Shara Pov:
" Good morning po Tita! ". Masiglang salubong ko kay Tita Sherry ang Mommy ni Sevix ko. Naisipan ko kasing dumalaw rito tutal naman sabado at matagal-tagal na din nung huling makadalaw kami dito sa kanila. Same subdivision lang kami kaso magkaiba ng street. Medyo may kalayuan sila at malapit sa gate 2. Yung house kasi namin is gate 1 ng Kalumbang street.
" Good morning Shara hija. Basang-basa ka ng pawis ah. Kagagaling lang sa jogging? ". Kuwestiyon ni Tita. Napansin niya kasi ang paltak-paltak na tubig sa noo leeg at dibdib ko. I'm wearing sports bra kasi tapos shorts lang habang mayroon towel na nakapulupot sa leeg ko. It's a morning towel na ginagamit ko tuwing mag jogging.
" Mabuti pa pumasok ka muna para sa loob tayo makapag kuwentuhan.... wala si Ate Seri mo kasi umalis.... ". Una niya akong pinapasok bago siya. Sobrang laki ng bahay nila at parang kapareho lang ito nung samin. " Let's go at the kitchen nandun si Sherman kasama si Sevix. Umalis na kasi papasok sa trabaho niya si Kuya Shedryll mo e ".
Apat silang magkakapatid at ang Sevix ko ang bunso. Tatlong lalaki isang babae which is si Ate Seri hindi si Sevix. " Uhmmm e Tita si Tito po? ". Ungkat ko. " You know you're Tito Shervie. Palaging busy sa work ". Ani ni Tita. Busy pa talaga yung naka apat silang anak? Bata pa sila at feeling ko masusundan pa si Sevix.
Inilibot ko ang paningin ko ng makarating na kami sa Kitchen. Wala akong nakikitang Sevix maliban kay Kuya Shernan na nakaupo sa harapan ng hapag at kumakain ng mag-isa. " Where's you're brother Shernan, I thought he was already here? ". Tanong ni Tita kay Kuya Shernan. " His still in his room Mom. Pero tinawag ko na po ulit ". Sagot naman ni Kuya Shernan.
" Okay. By the way mayroon tayong bisita. Si Shara ". Nagtama ang mga mata namin ni Kuya Shernan. " Hi, Shara it's nice to see you. By the way kain na! ". Tangong may kasamang ngiti ang isinagot ko kay Kuya Shernan. " Mabuti pa hija dito ka na mag breakfast. Saluhan mo na kami ". Aya ni Tita. Tatanggi pa sana ako kaya lang itong si Tita masyadong malakas sakin kaya wala na din akong nagawa pa kundi umo-o.
Naupo ako sa isa sa mga upuan nila. Todo abyad ako ni Tita. Dinaig ko pang bata. " Ah Tita di po ako nag rice e. Okay na po ako sa bacon ". Ani ko. " Ganun ba, kabataan talaga ngayon masyado ng conservative sa body figure. Kaya nga yan si Sevix for sure nag work out nanaman yan kaya di pa bumababa hanggang ngayon! ".
Napatingin ako kay Tita ng sabihin niya yun. " Mag wowork out po si Sevix? ". Ngayon ko lang kasi nalaman ang tungkol dun. Kung sabagay halata naman sa hubog ng pangangatawan niya na talagang nagwowork out siya. Pero ni minsan di ko pa literal na nakita personal ang katawan niya lalo na yung anim na pandisal sa tiyan niya. Nakikita ko lang ito sa mga pictures niya sa IG.
Siguro mas yummy at hot siya sa personal. " Oo mahilig yun mag work out kahit bakla! ". Sambit ni Kuya Shernan na may kasama pang pagtawa. Pinalo tuloy siya ni Tita. Buti nga kay Kuya haha. Kasi inaasar pa si Sevix ko. Alam nilang binabae si Sevix at tanggap nila ito. Masuwerte nga si Sevix kasi hindi lahat ng bakla ay kayang tanggapin ng mga magulang nila.
At talagang masuwerte siya dahil tanggap ko din siya. " Haha Mom masakit ". Angal pa ni Kuya Shernan sa palo sa kaniya ni Tita. " Ikaw pinagtitripan mo nanaman yan kapatid mo. Kahit bakla yun gwapo pa rin! Diba Shara? ". Pagbabaling nila sakin. Todo ngiti si Tita sakin habang si Kuya Shernan ay nakangiting kumakain.
" Ehem! ". Pagkasamid ko bigla. Nagsalin ako ng tubig sa baso saka ito ininum. " Haha naku you still into my brother? ". Tanong ni Kuya Shernan para sumubo ako ng tatlong magkakasunod na bacon. Pinagtawanan nila ako ni Tita dahil sa inasal ko. " Haha okay, okay gets ko na. Oo ang sagot mo ". Dagdag pa niya. Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa hiya sa kanila.
Alam kasi nilang crush ko Sevix noon pa hanggang ngayon. Madalas nga nila akong iasar kay Sevix na ikinabibwiset naman nung isa. " Wala naman masama dun hija. Okay nga yun e dahil kahit bakla ang anak ko mayroon pa din nagkakagusto sa kaniyang babae at ikaw pa na maganda ". Anebe Tita bakit kailangan purihin din ako hehe.
Sobrang suwerte ni Sevix kasi napaka supportive ng parents niya. Tanging pagtawa nalang ang naisasagot ko sa mga asar nila sakin. Kamatis na ang kulay ng mukha ko sa labis na pagkahiya. Natigilan nalang sila sa pang-aasar nila nung biglang sumulpot si Sevix sa likuran nila which means harapan ko naman.
Buong akala ko tapos na ang kalbaryo ng pagmumukha ko sa pamumula nito pero mas lalo pa ata itong namula. Automatically na nanlaki ang mga mata ko sa nasisilayan ko ngayon. Umawang rin ang bibig ko sa sobrang pagkagulat. Kulang nalang ay maglaway ako sa sobrang Hot niya.
Umoooh puwede pakisampal ako ngayon. Feeling ko kasi nasa langit na ako haha. " Ang yummy niya sobra!!! ". Sinasabi ko yan sa isipan ko habang nakatulala sa kaniya, sa katawan niyang nagpapawis. Wala kasi siyang suot na pang itaas na damit tapos nakashort pa siya. Yung heart ko kumakabog ng mabilis. Tila ba hinahabol siya ng daan libong mga kabayo.
" Mom, did you see my favorite towel? Hinahanap ko, hindi ko po kasi makita sa kuwarto? Mom nakita mo po b——— ". Nagpupunas kasi siya ng mukha niya gamit ang hinubad ng niyang shirt ng matigilan siya sa pagsasalita dahil nakita niya ako. Opo dahil sakin kaya siya natigilan.
Katulad ko ay nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. " Sh*t!!! ". Mura niya sabay tago ng katawan niya sakin. As if naman pinagpapantasyahan ko siya anu. Hindi nga ba haha. Mabilis ko din iniiwas ang gulat kong mga tingin sa kaniya. Yumuko ako as in habang nakatakip sa mga mata ko ang kamay ko.
Ngayon nga ay wala na akong nakikita ngunit naririnig ko ang pagtawa ni Tita at Kuya Shernan. " Sevix watch you're mouth! ". Natatawang suway ni Tita kay Sevix. " S-sorry po.... teka sandali a-anung ginagawa niya dito? T-tsaka huyyy! Shara, sinusundan mo nanaman ba ako at naparito ka! ". Kailangan ba sa tuwing gagalaw ako e siya ang dahilan.
Tumunghay ako upang makaharap siya at masagot ang tanong niya. " Off course not. Hindi ako pumunta dito para sayo. Dinalaw ko lang sila Tita! Hindi sa lahat ng oras ikaw dahilan ko! ". Dipensa ko. Assumero din kasi siya. Kapag pumunta dito siya ang pakay? Like hello, not all the time.
" Pakealam! Che! H-huwag ka ngang tumingin! ". Suway niya sakin para malala kong hubad nga pala siya. Umoooh my virgin eyes. Tinakpan ko ito ulit. Yummy siya pero di ako sanay na nakikita siyang ganiyan in person. Nakakapanindig balahibo kahotan niya haha. " Hindi ko nakita yung favorite towel mo. Pero anak naman mayroon babae oh. Mag bihis ka muna Sevix then bumaba ka rin agad at kumain ".
Wala akong narinig na response kay Sevix. Tanging yabag lang ng tumatakbong mga paa papaakyat sa hagdanan ang narinig ko. Nung maramdaman ko ng puwede na akong dumilat ay nakahinga na narin ako ng maluwag.
Ilang segundo lang din ang lumipas. Bumalik na si Sevix dito sa ibaba at sinaluhan nga kami sa pagkain. Tapos na si Kuya Shernan kumain but he still here with us. Kinukuwento ako ni Tita samantalang tahimik lang si Sevix sa tabi ni Kuya Shernan. Magkatapatan kami kaya di siya makatingin ng diretso sakin.
Ganiyan naman siya palagi akong dinedeadma. " So kamusta ka na Shara? How's the school? ". Inubos ko muna ang laman ng bibig ko bago sinagot si Tita. " Uhmmm okay na po Tita, still on the deans list po. Mas pinagbubutihan ko pa po study ko. Sinisigurado ko po na hindi ko ito napapabayaan ". Tugon ko. Tumango-tango naman si Tita sabay inum ng water.
" Good, good. Ipagpatuloy mo yan. By the way may nanliligaw na ba sayo? For sure madami ". Napansin ko na tumawa si Kuya Shernan ng pasimpleng tinignan ni Tita si Sevix na wari bang walang naririnig na mga tao na nag-uusap sa tabi niya. So lahat niya na kami dinedeadma. " Unmmm wala po Tita, kasi May hinihintay po ako! ". Pagkasabi ko nun tinignan ko din si Sevix at saktong napatingine din siya sakin subalit agad din niyang iniiwas ang mga mata niya. Sumubo ng napagkadaming kanin sa bibig.
Napangiti naman ako kasabay ng pasimple ring tawa ni Kuya Shernan. " Hinihintay? Sino? uhmmmm hija ang ganda mong taglay ay hindi dapat pinaghihintay! Kung SINO MAN SIYA dapat pansinin ka na niya agad bago pa maunahan ng iba ". Gusto ko ng matawa dahil sa pagsakay ni Tita sa mga litanya ko. Obvious na pinagtutulungan namin paringgan si Sevix.
" Ang sabihin mo Mommy, kung sino man hinihintay niya hindi na darating yun. Aasa lang siya sa wala! ". Sabat nung walang pakealam samin ay mali mayroon pala kasi nakikinig naman pala siya samin haha. Kaso nakakahurt yung sinabi niya. Dapat di nalang siya nag comment, mas ayos pa yun. Hindi itong nakakabasag trip siya.
Natigilan ako bigla dahil sa sinabi ni Sevix, lumamya ang mga ngiti ko kay Tita at ako naman itong sumubo ng napagkadaming macaroni salad. Nguyang-nguya ako at dito ibinubuhos yung sakit na naramdaman ko sa mapang okray na litanya ni Sevix.
" Bakit mo naman nasabi anak? Maganda si Shara, mabait tsaka masipag! imposible na di siya pansinin nung taong hinihintay niya ". Giit ni Tita. Sige po Tita ipush mo lang po ako. Thank you po sa pagkampi at pag appreciate sa feelings ko for you're son. " Dahil hindi po yun ang basihan para gustuhin siya pabalik nung gusto niya. Dahil kahit anung gawin niya hindi siya mapapansin ng taong hinihintay niya, ever! ".
Tumingin si Sevix sakin pagkabitaw niya ng sinabi niya e saktong nakatingin din ako sa kaniya. Napasipol ng nahina si Kuya Shernan dahil sa narinig niya. Si Tita naman na speechless at ako ito lutang, mayroon kung anung kumirot sa loob ng dibdib ko. Patago kong kinagat ang labi ko upang mapigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Huminga ako ng malalim at hinarap na si Tita. Kunwari ay nag vibrate ang phone ko at nagtext na si Mommy. " Ayyy Tita I have to go na po pala. Hinahanap na po ako ni Mommy. Thank you po sa breakfast ha, ang sarap po! ". Tumayo na ako sa pagkakaupo ko, madaling beneso si Tita at nginitian ko nalang ng bahagya si Kuya Shernan. " Gusto mo ihatid ka na ni Sevix, Shara??? ". Natigilan ako sa paglabas ng pinto nila.
Tinignan ko si Sevix na hindi nakatingin sakin kundi sa pagkain niya lang. Hindi siya kumakain at talagang tinititigan niya lang ito at nilalaro. " May gagawin pa po ako Mom school project. Tsaka may mga paa si Shara alam naman niya pauwi sa kanila di siya maliligaw! ". Sagot ni Sevix.
Sumosobra na siya. Masyado ng masakit sa dibdib ang mga sinasabi niya. Pinilit kong ngumiti pa din. " H-hindi na po Tita. Nakakahiya din po e. Maglakakad nalang po ako pampa digest ng food na nakain ko. Thank you po ulit. Uwi na po ako ". Sinulyapan ko pa ulit si Sevix ngunit nadismaya akong di man lang niya binawi ang mga sinabi niya.
Nakangiti ako na tuluyang lumabas ng bahay nila. Ngunit di agad ako umalis. Narinig ko kasi na pinagsabihan ni Tita si Sevix ganun din si Kuya Shernan sinasabihan nila si Sevix. " That's not good Sevix! Mali ang inasal mo kay Shara ". Sambit ni Tita. " Tsaka biruan lang yun ikaw naman masyado mong tinutotoo ang mga binibitawan mong salita ". Ani pa ni Kuya Shernan.
" And Sevix anak bigyan mo naman kahit konting appreciation ang nararamdaman sayo ni Shara ". Sambit ulit ni Tita. " But Mom I can't! ". Giit ni Sevix. " And why? It's just appreciation ". Tugon ni Tita. " Ayaw ko siyang bigyan ng pag-asa. Ayaw ko siyang oaasahin. Because I don't like her and I'll never going to like her, ever Mom! ".
Napahawak ako sa dibdib ko ng manikip ito bigla. Kumawala na din ang mga luha ko na agad kong pinahid ngunit patuloy ito sa pagbuhos. " Kung di mo kayang ibalik iparamdam mo man lang ang paggalang mo sa kaniya. Di ganiyan ang Daddy niyo! Be nice to her Sevix. Babae pa din siya! ". Huling litanya ni Tita tapos narinig ko na mayroon naglalakad papalabas nitong pinto kaya kumaripas na ako ng takbo papaalis na nga ng tuluyan sa bahay nila.
Hindi muna ako umuwi at sa park ako dumeretso. May kalayuan ito sa bahay nila lalo na samin subalit gusto ko munang mahimasmasan. Ayaw kong umuwi na namumula ang mga mata ko dahil for sure hindi ako titigilan sa kakatanong ng mga kapatid ko. Nasa bahay kasi sila ngayon pati sila Ate Rana at Kuya Shonie.
Kaya nga masaya yung umaga ko kanina kasi nakalaro ko si Sharaneya yung pamangkin ko. Kaso totoo palang sa kabila ng kasiyahan mayroon parin kalakip na kalungkutan. At ito nga umiiyak ako dahil sobra akong nasaktan sa sinabi ni Sevix. Kung ayaw niya sakin puwede naman sabihin niya nalang diba hindi yun magbibitaw pa siya ng ganun litanya.
Pero kasalanan ko din naman e. Masyado kasi akong assumera. Mapilit ako sa gusto ko. May magagawa ba ako? Ni hindi ko na nga mapigilan o makontrol itong nararamdaman ko sa kaniya e. Kung madali lang edi sana noon pa ay ginawa ko ng kalimutan siya kaya lang sa tuwing nakikita ko siya, ang mga ngiti niya, ang pagmumukha niya, ang lahat sa kaniya.... kusang bumabalik ang pagkagusto ko sa kaniya at nahihirapan ako na pigilan yun. So ang tendency ay hayaan ko nalang na gustuhin siya ng puso ko.
Bakit kasi ikaw pa Sevix!!!!!