" Ej Sorry ha, di ko makita paborito mo. Pwede bang donut na lang muna?"
Nagulat ang dalaga sa nabasang text message na natanggap ng binata.
Hindi niya alam kung sino itong babae na to sa buhay ng kasintahan.
Habang kumakain, ay hindi umiimik ang dalaga sa kaniyang nobyo.
Ej : B, wala yun! hindi ako yun! ang dami-daming Ej sa mundo.
Marga : Ang daming Ej sa mundo? Pero para sayo yung text? haha Okay!
Ej : Hindi ako yan B.
Ramdam ng dalaga na niloloko siya ng kasintahan. Pagkatapos kumain ay nag usap ang mag kasintahan.
Marga : Sino ba yan?
Ej : Si Ann yan.
Marga : Ann? yung first love mo?
Ej : Oo B.
Marga : Osige, umuwi ka na. huwag na muna tayo mag usap!
Ej : Wala yun B. Ikaw yung mahal ko.
Marga : Anong ginawa ko sayo? para lokohin mo ko? Diba sabi ko sayo kung hindi na ako yung mahal mo, sabhin mo lang!
Hindi umaalis ang binata sa bahay ng kasintahan hangga't sila nagkaka ayos.
Patuloy ang pagsuyo nito sa dalaga.
Marga : Sige na umuwi ka na. Gabing gabi na. Ba-byahe ka pa.
Ej : Magtext ka ha.
Marga : pag iisipan ko.
Nakaramdam ng galit ang dalaga dahil hindi niya alam bakit nagawa siyang pag sinungalingan ng nobyo. Samantalang, Okay na okay naman silang dalawa.