Papunta si Marcus sa kan'yang opisina. Pero bago siya tuluyang dumiretso roon ay dumaan muna siya sa isang sikat na Jewelry shop sa Pasig. Nang mahanap niya ang pakay sa loob ng nasabing lugar ay agad niya itong binili ng walang pag-alinlangan. Hindi problema sa kan’ya kung gaano man kamahal ang halaga no’n sapagkat mas mahal niya ang taong pagbibigyan niya ng bagay na ‘yon. I'm going to marry her... Naalala pa niya ang sinabi sa interview nakaraang araw. At totoo iyon. Hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Papakasalan niya talaga ang babaeng mahal niya, kaya hawak niya ang bagay na ito ngayon na magpapatunay sa sinabi niya. Napangiti pa siya habang pinagmamasdan ang bagay na nasa loob ng kahon na hawak niya. Kumikinang ang diyamanteng bato na nasa tuktok no'n. “Perfect.” ani niya. Ipin

