KABANATA 27

1826 Words

Pasado alas-otso na ng gabi nang makauwi si Christine sa mansion. May nadaanan pa kasi sila ni Roger na food cart sa kanto kaya kinulit niya muna ang kaibigan na pumarada muna roon. At dahil sa katakawan niya ay naka-ilang order siya ng kwek-kwek at fish ball kanina. Pakiramdam niya tuloy ngayon ay punong-puno na ang kan’yang tiyan sa sobrang kabusugan, kaya sigurado siyang hindi na makakapaghapunan mamaya. “Salamat talaga sa libre, Roger. Nag-enjoy talaga ako ng sobra ngayong araw na ‘to.” Pasasalamat niya sa kaibigan nang makababa siya sa motor nito. Ngumiti naman si Roger kay Christine. Masarap sa pakiramdam niya na napapasaya niya ang dalaga kahit sa simpleng bagay lamang. “Ikaw pa! Malakas ka kaya sa’kin. Basta kung may problema ka magsabi ka lang kaagad, ah.” saad niya sa dal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD