Marriane's POV
"Ano paba kasi ang inaantay mo An?" 2 taon nalang graduate na tayo pero waley di mo man lang naranasan ang feeling ng may jowa". natatawang pahayag ng kaibigang si Cheryl.
Kakatapos lang ng last subject nila nung hapong yun at kasalukuyang naglalakad sila palabas sa gate ng University.
Second year college na siya sa kursong Computer Science.
Classmate sila noong 2nd year high school. Transferee si Marianne sa Holy Catholic School kung saan din nag aaral si Cheryl.
"Parang di mo kilala yung lolo ko". Malungkot na saad ng dalaga.
" Napakabait ng lolo mo, but when it comes to boys ay ewan. Ano ba kasi dahilan kung bakit ganyan sya.?" Tanong pa ng kaibigan.
Sasagot pa sana sya sa tanong ng kaibigang kasama ng biglang may huminto na kotse sa tapat ng waiting shed kung saan sila nag aabang ng jeep.
Bumaba ang bintana sa passenger's seat at sumilip ang Tito Tony nya. Si Tito Tony nya ay asawa ng Auntie nya, dalawa lang ang anak ng lolo Ramon nya, Daddy nya at ang Auntie niyang si Gina.
"An uuwi na ba kayo?" tanong ng uncle nya sabay sulyap nito sa pambisig na relo.
"Ahm opo tito, punta po ba kayo sa bahay?"
Nung tumango ang tito nya ay sumakay na rin sila ni Cheryl.
Medyo malayo ang bahay nila ni Cheryl pero.madadaanan lang to pauwi sa bahay ng lolo nya. Magkaiba lang sila ng baranggay.
Pag MWF alas 7 ng gabi na sya nakaka rating sa bahay kapag ka nag commute sya. Wala naman kasi silang sasakyan. Department head ng City Engineer's Office ang lolo nya. At sa edad nitong 64 na taong gulang hindi pa rin ito nag reretire, nagustuhan kasi ng Munisipyo ang trabaho nya palaging ahead of time pumapasok, umaabsent lang din yun kapag la may malalang sakit at di na kaya ng katawan nya. At higit sa lahat hindi corrupt.
"Mano po lo" sabay abot ng kamay ng lolo nya at nag mano.
"Maaga ka ata ngayon?" Takang tanong ng matanda.
"Nan diyan po si tito nadaanan nya kami ni cheryl sa waiting shed kaya sinabay nya nalang kami. Bibihis lang po ako lo para makakain na tayo ng hapunan." Sabay dali daling tumungo sa kuarto nya.
"Mamaya kana mag bihis kain na muna tayo , nagugutom na kasi ako." Pahabol naman ng looo nya. Alam kasi ng matanda na hindi lang basta bihis ang gagawin niya, maliligo pa sya. At inaabot sya ng mahigit isang oras sa paliligo.
"Sige po sabi ko naman kasi sa inyo lo na mauna ng kumain kapag nagugutom na kayo." Sermon niya sa lolo niya. Simpleng napangiti lang ang matanda sa kanya.
"Manang sumabay na po kayo, nasaan nga po pala si tito? Baling nya sa 45 anyos na helper nila.
" Mauna na kayo at inaantay ko pa si Leslie, hanggang alas 8 pa kasi ang last subject niya. Tatawagin ko na rin si Tony may kinuha lang sa kotse niya."
"Sige po" at malawak na ngiti ang ginanti kay Manang Sol.
Nakasanayan na nila ang maagang mag hapunan, dahil maaga din nag papahinga ang matanda. Noong high school pa.nga lang siya alas 6 naghahapunan na sila. alas 8 ng gabi pa lang mahimbing na ang tulog nila. Ang pamilya naman ni Manang Sol dito na rin nakatira sa bahay ng lolo niya. Dalawa lang Naman sila ng anak niyang dalaga din na si Leslie, at ang asawa naman ni Manang caretaker ng niyugan ng lolo niya sa Dumaguete. At kapag umuuwi ng Bacolod ang asawa ni Manang dun sila natutulog sa bahay nila kasi ayae nga ng lolo ko na may ibang lalaki na natutulog sa bahay lalo na kapag ka hindi naman kapamilya (sobrang hate niya ang mga lalaki kung bakit antayin niyo na ikwento ko sa inyo.).
"Marianne matulog kana pag dumating na si Leslie, huwag kang magpuyat kasi useless lang din pag rereview mo kung di ka makasagot dahil sa antok mo. Yang mga pinto at bintana e lock mo." Mahabang bilin ng lolo niya.
"Opo lo matulog na kau ako ng bahala." malumanay na sagot niya. "Good night po pahabol niya pa"
Habang busy sa pag rereview pata sa Prelim examination nila bukas ay biglang tumunog ang telepono niya.
Sinilip niya muna ang screen ng cellphone niya bago ito sagutin.
"Hello dai, how are u?" malawak ang ngiti niyang sagot sa tawag ng isa pang kaibigang si Jeraldine.
"Salamat naman at kilala mo pa pala ako." palatak nito agad.
"Tigilan mo ako, di mo ako madadala sa drama mo." Birong singhal niya dito.
"Hanggang alas 2 lng ang klase ko today, wala yung professor namin sa Political Philosophy, kaya pumunta ako sa lab pero wala din kayo doon." Busangot na saad nito.
"Ano deal ka ba sa sinabi ko sayo?" pamimilit pa na tanong ng kaibigan sa kanya. May pina plano na naman kasi to.
"Kailangan ko bang sumagot agad agad Den²?"
"Sabi ko nga bukas ko nlng kau tawagan uli ni Che². Good night beshy malanding saad nito.
Napapailing nalang siya dahil binaba na din agad ang tawag ng nasa kabilang linya.
Nag paalam na din siya kay Manang at Leslie na mauna ng papasok sa kuarto, alas 9 na kasi ng gabi at medyo inaantok na din siya.
" An ang tindi naman ata ng tama sayo ni Ryan" saad ni Che² habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
"At nakita mo din ang tindi ng tingin ng mga babaeng naglalaway kay Ryan." Malumanay na saad ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang si che² sa akin sabay sabi ng: "Iba talaga ang beauty ng Diyosa."
At bago ko pa siya mahampas kumaripas na agad siya ng takbo.
Hinayaan ko nalang siyang tumakbo, total iisa lang naman ang destination namin.
medyo marami ang mga students ngayon sa cafeteria, nagkasabayan ata ng break time o sadyang di lng ako sanay dahin minsan lang naman ako naka pasok dito. Gjnala ko ang paningin ko sa bawat lamesa para makita ang kaibigan ko.
"An² may hinahanap ka?" tawag ni Den² sa akin. Medyo na gulat pa ako kung bakit nakasabay siya sa amin ngayon. (Di kasj same schedule namin ng klase.)
"Kagabi lang tayo nag usap tapos biglang nagpakita ka naman ngayon?"
"If I know may plano to." tawang saad naman ni Che².
"Hindi ba pwedeng magpakita sa inyo na walang plano at chismis?" busangot naman na saad ni Den²
"Hindi" sabay nasagot ng dalawang kaibigan.
Napahalakhak silang tatlo bigla ang panaka nakang tumitingin sa kanila kanina, ngayon ay biglang lahat ng nasa loob ng cafeteria ay sa nasa kanila na ang atensyon.
Paano ba namang hindi sila pagtitinginan eh requirements ata sa group of friends nila na dapat maganda, sexy at matalino ka.
Si Jeraldine Alcala na isang sikat na varsity player ng volleyball sa skul sa pinapasukan nila. and (UNO-R) o University of Negross Occidental Recoletos.
Si Cheryl Carmelotes na isang (USC University Students Council President.) Kilala sa buong campus.
May mga kaibigan din naman siyang iba pero ito kasi ang dalawa ang lagi niya ng kasama mula pa nung high school sila. At isa pa itong dalawa ang pinagkakatiwalaan ng lolo niya. Kilala na ang dalawang yan ng mga kaibigan at pamilya niya. Lagi ba naman sa bahay nila anb dalawang yan na halos doon nalang tumira sa bahay ng lolo niya noong hivh school pa sila.
"Mag bar tayo." Biglang saad ni Den² sa kanilang dalawa. Nagulat man ay hindi na sila kumibo dalawa.
"May problema ka ba?" sabay hawak ng kamay ni Che² sa kamay ng kaibigan na nakapatong sa lamesa.
"Porket mag bar may problema agad? Hindi ba pwedeng mag saya lang tayo?" irap naman na sagot sa kaibigan niya.
"Kayo nalang, parang di niyo naman kilala ang lolo ko." Mahinang saad niya sa mga kaibigan.
Tiningnan siya ng mga kaibigan gamit ang blankong ekspresyon. "Para saan pa't magkaibigan tayo?" si Jeraldine na iiling iling pa.
"Tsaka don't worry ako ang mag papaalam kay lolo." dagdag ni Chery na kinindatan pa siya.
Pag ganito'ng usapan nila hindi nalang siya kumikibo at wala rin naman siyang magagawa. Isa pa gusfo niya rin namang mag unwind.
"Dahil ngayon ka lang nag pakita Den² ikaw ang mag order doon." saad ni Che² sa kaibigan.
Sinunod naman to ng kaibigan kahit nag mamaktol.
Noong nakatalikod na si Den² para mag order ng pagkain nila sa counter, binalingan naman siya ni Che². "Gusto mo bang sumama mag bar?"
Tinaasan niya to ng isang kilay sabay sabing "ngayon ka lang mag tatanong eh naka pag desisyon na nga kayo diba?"
Humagalpak naman ng tawa ang kaibigan sa sagot niya.
Nabaling ang tingin nila ng may biglang umupo sa bakanteng upuan katabi kay den².
"Hello hindi na ako nag paalam na uupo dito, gusto ko lang mag join sa inyo." matamis ang ngiting saad ni Ryan sa kanila.
" Hello Ryan oo okay lang mag join" kinikilig naman na saad ni Che² na hindi na pinansin si Marianne.
Tipid niya lang nginitian si Ryan.
Si Ryan ang isa sa manliligaw ng dalagang si.Marianne. Crush niya ito noong high school pa lang sila. Karamihan kasi sa mga school mates nila nung high school ay nag aaral din sa University na pinapasukan nila. Gusto niya rin sanang sagutin si Ryan dahil sa gusto niya rin ang binata. Mabait ito, gentle man, at halos lahat ng hinahanap ng isang babae ay nasa kanya na. Higit sa lahat guapo ito. Kaso natatakot siya sa lolo niya.Pero kahig ganun paman sinabi niya sa binatang may pag asa ito kaya naman nag pupursige din ang binata para lang mapa sagot niya ang dalaga.
"Oh nandito ka pala Ryan hindi kita nabilhan ng snack mo, wait lang balik lng ako dun." nagmama daling talikod ni Den²
Magsasalita pa sana ang bunata pero nakalayo na ito sa mesa nila.
Masayang nag kukwentuhan at nag pa plano sila kung paano ang gagawin nila bukas para mapapayag ang lolo ni Marianne na isama nila ang dalaga sa gala nila.
Naunang natapos ang klase nila.ni Cheryl kaysa kay Jeraldine kaya naman unantay nila ito gaya ng napag usapan nila kanina sa cafeteria. Sasabay kasi silang dalawa patungo sa bahay nila ni Marianne para dun mag bonding.
Nakagawian na nilang mag bonding eveey Friday after school. Kahit saan man sila mag bonding hanggang alas 7:30 lang sila pwede. Yan ang bilin ng lolo ni Marianne, hindi siya pwedeng sumuway sa oras ng uwi or else katakot takot na bunga nga ng matanda ang sasalubong sa kanya. At para sa dalaga nakakahiya na sa edad niya na pagalitan pa. Isa pa nan diyan si Manang Sol at si Leslie, nakakahiya sa kanila kung marinig nila ang matanda na dinadak dakan siya.