May 2014

466 Words
Dumating ang kinakatakutan ng dalaga, pumanaw ang kaniya lola sa Father side. Ito ay namayapa sa Laguna kung saan ito inaalagaan ng kaniyang tiyahin, na panganay na kapatid ng kaniyang Ama. Madaling araw.. Luisa : Nak, may tumatawag sa cellphone mo. Marga : Si Mama Lola tumatawag. Marga : Hello ma? Bakit napatawag ka? Mama Lola : Nak, huwag kang mabibigla ha? Marga : Bakit ma? Mama Lola : Si lola niyo, wala na. Walang tigil sa pag iyak si Marga ng marinig ito sa kaniyang mama lola na.. Marga : Ma, pupunta daw kami bukas sa Laguna, pupuntahan namin si lola ma. Luisa : Osige anak. Kahit naman ay hindi na magkasama ngayon ang kaniyang ama at ina, wala namang naging problema para sa kanila ang sumama sa pamilya ng isa't - isa ang kanilang mga anak. Dumating na sila sa Laguna magkapatid kasama ng kapatid ng kaniyang Lola na si Adelina at isang tiyahin nito. Maya-maya pa ay may nagtext kay Marga. Si E.J, Isa sa kanilang mga kaibigan sa Quezon City. Hindi alam ng dalaga ay may lihim itong paghanga sa kaniya. EJ : Marga, Ayos ka lang? Nakikiramay ako. Marga : Okay lang ako, nandito na kami sa mga lolo ko. EJ : Marga, lakasan mo loob mo, nandito lang kaming mga kaibigan mo, kung kailangan mo ng makakausap ha? Marga : Salamat EJ ha. Salamat sa pagpapagaan ng kalooban ko. EJ : Wala iyon! Oo nga pala, Marga? may gusto sana akong sabhin. Marga: Ano yun Ej? EJ : Marga? Gusto kita. Nagulat ang dalaga sa kaniyang nabasa, hindi niya alam ang kaniya irereply sa text ng binata. Mabait din naman ito, pero ito ay sobrang ingay pag magkakasama sila. Ito din ay isa babaero sa magkakaibigan! Marga : Gusto mo ko? EJ : Oo marga, gusto kita. Sana bigyan mo ko ng chance. Hindi alam ni Marga ang kaniyang isasagot pero gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang binata dahil mukhang seryeso naman ito sa kaniyang hangarin. Naging si Ej at Marga. Dumating ang pasukan ni Marga sa kolehiyo. Muli silang nagkita ni Andrew dahil pareho sila Universidad na pinapasukan. May kung ano sa damdamin ni Marga na hindi niya maintndhan. June 9 unang araw ni Marga sa kolehiyo. Nakipag hiwalay ang dalaga kay EJ. Dahil bumalik na si Andrew at muling nagparamdam sa kaniya. Sa paglipas ng araw, naging si Andrew at Marga na. Official ng naging sila, dahil noon ay magka m.u lang ang dalawa... Masaya ang naging relasyon ni Andrew at Marga, ngunit parang hindi alam ng dalaga kung ano ba talaga ang kaniyang tunay na nararamdaman sa dalawang binata. Si Andrew na bumalik pagkatapos hindi biglang magparamdam sa kaniya? O si EJ na hindi nawala nung mga panahong kailangan niya ng makakausap at magpapagaan ng kaniyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD