Shara Pov:
" Alola baka hindi ako makasabay sa lunch sayo mamaya.... ngayon na kasi umpisa training ko. Sina Dana at Naomi muna makakasama mo ". Pagpapaalam ko ng maayos kay Alola kasi baka magtampo siya dahil isang linggo din bali ang lilipas na di kami magkikita gaano at magkakasama.
May mga subjects naman na papasukan ko pa din pero sa palagay ko dala ng pagod sa training di ko din magawang mapasukan ang subjects na yun kaya all in all ay nakaexcuse ako. Nasasakin kung papasok ako sa subject o hindi. " Anu ka ba Ghurla it's okay. Naiintindihan ko naman. Tsaka para sa section natin ito kaya support kita all the time. Ayaw ko din ipag kait ang Chance na mas mapalapit ka kay Sevix mo! Kaya G lang. Basta kapag mayroon di magandang nangyari sayo just call my name and I'll be their (Wink*) ".
Anu daw? Anyare sa kaniya haha. Daming alam but sweet. Niyakap ko na siya tapos beso sa tigkabilang cheeks. Malelate na ako strict pa man din trainer ko. Hindi si Ara kundi si Sevix. Gusto niya palaging on time. Kaya bago pa mag usok ang ilong nun sa galit ay magpapaalam na muna ako dito kay Alola. " See you Alola ". Wika ko habang kumakaway papalabas ng room. " See you Ghurla kung kailan ka free! ". Tugon niya na ikinangiti ko.
" Good luck Shara!!!! ". Cheer pa ng mga classmates ko. " Thank you guys... bye ". Tumingin na ako ng diretso sa dinadaanan ko. Baka mamaya madapa pa ako, ang shonga ko kapag nangyari nga yun. Tinakbo ko nang full force ng speed ko ang buong building namin papunta sa Juniors Department. Dahil mabagal akong maglakad ang ginawa ko ay todong karipas sa pagtakbo. Walang pahinga-pahinga hanggang sa marating ko nga ang music room.
Bukas na ito at means nandito na sila Sevix at Ara. " Patay late na ata ako! " Bulong ko sa hangin. Napakisap pa ako while biting my lips. Humugot muna ako ng lakas ng loob bago pumasok sa music room. Nalimutan ko kasi sa bahay yung relos ko kaya hindi ko tantiyado ang oras. Late naman ang set ng oras ko sa phone so hindi din ito maaasahan. Babaguhin ko nga mamaya.
" Anung oras na Shara??? ". Bungad na bungad agad sakin ni Sevix. Hindi ko pa makita ang itsura niya sa paghugot ko ng lakas dahil sa nakakapagod sobra na pagtakbo. Pero hulaan ko salubong na ang dalawa niyang kilay at kunot na kunot na ang noo niya habang nakahalukipkip pa. Tumunghay ako to check na tama ba ang mga hula at tumpak ganurn, hinding-hindi ako nagkamali sa hula ko. Singkit na singkit ang mga mata niya dahil sa inis sakin.
Si Ara naman e standing pretty lang sa tabi niya. Pachill-chill at fresh ang aura ng Ate niyo. Di tulad nitong si Sevix, ang stress ng itsura, nakakahawa ang kahagardan niya. Pampa-bad vibes ang aura ni Sevix. Pero gwapo pa din naman siya kaso nga lang nakakatakot na gwapo. " Anu pa tinitingin-tingin mo, magpunas ka na ng pawis mo! Pawisan ka na! Magsisimula na training mo! ". Ani niya na akala mo siya ang magtuturo sakin e magiinupo lang naman siya mamaya kasi si Ara ang talagang magtuturo sakin.
But wait, concern siya? Enebe nikikilig ako haha. Haaaay Shara keaga-aga nag aassume ka. Sa malamang sinabi niya lang yan kasi diring-diri siya sayo dahil sa itsura mong wet na. For his information kahit ganito ako kapawisan ay mabango pa din ako and most of all maganda. Baka nga nahahotan na din siya sakin e haha.
Tinalikuran niya na ako dahil uminom siya ng baon niyang tubig. Oh diba bigla siyang nauhaw sa kahot-tan ko haha. Pagtalikod niya nag make face ako na wari bang ginagaya siya kung paano siya kagalit sakin ngayon. Lihim naman akong tinatawanan ni Ara na nahalata ata ni Sevix. Kasi napatingin ito kay Ara kaya agad akong sumeryoso, kunwaring punas ng pawis well nagpupunas naman talaga ako.
" Game na ako! ". Ani ko after makapag patuyo ng kaunti lang naman na pawis. Nakatshirt lang ako ngayon tapos P.E pants. Pinagsuot na agad ako ni Ara ng heels. Para daw mas masanay pa ako. Sanay naman na akong nagsusuot ng heels kaya madali na sakin. Magstretching muna ako ng mga buto.
" Sa susunod na malate ka pa Shara paparusahan na talaga kita ". Wika ni Sevix ng hindi tumitingin sakin kundi sa paa kong nagstretching. Ginagaya ko lang si Ara sa ginagawa niya kaya bali dalawa kaming nag stretching kasi sinasabayan niya ako. " Anu naman parusa beks? Kiss? ". Banat ni Ara na ikinangiti ko ng palihim. " Kiss mo mukha mo. Pag pupush upin ko lang naman siya ng mabatak agad ang katawan! ". Sagot ni Sevix.
Tinignan ko siya na nakatingin na din sakin. " Ang hirap nun ah ". Reklamo ko. " Edi huwag kang mag palate ". Buwelta niya. Mayroon ba siya ngayon at napakasungit. O menopause na siya at nagkakaganiyan siya. Hindi ko naman inaano pero ang sungit-sungit. " Opo na sweety, ayaw ko naman stress ka sakin. Maagasan ka pa diyan ". Dahil sa sinabi ko inirapan niya ako pero di ako nagpatibag. Todo pacute lang ako sa kaniya. Samantalang si Ara tawang-tawa at nawala na sa concentration ng pag stretching. Ako nakafocus pa din.
After ng stretching na five minutes sinimulan na akong turuan ni Ara ng gagawin kong aura at model. Umpisa palang ay di na madali but I like the moves na nabubuo niya at itinuturo sakin. Mala Catriona Gray lang ganurn. Palava walk ang peg. (Clap* Clap*) " Okay break muna! Pahinga ka muna sis ". Wika ni Ara sakin. Inabot niya sakin yung baon kong tubig.
Kumuha na din ako ng towel ko sa dala kong bag. Nagtuyo ako ng kauntiang pawis. Pinasimplehan ko ng tingin si Sevix na busy kakacellphone. Ang laki nga ng naitulong niya, Oo promise! Halos si Ara lang ang gumagawa at nag-iisip. " Iwan ko muna kayo saglit lang ah. Punta lang ako wash room ". Paalam ni Ara. Sabay kaming tumango ni Sevix.
Naglalaro siya ng car racing, sinilip ko kasi yung phone niya at nakita ko ngang nilalaro niya ito. Bahagya akong napangiti. Kailan pa siya nahilig sa mga kotse e sa natatandaan ko kapag diko siya pinapahiram ng barbie nagagalit siya sakin at inaagaw yun. Tapos ngayon naglalaro na siya ng car racing pero pink ang kotse niya. Bakla pa din talaga. " I like your skin color sa car ". Bulong ko sa tabi niya.
Di niya ako pinansin na ikinaismid ko. Bingihan lang peg. Hindi niya talaga ako kinakausap kapag kami lang dalawa at sanay na sanay na ako. " Ayyyy Sevix maalala ko. Mayroon nga pala akong binili kanina sa 7-Eleven. I know favorite mo ito ". Ipinatong ko sa arm chair ng inuupuan niyang bangko ang mogu-mogi drinks na color green. Alam ko na favorite niya yun.
Naaagaw naman ng mogu-mogu ang atensyon niya lalo na ng sticky note na nakalagay rito. Saglit niya itong tinitigan sabay sabing.... " I hate you! " sagot niya sa nakasulat sa sticky note ko. Ang nakalagay kasi dun e. I love you sweety! Oh diba kasi mahal ko na siya at hindi na crush lang itong nararamdaman ko sa kaniya. Mas napagtanto ko ito kagabi habang nag ninilay ako ng mga nangyari sa maghapon ko.
Sinabi niya sakin ang sagot niya ng di tumitingin sakin. Inisnub niya na din yung mogu-mogu na bigay ko upang mapapout ako. So rude niya talaga kahit kailan pagdating sakin. But it's okay mahal ko naman siya. " Wow! Mogu-mogu kanino galing beks. Sarap niyan! ". Naspotan agad ni Ara ang drinks ni Sevix na bigay ko pagkapasok palang nito dito sa loob. " Gusto mo? ". Alok ni Sevix. Huwag niyang sabihin na ibibigay niya ito kay Ara.
Tumango naman si Ara. Ngumiti si Sevix ng mapang-asar sakin. Tinanggal niya ng palihim ang sticky note na nakalagay sa drinks at ginusumot ito saka itinapon basta lang sa paligid. Ibinigay nga niya kay Ara yung mogu-mogu ng wala man lang doubt. " Mauuhaw ka din! ". Bulong ko sa hangin.
Pasimple kong inirapan si Sevix pero deadma lang siya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas muna ng music room upang magpahangin. Nakakainis kasi si Sevix! Sa di kalayuan ay natanaw ko sila Kuya Shekel sa ibaba nitong building kung nasaan ako. Naglalakad sila papasok sa auditorium room.
Mayroon naman biglang pumasok na ideya sa utak ko. Isang ideya na tiyak wiwindang sa katahimikan ng school. Hindi ko pa naman siya gagawin ngayon, siguro kapag sobrang tahimik na ng school at nakakabingi na ang katahimikan saka ko gagawin ang naiisip ko. For now focus muna ako sa pagpapractice, lalo na one week lang ang palugit dahil next next week ay Foundation day na namin.
" Sis gusto mo? ". Alok sakin ni Ara nung mogu-mogu na iniinom niya. That Sevix, para sa kaniya yung mogu-mogu tapos ibibigay lang sa iba. Inilingan ko si Ara at ibinaling ang atensyon sa auditorium room na nakasarado na. Tumunog bigla ang mga speaker ng school. Mukhang magsasample practice sila Kuya ngayon gamit ang auditorium room.
" Ara sa tingin mo paano ako mapapansin ni Sevix? ". Kinakausap ko siya ng di siya tinitignan at nasa view lang sa ibaba ang atensyon ko. " Sa tingin ko kasi di sapat ang mga ginagawa ko sa kaniya. Parati niya akong inookray lang at inisnub! ". Dagdag ko pa. Narinig ko ang pagnamnam niya sa mogu-mogu bago ako sinagot.
" Well as you see sis, kung baliwala pa din ang efforts mo ngayon bakit hindi mo mas higitan pa! What I mean sis is, keep suiting him. Keep on trying hard, give all you're efforts as long as kaya mo pa..... si Sevix kasi yung tipo ng tao na pikunin e. Madaling mainis. Kaya what if gawin mo yung mga ayaw niya. Mas lalo mo siyang inisin! Try mo lang at pag nag work sabihin mo sakin ". Sagot niya. Kahit kailan talaga di niya ako namimintisan na mapayuhan ng maganda.
Lahat ng lumalabas na salita sa bibig niya nakakaboost ng fighting spirit. Ibang klase din itong si Ara. Nagets ko na ang ibig niyang sabihin. Pumagitna ang katahimikan saming dalawa. Humarap ako sa direksyon ni Sevix na nasa loob ng music room mag-isa. Nagsasayaw siya hindi ng t****k kundi ng hiphop. Multi talented kasi si Sevix at lahat na ata niya nagagawa which is talagang nakakaturn on sa kaniya.
Siguro kung lalaki lang siya I mean yung straight talaga. Baka ang dami ko nang kaagaw sa kaniya at sigurado talaga na yun ang mangyayari dahil kakaiba ang karisma at datingan ni Sevix. Masyadong malakas, yung hahanap-hanapin mo.
Wala siyang kamalay-malay na pinapanuod ko na pala siya at habang titig ako sa kaniya bigla nalang nagplay yung speakers ng school. All over the campus ay rinig ang pagsisimulang mag salita ni Kuya Shekel sa microphone. " So Good morning E.S.A students we are the Savage ". Umpisa niya sa pagpapakilala ng name ng banda nila dahilan na din upang magsilabasan ang mga estudyante sa bawat corridors nila galing sa kani-kanilang room.
Pansin ko yun dahil sa peripheral view ng mga mata ko. Kahit saan year level kilala na ata si Kuya. Iba talaga nagagawa ng kagwapuha daw niya haha. " We're going to sing a song which dinededicate namin for those people na hindi pa din napapansin ng crush nila! ". Pagkasabi nun ni Kuya ay matic na nag igting mga tenga ko. Napatingin ako sa speaker. Sinamaan ko ito ng tingin as in na iniimagine ko na si Kuya ito. Epal kasi, sa dami ng reason kung bakit sila kakanta para pa talaga sa mga sawi.
" Supportive ng Kuya mo sayo ah ". Ani ni Ara na friend ni Kuya. " Sinabi mo pa! ". Natawa siya sa naiinis kong tugon sa kaniya. Kahit malayo si Kuya sakin nagagawa niya pa din akong bwesitin na literal na nakakabwiset talaga. Siguraduhin lang niya na maganda ang tutugtugin nila kundi susugudin ko talaga siya sa auditorium.
Ikinalma ko na ang sarili ko. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko kay Sevix na walang pakealam sa nangyayari sa paligid niya. Patuloy lang siya sa pagsayaw ng hiphop dun sa loob habang tumutugtog ang phone niya. Sakto naman nag pluck na ang gitira at tumutunog na ang mga instruments.
Umpisa palang alam ko na agad ang kanta na napili nila isample. Ito ay ang I like you so much by: Yshabell
"I Like You So Much, You'll Know It (A Love So Beautiful OST English Cover)"
I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear
I like you more, the world may know but don't be scared
'Cause I'm falling deeper, baby be prepared
Biglang pumintig ang puso ko ng marinig ko na ang song na kinakanta nila Kuya. Unti-unti itong lumalakas sa pagkalabog sa loob ng dibdib ko habang ang atensyon ko ay nakay Sevix pa din. Bawat sabihin at bigkasin nilang lyrics nito ay tumatagos mismo sa puso ko. Ang pakiramdam na ito, ang sarap sa pakiramdam!
I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell
To be your favorite jacket, just so I could always be near
I loved you for so long, sometimes it's hard to bear
But after all this time, I hope you wait and see
Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you
'Cause baby you're the one, I don't know how
Pagpatak ng kanta sa chorus siya naman paghinto ni Sevix sa pagsasayaw. Medyo pawisan na siya at wangis ko yun sa tumutulong likwido sa gilid ng hugis bigas niyang mukha papunta sa baba niya mismo. Titig lang ako sa kaniya, hanggang sa mapansin niyang mayroon nakatingin sa kaniya at napalingon nga siya sa gawi ko ngunit di ko yun pinansin.
Lumakad siya papalapit sa tapat ng pintuan ng music room doo'y pumwesto siya at sakin ay nakipagtitigan. Hindi ko nga alam kung nananaginip lang ba ako na nakikipagtitigan talaga siya sakin ngayon pero ang sarap sa feeling na kahit malayo ako sa kaniya kahit na kinaiinisan niya ako, sa simpleng ganito lang niya without doing efforts nagagawa niyang pakabugin ng napagkalakas ang dibdib ko. Nagkakagulo na din ang mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Tila ba gusto na nilang kumawala at sugudin si Sevix.
I love you 'til the last of snow disappears
Love you 'til a rainy day becomes clear
Never knew a love like this, now I can't let go
I'm in love with you, and now you know
I like the way you try so hard when you play ball with your friends
I like the way you hit the notes, in every song you're shining
I love the little things, like when you're unaware
I catch you steal a glance and smile so perfectly
Though sometimes when life brings me down
You're the cure my love
In a bad rainy day
You take all the worries away
Love you every minute, every second
Love you everywhere and any moment
Always and forever I know I can't quit you
'Cause baby you're the one, I don't know how
In a world devoid of life, you bring color
In your eyes I see the light, my future
Always and forever I know, I can't let you go
I'm in love with you, and now you know
I'm in love with you, and now you know
Nang patapos na ang kanta humakbang siya ng marahan papalapit sakin. Subalit wala akong ginagawa. Titig na titig lang siya sakin at ganun din ako sa kaniya. Ang mga mata niyang nagsasabing itigil ko na ang kahibangan ko sa kaniya ay walang saysay ngayon sa kung anung pintig ng puso ko na ang isinisigaw naman ay ang pangalan ni Sevix.
Nang direkta na siyang nakalapit sakin. As in lapit ng mga siguro four inch ganun ay halos manikip ang dibdib ko sa labis na pagtibok ng puso ko. Hindi na normal ang itinitibok ng puso ko. Nagpaparty na din sa loob ng tiyan ko ang mga paru-paro. Natauhan nalang ako ng bigla niyang hiklasin mula sa kamay ko ang hawak kong baunan ko mismo ng tubig. " Pengeh ako Ghurl!!! Nauhaw ako e ". Basag moment niya sa maganda na sanang simula ng love story namin.
Kahit di pa ako umoo ay uminum na siya. Lagok siya ng lagok habang ako nakatingin lang sa kaniya. Pinapanuod ang pag-agos ng pawis niya mula jaw lines pababa sa adams apple niya. So Hot! After niyang uminum ay ibinalik niya sakin yung baunan ko. " Thanks! (Smirk*) ". Sambit niya na ikinahinto ng pag-ikot ng mundo ko lalo na nung ngitian niya ako ng killer smile niya. Shems! Lupa lamunin mo na ako ngayon oh. Si Sevix ginugulo ang puso ko. Magkakasakit na ata ako sa puso neto dahil sa kaniya.
Hindi ko namalayan nakapasok na pala ulit si Sevix sa loob ng music room. Doon ko narealize na nakiinum lang pala talaga siya sakin. But it's okay. Magiinternal Kiss kaming dalawa kasi ininuman ko na ito e tapos uminom pa siya like yiiiieee kilig to the Max nanaman Shara. Take note these day and month. Umooooh!!!!!
I like you so much na talaga Sevix!!!!!