Bumaliktad ang sikmura ni Christine nang maamoy niya ang pagkaing ipinatong ni Jed sa ibabaw ng mesa. Mabilis niyang tinakbo ang banyo at pagkarating niya do’n ay napatuwad siya sa kakasuka. “Okay ka lang ba?” si Jed iyon. Sinundan nito ang dalaga sa banyo. Napansin nito na maputla ang dalaga kaya hindi nito maiwasang mag-alala. Naipunas ni Christine ang likod ng isang palad niya sa kan’yang bibig habang ang isa naman ay nakasapo sa sikmura niya dahil nangangasim iyon. “M-masama ang pakiramdam ko,” napahawak rin siya sa noo nang makaramdam siya ng pagkahilo. “Nahihilo ako.” ani niya sa mahinang tinig. “Baka nagugutom ka lang—teka alalayan na kita.” wika ni Jed at inalalayan ang dalaga pabalik sa higaan nito. Nang makaupo si Christine sa kama ay agad siyang pinainom ni Jed ng tubig. Su

