Shara Pov:
" Ara asan ka na ba ha? ". Galit na pakikipag-usap ni Sevix kay Ara sa kabilang linya. Saturday ngayon at nandito kami sa mall para sana bumili ng mga gamit na gagamitin ko sa pageant. Napag-usapan na namin ito nung friday pa, at maganda naman ang naging mga usapan namin pero itong si Ara hanggang ngayon wala.
Nauna akong dumating dito sa Mall. Pagdating talaga sa pamamasyal at shopping ay mabilis ako. Sumunod na dumating si Sevix at two hours na ang nakakalipas wala pa din Ara ang nagpapakita samin dalawa. " Kanina ka pa namin hinihintay ditong bakla ka, asan ka na ba?? ". Lumalabas ang p*********i ni Sevix dahil sa inis niya kay Ara.
Alam niyo naman ayaw nitong naghihintay ng matagal at ayaw na ayaw niyang nasasayang lang ang oras niya sa wala. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa ice cream house. Wala naman kami sa loob kundi nasa labas lang nitong shop pero ang lakas kasi ng boses nitong si Sevix at umaabot hanggang dulo nitong shop. Ako ang nahihiya para sa kaniya e.
Daig niya pang nakainom tapos mayroon kausap sa kabilang linya ng phone. Nginingitian ko nalang yung mga taong napapatingin samin dahil sa gwapong nilalang na ito na naguusok na ang ilong dahil sa inis kay Ara. " What??? Di ka makakapunta? Niloloko mo ba akong bakla ka? Sinong sasama kay Shara sa pamimili? ". Manly na ang boses niya dahil sa inis.
Narinig ko naman ang sagot ni Ara sa kabilang Line. " Ikaw! Sorry talaga beks. Sumakit bigla tiyan ko e. Nag LBM ko! Alangan naman dalahin mo ito at diyan magkalat. Like ewwww! Sige na ikaw na lang muna sumama kay Sis Shara! Para sasamahan lang e. Di naman yan date! ". Wika ni Ara sa kabilang linya.
Napapikit sa inis si Sevix. Huminga siya ng malalim at sinubukan ikalma ang sarili. Kumalma nga naman siya kaso yung kilay niya salubong pa din. " Ikaw bakla ka, huwag na huwag kang magpapakita sakin sa Monday. I hate you! ". Sabay patay niya sa kabilang linya. Grabe! Kung maldita ako e mas maldita siya. Hinarap niya kaya nagulat ako.
" Let's go! ". Sambit niya sakin. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinawakan na niya ako sa kamay ko at kinaladkad kung saan niya ako ngayon dinadala. Sumakay kami sa escalator. Binitawan na niya yung kamay ko. Pagkadating namin sa second floor nangunguna siyang maglakad at para bang labag sa kalooban niyang gawin ito, ang samahan ako lalo na at kaming dalawa lang talaga ang magkasama.
Actually obvious na lunok pride nalang itong pagsama niya sakin. Dahil kung siya ang tatanongin ay gusto na niyang umuwi. Habang nangunguna siya at tinawag ko siya. " Sevix!!! ". Tawag ko. " What? ". Sagot niya nang di ako nililingon. " Umuwi ka na, I can handle may self. Di naman ganun kadami yung bibilihin ko e. Yung mga kakailanganin lang talaga! ". Sambit ko.
Bigla siyang huminto sa paglakad. Muntikan pa nga akong mapasubsob sa likuran niya. Pabigla-bigla kasi siya nahinto mabuti nalang naipreno ko ang paa ko at nakontrol ang katawan ko. Kalmado na ang ekspresyon ng mukha niya pero bakas pa din ang pagkainis.
" Kilala kita Shara, mahilig kang magshopping kaya yang kakaunti na sinasabi mo hindi mo kakayaning dalahin mag-isa. Tsaka nandito na ako, nangako din kami ni Ara sayo diba. At responsibilidad ka namin. Kaso yung Ara na yun panira sa usapan. Huwag ka ng umangal pa. Simulan na natin ang paghahanap ng mga gagamitin mo ng makauwi na din tayo agad! ".
Tinalikuran niya na ulit ako sabay lakad. Naiwan naman akong nakatayo pa din dito. Natauhan lang ako nung marealize ko na nakakalayo na siya sakin. Hinabol ko siya ng may ngiti sa labi ko. Nang maabutan ko na siya ay lumakad na ako ng normal. Matutuwa na sana ako kaso nga lang bawat madaanan namin mga tao ay napapatingin sa kaniya lalo na yung mga babae at ang mas nakakainis pa e ang nagpupuso-puso nilang mga mata. Sarap dukitin.
Pinanlisikan ko ng mga mata ang nakikita kong tinitignan ng may pag-nanasa si Sevix. " We're here! ". Sambit niya at huminto sa tapat ng isang malaki ng boutique. Tinignan namin pareho yung branch name na nakasulat sa itaas ng store. Ang sabi ay " Fit and wise Fabulous ". Basa ko sa nakasulat. " Maalam ka pala magbasa ". Sungit niya na ikinangiwi ko. Ngumisi siya matapos sabihin yun tapos ay pumasok na sa loob mismo nitong boutique.
Sumunod naman agad ako sa kaniya. Hindi ako naasar sa banat niya. Mas kinilig pa nga ako e haha. " Mr. Ezadera and Ms. Valtocris its good to see the both of you here on our shop. What can I do for you? ". Tanong nung manager siguro nitong boutique. " Shows us the most fabulous outfit na magugustuhan niya ". Itinuro ako si Sevix. Tumango naman yung manager ng shop. " And please make sure it's the most expensive too. Thank you (Cute Smile) ". Pahabol ko bago umalis yung babae.
" Expensive? Diba puwede simple lang! Gastos mo Ghurl. Kung ako boyfriend mo no way di ka puwedeng gumasta nang madami! ". Wika niya na ikinangiti ko sa kaniya ng sobra. " But I'm not you're boyfriend! ". Giit niya. " You want to apply? Mukhang available ka naman e ". Pagsakay ko sa sinabi niya. Nahuli kong namula ang pisnge niya sa sinabi ko lalo na sobrang lapit ko pa sa kaniya.
" T-tumigil ka nga. Mandiri ka sa sinasabi mo! Like ewww Ghurl! Di tayo talo ". Iniwas niya ang tingin sakin at ibinaling sa mga damit at kunwari ay naniningin siya. Busy-busyhan ganun huwag ko pang makausap.
Sinimulan ko kaagad ang magsukat ng magsukat ng dresses at nang iba pang damit. Nag thumbs up si Sevix kapag gusto niya at kapag ayaw niya thumbs down. Ilang minuto lang din yun dahil kailangan pa namin pumunta sa sapatusan. After namin bayaran syempre ng pera ko yung mga dresses na napili niya ay pumasok kami sa department store kung saan nandon ang branded na sapatos.
Apparel ang napili namin tatak nang sapatos which is the brand na kasosyo namin sa business. Kaya mayroon akong discount sa oras na bumili ako at may magustuhan sa nakadisplay nila ngayon. " Ma'am check niyo po ito! ". Suggestion nung sales man na nag aassist samin. Kinuha ko naman agad yung heels na inabot ni Kuya sakin.
Nakatayo lang si Sevix sa harapan ko at pinapanuod akong magsukat ng sapatos. I'm wearing dress today. Above the knee siya tsaka pa V line style spaghetti. Yumuko ako para sana simulan ng sukatin ang sapatos ng naramdaman kong mayroon lumapi sakin. Hinawakan niya ako sa balikat ko at pinaayos niya ako ng upo. Inagaw niya sakin yung saptos na hawak ko na dapat ay isusukat ko.
" Ako na! ". Ani ni Sevix. Nagtaka naman ako sa inasal niya. " Hindi na kaya ko naman e ". Giit ko pero di siya nagpatinag. " Ako na nga! ". Pakikipagtalo pa niya. Tinignan niya ako ng may awtoridad kaya wala na din akong nagawa. Nakakatakot siya e. Ayaw ko naman magalit siya kaya kung gusto niya edi siya na. Madali naman ako kausap.
Pinabayaan ko siyang isuot sa paa ko ang heels na ibinigay sakin ni Kuyang sales man. Pero napansin kong namumula siya. Okay lang ba siya? Binulungan ko si Sevix at pati siya ay hindi sakin ngayon makatingin, tapos namumula na din pisnge niya. " Sevix!!! Okay ka lang? Bakit pareho kayong namumula ni Kuya daig niyo pang mayroon nakitang di magnda ". Ani ko.
Hinawakan niya ako sa balikat ko at kahit naiilang pa din siya ay di niya ito pinansin. " H-huwag ka ngang yumuko! ". Utos niya. " Ha? ". Taka ko. Kinagat niya ang labi niya at sandaling sumulyap sa may dibdib ko. Sinundan ko ng tingin ang tingin niya at nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong tinakpan nang kamay ko ang dibdib ko at agad na umayos ng tayo.
" Bat di mo sinabi? ". Tanong ko sa kaniya. " Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo. Isipin mo pang binobosohan kita! ". Paliwanag niya. Pakiramdam ko tuloy pati ako namumula na dahil sa hiya. Kaya pala namumula si Kuyang sales man at Sevix kasi aaaaaah yung hinaharap ko. " Bakit kasi ganiyan suot mo? ". Tanong niya sakin. " E okay naman siya tsaka malay ko bang anu, mangyayari ito! Waaah nakita mo ba? ". Ungkat ko na ikinataas ng dalawa niyang kilay.
" Asa ka! Wala naman makikita sayo e ". Tingin niya sakin flat? mala Ivana Alawi kaya katawan ko. Suntukin ko siya diya kung makalait sa katawan ko. Sabihin niya nakita niya. Shems, nakakahiya. Pinalo ko siya sa balikat niya tapos irap. " Iyan nalang bilihin natin okay na yan. Basta makaalis na tayo dito. Nahihiya na ako ". Wika ko sa kaniya.
Hindi naman na siya sumagot. Kinausap niya yung sales man para kuhain ang isang pair pa nung sapatos ko tapos bumalik ulit siya sakin. Hiyang-hiya pa din ako sa kaniya kaya di ko siya magawang tignan ng diretso. " Tara na bibili pa tayo jewelry mo ". Aya na niya. Tumango lang ako. Magkasabay kaming naglalakad ngayon papunta sa shop, tahimik lang ako na sinasabayan siya nung magsalita siya.
" Shara! ". Tawag niya. " Uhmmm? ". Matipid kong sagot na hindi siya tinitignan. Nahihiya kasi talaga ako. " Nakita ko! ". Sambit niya. Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinignan ko na siya na nakatingin na din pala sakin. " Ang alin? ". Tanong ko. Hindi siya sumagot agad. Kinagat niya ang labi niya sa ibaba tapos para bang nagaalangan pa siyang sumagot. " Y-yung hiwa mo sa dibdib! ". Pagkasabi niya nun iniiwas niya ang tingin sakin at napansin kong namula ang tenga niya ng kaunti.
Napatingin naman ako sa dibdib ko at napahawak rito. Pinalo ko siya sa braso niya. " Sabi mo hindi! ". Buwelta ko sa kaniya. Nagulat siya sa ginawa kong pagpalo sa kaniya. " H-hindi nga! ". Giit niya. " E bat sabi mo nakita mo? ". Ani ko. " Oo! Hindi! Oo! Oo nga. Kasalanan ko bang ganiyan ang suot mo. Tsaka aksidente yun. Mabuti pa nga at sinabi ko sayo! Tsaka parehong tayong babae kaya mayroon din ako niyan ". Ani niya.
Pinalo ko ulit siya para matigilan kami sa paglalakad. " Nakakadalawa ka na ah! ". Wika niya. " Tama lang yan, mas malala pa yung nagawa mo anu! ". Saad ko. Hindi siya nakapagsalita. " Sorry okay! Aksidente nga diba! ". Nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad at ganun din ako. " Kahit na crush kita tapos nakita mo. Waaah baka maturn off ka sakin di puwede! Sinabi mo pang maliit siya ". Pag-aalala ko na baka mas lalo niya akong layuan.
" Hindi naman siya maliit e ". Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at muli siyang pinalo. Napalakas ata kaya ayun nagulat siya. " Araaay nakakatatlo ka na Shara ha! ". Daing niya. " Sorry, kasi ikaw kung anu-anu sinasabi mo. Kalimutan mo na nga lang. Kalimutan nalang natin! ". Giit ko sa kaniya. " Mabuti pa! ". Sang-ayon niya.
Saktong nakarating na kami sa jewelry shop. Para malibang kami ay naningin kami ng mga alahas. Ang gaganda ng mga bato nila at nagkikinangan. " Miss can I see this! ". Turo ko dun sa necklace na ang lakas maka elegante. " Ang Over niyan Ghurl!!! ". Comment ni Sevix. " Miss ito nalang kasi ang arte ng kasama ko ". Pabulong ko ng sinabi yung last part.
Pagkapili namin sa jewelry at after namin mabayaran nangakit si Sevix na kumain dahil nagugutom na daw siya. Huminto kami sa isang fast food chain. Sabi ko sa restaurant nalang kami kumain pero mas gusto niya daw dito at dahil mahal ko siya kung saan siya sasaya edi dun kami.
Kanina pa siya nakatingala sa menu at kanina pa din siya pinagpapantasyahan ng babaeng nasa harapan niya. Lalaking-lalaki kasi ang porma ni Sevix. Naka polo white tapos naka shorts na above the knee ang haba color caramel. Bukas din ang unang botones ng kuwelyo niya tapos ang gwapo niya pa sa messy hair niya. Kaya kahit sino maiinlove sa kaniya kapag nakita siya.
Sinamaan ko ng tingin yung babae kaso di niya ako napapansin. Titig lang siya kay Sevix. Ang ayaw ko sa lahat e inaagawan ako at hinahatian. Hindi ko hahayaan na ipagpatuloy niya pa pagpapantasya niya sa Sevix ko. Ipinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Sevix. " Sweety hindi ka pa din ba nakakapili? ". Tanong ko kay Sevix.
Napatingin siya sakin ramdam ko pero ako nakatingin lang ako sa babaeng nasa counter na tinitignan na din ako ng masama pati yung kamay kong nakapulupot sa braso ni Sevix. " Shara anung ginagawa mo? ". Pabulong na tanong ni Sevix. Patingin-tingin siya sa paligid kasi nga baka mayroon makakita samin na kakilala niya mapagkalaman daw kaming nagdate.
Hindi ko siya pinansin. " S-shar——— ". Hindi niya natapos ang sasabihin niya nung humarap ako sa kaniya at itinuro ko sa kaniya ang gusto ko. " I want that fries Sweety, and also some milk shake please ". Pacute akong nagsmile sa kaniya. " O-okay! ". Taka niyang pag Oo. Nagpalitan kami ng tinginan dalawa nung babae hanggang sa matapos nang umorder si Sevix at maibigay na din samin ang order namin. Hindi ko inaalis ang pagkakayakap sa braso ni Sevix saka lang nung makarating na kami sa table namin.
Pinagpagan niya ang braso niya na niyakap ko. " Arte! ". Sambit ko. " Kadiri ka kasi anu bang ginagawa mo at yumakayakap ka sakin ng ganun? ". Maarti niyang tanong. " Wala! ". Matipid kong sagot at medyo naiinis kasi di niya man lang namamalayan na tinititigan na siya nung babae sa counter. Kulang nalang e kainin siya.
" Wala e bat bwiset ka? ". Tanong niya pa. Huminga ako ng malalim. " Manhid ka talaga! Di mo napapansin na kinakain ka na sa mga titig sayo nung babae sa counter kanina ". Ani ko. Tumawa siya ng mahina. " Haha pansin ko yun! So kaya ka naiinis kasi nagseselos ka! At kaya mo ginawa yun kasi nagseselos ka. Babaw mo Ghurl ah ". Wika niya na tinatawanan lang ako.
" Hindi yun mababaw anu. Sakit kaya. Yung crush mo lalandiin ng iba... No way! Ang akin ay akin! ". Dipensa ko. " Hindi ako sayo Shara walang nagmamay-ari sakin! ". Sambit niya. Natigilan naman ako nung sabihin niya yun siya kumakain na ng burger. Pinagmasdan ko lang siya. " Ang unfair mo! ". Wika ko para matigilan siya sa pagsubo ng burger. " Bakit naman? ". Walang gana niyang tanong.
" Kasi ikaw hindi ko puwedeng maclaim as my property pero ako, yung puso ko nakaclaim mong sayo at kahit ideposit ko nag eerror. Ayaw na niyang bumalik sakin. Nagstay na siya sayo ". Seryoso kong pagkakasabi sa kaniya. Aaminin ko may kirot habang sinasabi ko yun sa kaniya. Nararamdaman ko ang sakit na malinaw pa sa liwanag ng buwan na hindi niya ako magugustuhan pabalik.
Hindi siya nakakain dahil sa sinabi ko. " Uwi na tayo! ". Aya niya. " Ha? Pero di mo pa natatapos kainin itong burger mo ". Wika ko. " Nawalan na ako ng gana ". Sagot niya tapos naglakad na papalayo sakin. Bitbit niya yung mga pinali namin. " Uyyy Sevix Sorry na. Di mo ba nagustuhan ang sinabi ko. Sorry na oh! Sige na hindi ko na ulit babanggitin na crush kita. Eeeh sa crush talaga kita anung magagawa mo! ".
Hinabol ko siya hanggang sa makalabas na nga kami sa mall. " Sevix Sorry! ". Sambit ko pa. " Sethrevix Gaizon Ezadera!!!! " pagtawag ko sa buong pangalan niya at dahil dun nagawa niya na akong linguinin. Malayo na siya sakin kaya sinikap kong takbuhin ang direksyon niya at nang nasa harapan niya na ako saktong pagharap niya sakin.
" Shara, ayaw ko sayo! Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan kaya please stop what you feel for me! ". Ouch naman nun! " Hindi ako naniniwala! ". Ani ko. Malakas pa din ang paniniwala ko na darating din ang araw na sasang-ayunan ako ni tadhana. Balang araw ay mamahalin niya din ako pabalik. " Shara please! Napapagod na akong ipaunawa sayong bakla nga ako! ". Giit niya.
" Alam ko. At okay lang sakin. Wala akong pake kung bakla ka Sevix. Tanggap kita kung sino ka. Kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan Sevix hindi ako susuko hanggang sa isang araw mamahalin mo din ako! ". Ani ko. Napapikit siya sa inis. " Thank you sa pagsama sakin. Uuwi na ako. Hindi magbabago ang isip ko Sevix. Mamahalin pa din kita patutunayan ko sayo ang mga sinabi ko ". Kinuha ko mula sa kaniya ang mga pinamili ko.
Lumapit ako kay Sevix. Hinalikan ko siya sa Pisnge niya. " Thank you for this day! ". Bulong ko bago ako sumakay sa kotse na pagmamay-ari nila Dad. Nilingon ko siya habang umaandar na ang kotse namin palalayo sa kinatatayuan niya. Nakatalikod na din siya at naglalakad papalayo. Maya-maya pa tumunog ang phone ko. I saw a message from him.
Sethrevix Gaizon Ezadera:
Let's see kung kaya mong makuha ang puso ko Sharana Valtocris?
Habang binabasa ko ito ay napangiti ako. Masaya kong pinatay ang phone ko at ninamnam ang byahe namin papauwi sa bahay.
I promise to you Sevix, I will win you're heart!!!!