda ang umaga ko sisirain pa.
" Like dah! Di kape ang pang almusal ko kundi fresh milks from Germany ". Ani sabay pacute at tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko at nag walk out papasok sa loob ng room. Attitude ako e! " Basag trip ka din talaga minsan anu! ". Sambit ko pa sa kaniya na may kasamang irap pagkababa ko ng bag ko sa upuan ko. Magkatabi kasi kami ng upuan dalawa. " I was just showing you the reality! Bakla si Sevix or I should say Trixie! And I am concerned about you ghurl. Nagiging over na kasi pagka obsessed mo sa kaniya. Bat di mo nalang tanggapin na bakla na for real and for life si Sevix ".
Para siyang si Kuya Shekel na parating pinaparealize sakin na never ng magiging straight si Sevix. Bakit ba hindi nila maintindihan kailangan lang nilang maniwala na may pag-asa pang maging tunay na lalaki si Sevix. Masyado silang nega di nila ako gayahin. Always positive kaya nga naniniwala ako na someday Sevix will look after me and saying he loves me too hehe.
Tsaka kahit anu pang negativity nila di naman ako nagpapadala, pinipilit ko pa din papaniwalain ang sarili ko na kahit katiting ay mayroon pang natitirang pag-asa na maging lalaki si Sevix. Di tulad nila dinadown yung pangarap ko.
" I'm not obsessed Alola. Crush na crush ko lang talaga siya ". Giit ko. " Well di naman halata sa kilos mo na crush lang yan nararamdaman mo for Sevix anu??? .... by the way may lakad pala mamaya ang barkada! Sama ka ghurl. Uhmmm don't say no! ". Kumpronta agad niya sakin. As if naman tatanggi ako diba.
Nginitian ko siya. " Syempre naman sasa———— ". Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng maalala ko bigla yung narinig ko na usapan nila Kuya Shekel at Sevix kahapon. Narinig ko lang naman ng di sinasadya na may aattendan daw silang party mamayang gabi. Sa may QC pa nga daw e. Sa Schola ba yun! Diko alam basta yun ang narinig ko. Ang plano ko lang naman e sundan sila kaya baka di ako makasama sa lakad namin mamaya.
" Oh bakit? Huwag mong sabihin di ka sasama ". Nginiritan ko siya ng kay lapad sabay hawak sa kamay niya. " Past mo na ako! Naalala ko may lakad pala ako mamaya ". Tumaas ang dalawa niyang kilay at hinablot ang mga kamay niya papalayo sakin. Naupo kasi siya ng maayos sa tabi ko. " Ha? Bakit? May family dinner ba kayo mamaya. May pupuntahan kayo? Saan ka naman pupunta? ". Sunod-sunod na tanong niya.
" Wala naman pero may aasikasuhin ako! ". Wika ko sabay iwas ng tingin sa kaniya. Kinukuting-ting ko kasi ang bag ko at kinukuha ang notebook ko sa Gen Math. Ito kasi ang first subject namin kaya need ko nang ihanda. Parating na din any minute si Mrs. Jana. Nasabi ko bang STEM ang kinuha kong track. So yan STEM ako.
" Shara tignan mo nga ako! ". Kaya tinignan ko nga siya pagkakita na pagkakita ko sa notebook na hinahanap ko. Masunurin naman akong bata e. Naniningkit ang mga mata niyang nakatitig lang sa mukha ko. " Binabasa mo ba ako? ". Tanong ko sabay taas ng isang kilay ko sa kaniya.
" Hindi. Pero malakas ang kutob kong kaya ka di sasama sa lakad natin mamaya ay maykinalaman ang gagawin mo tungkol kay Sevix! ". Mariin niyang sinabi ang name ni Sevix. " O-off course not! ". Deny ko. Nginisian niya ako. " Oh come on Shara don't me! I'm your bestfriend at kilala na kita. Aminin mo na dahil kay Sevix kaya di ka sasama samin anu? ". Pagbubuking niya pa sakin.
" Hindi nga! ". Pagtatanggi ko pa din. " Huwag mo na itanggi. Di naman kita pipigilan kaso sasabihin ko lang sayo na hinay-hinay lang Ghurl. Huwag ka obsess sa Love. Sige ka ikaw rin, masakit yan kapag napasobra! ". May pagpapadalawang isip na sabi niya wari bang kinokonsenysa niya ako.
" Alam ko naman yan Alola pero di na lalampas pa sa crush ang nararamdaman ko para kay Sevix. Crush ko lang talaga siya! ". Ani ko. " So siya nga dahilan kaya ka di sasama? ". Pagbabalik niya sa topic namin. Huminga muna ako ng malalim saka umamin sa kaniya.
Wala na din naman akong magagawa kasi di niya din ako titigilan kung pilit kong itatanggi ang totoo sa kaniya. " Ikaw na talaga ultimate obsess ghurl sa crush mo! ". Kulit sabi ng di ako obsess. Bahala nga siya. Hindi ko na siya nasagot pa kasi dumating na si Mrs. Jana.
Agad din nagsimula ang klase. Hindi naglecture si ma'am pero mayroon siyang pinapasulat samin. Kaya abala kaming lahat sa pakikipag chikahan habang nagsusulat. Okay lang din naman kay ma'am e. " Shara! ". Agad akong napatingin kay ma'am mula sa pagkakayuko ko kasi nag nagsusulat ako.
" Yes ma'am? ". Sagot ko. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Nagkatinginan pa kami ni Alola. Kumibit balikat siya sakin kaya tumuloy na akong lumapit kay ma'am Jana. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nang makalapit na ako ko kay ma'am. " Ate Shara, puwede bang pumunta ka sa collage department sa engineering class. Section A. And excuse Mr. Ezadera. Sabihin mo pinapatawag ko! ". Utos ni ma'am.
Kung sinesuwerte nga naman oh. Your an angel ma'am. Thank you po! hehe. Nginitian ko si ma'am ng bahagya lang. " Okay po ma'am! ". Pigil ko sa kilig na pasasalamat. Baka mahalata ni Ma'am na kinikilig ako e isipin niya pa crush ko si Sevix haha. Diko kaya siya crush, crush na crush lang.
Di na ako nagpaligoy pang lumabas sa room. Nilakad ko ang baba, taas na hagdanan ng mga building hanggang sa marating ko din sa wakas ang mala empyerno sa Bulong department ng mga collage. Alam niyo yun kung sino pang mga Seniors sila pa itong maiingay. As usual mga first year collage lang naman ang mga ganun hanggang second year pero pagdating sa mga third year at forth year mga matured na talaga sila.
" Hi Shara!!! ". Bati sakin ng ilang boys na nadaanan ko sa corridors ng room nila. Ngiti lang ang itinugon ko baka isipin pa nila snubber. Hindi naman! Slight lang hehe. Di kasi ako ganun kaftiendly na tao dahil sila mismo ang nakikipag kaibigan sakin.
Nung nasa tapat na ako ng room ng Section Rose A Engineering. Name ng section nila ay agad kong dinungaw ang pintuan na naka bukas. Kumatok ako dito dahilan upang maagaw ko ang atensyon nilang lanat. Kasama na dun syempre si Sevix at Kuya Shekel. Hindi sila magkatabi sa upuan kasi nasa second raw si Kuya third raw naman si Sevix.
Karamihan sa section A ay mga lalaki at bilang ko lang sa daliri ko sa kamay ang mga babae. Siguro salang-sala talaga ang Section A. Suwerte naman ng mga babaeng ito classmate ng Sevix ko. Subukan lang nilang landiin Sevix ko makikita nila hehe.
" Uyyy! Chix! ". Banat ng isa sa mga classmate ni Kuya. Well gwapo naman siya, at namumukaan ko siya. Ahhhh! Si Yanson friend ni Kuya Shekel na automatically e friend na din ni Sevix. Nakangising binato ni Kuya ng notebook si Yanson dahil sa sinabi nito sakin. " Loko! Kapatid ko yan! ". Wika ni Kuya na ikinatouch ko kasi so protective niya sakin.
" Yesss Ms. Valtocris? ". Tanong ni Ma'am Kaye. " Ahmmm! Good morning Ma'am. May I Excuse Mr. Ezadera? ". After kong sabihin yun umingay ang room nila na ikinakilig ko ng palihim. Inaasar lang naman kasi si Sevix ng mga kaklase niya sakin. Pinagsasamaan niya ng tingin ang mga classmate niya na obviously di niya nagustuhan ang mga asar nito sa kaniya.
Nasad ako sa part na yun but still crush ko pa din siya kahit di niya ako crush. " Are you talking about Trixie right? ". Tanong ni Ma'am Kaye sakin na ikinaawang ng bibig ko. Can't imagine na Trixie na talaga name niya at kilala talaga siya bilang Trixie. Like hello, lalaki siya oh! Lalaki manamit tapos Trixie?
" O-opo! ". Ngatal kong sagot nung matauhan na ako. " Trixie someone is looking for you at kayo naman class stop teasing, at magfocus kayo sa pinasasagutan ko ". Suway ni ma'am sa mga estudyante niya. Walang pakealam na iniwas ni Kuya ang tingin niya sakin, seryoso na tong nakatutok sa paper niya.
Samantalang hindi ko naman namalayan na nakalapit na pala sakin si Sevix. Nagulat ako nung pagtingin ko sa harapan ko ay nakatayo na siya dito, mayroon pa din naman agwat. Mukha ngang diring-diri siya e. Siguro naiisip niya pa din yung pang-aasar sa kaniya ng mga classmates niya. Ayaw na ayaw niya nga talaga sakin at lalo na ang iasar sakin.
Poker face siyang nakatingin sakin. " What do you want from me? ". Medyo mataray niyang pagkakatanong dala pa din siguro ng inis sa mga classmate niya kasi di naman siya ganiyan makipag usap sakin kahit na ayaw niya sakin. Nakapaeawang siya sa harapan ko ngayon, at baling-bali ang beawang. Confirm bakla nga siya.
" Ah Mrs. Jana looking for you! Pinapatawag ka niya sakin... ". Sagot ko. Sandali niya akong pinasadahan ng titig. Bago umiwas ng tingin sakin. Nilingon niya lang teacher nila kaya di na siya nakapameawang. Pero yung katawan niya nakaharap pa din sakin kaya naman may pagkakataon ako upang memoryahin, titigan, at pagmasdan ito.
Unbutton ang dalawang botones ng polo niya. Kaya nasisilip ko sa nakaawang na kuwelyo niya ang makinis, maputi, at yummy na dibdib niya. Tapos yung leeg niya, medyo wet kasi di naman aircon ang school namin some places lang ang mayroon aircon. Kahit na pawisan siya ang Hot niya pa din tignan at mas lalo siyang naging Hot sa eyes ko. Isang mo pa ang perpektong mukha niya na talaga naman kahit wala siyang gawin kikiligin ka nalang.
Ang pula ng labi niya, medyo messy din buhok niya na ikinabilis nang dibdib ko.
Kinikilig kasi talaga ako. Ngayon nalang ulit ng mapagmasdan ko siya sa malapitan. At ipinagpapasalamat ko ito kay Ma'am Jana. " Ma'am Jana I love you na! ". Sambit ng isipan ko. " Okay po ma'am thank you po! ". Wika niya na ikinabalik ko sa reyalidad.
Nag uumpisa na pala siyang maglakad samantalang ako ay naiwan niyang nakatayo pa din dito sa pintuan nila. " Di man lang ako sinabihan! ". Reklamo ko pero pabulong lang. Malayo na siya sakin kaya madali ko siyang hinabol. " Sevixxxx sandali!!!! ". Sigaw ko ngunit di niya ako nagawang lingunin. Deadma nanaman ang beauty ko sa kaniya.
Haaays never mo ba talaga akong papansinin ng tuloy-tuloy Sevix???
Pansinin mo na ako oh!