OFFICIALLY IN A RELATIONSHIP.

439 Words
Lumipas ang ilang buwan pagkatapos sagutin ni Marga ang binata, ay masaya ang naging takbo ng relasyon ng dalawang magkasintahan.. December.. Dumating na ang Ika-labing pitong kaarawan ni Marga. Ipapakilala na niya si EJ sa kaniyang pamilya sa Maynila, sapagkat kilala na ito ng Mama at kapatid ni Marga na nasa Quezon City. Gusto ng dalaga na pormal ng ipakilala ang binata pamilha bilang nobyo nito. Dahil para sa dalaga ay walang araw na hindi siya naging masaya sa tuwing kasama niya si EJ. Marga : Ma, Sunduin ko lang si EJ sa labas. Mama lola : Osige, para mkilala na namin siya. Malayo palang ay tanaw na ni Marga ang kaniya nobyo malapit sa may gilid ng tulay na paparating kasama ang iba pa nilang kaibigan. Marga : B, ipapakilala na kita kila mama. Kinakabahan ka ba? EJ : Hindi naman B, masaya nga ako sa ipapakilala mo na ako bilang nobyo mo. Marga : Aba dapat lang, dahil ngayon lang ako nagpakilala ng taong mahal ko sa pamilya ko. At Ikaw ang pinaka swerteng pinalad na ipakilala ko. EJ : talaga B? talagang napaka swerte ko naman talaga na nakilala kita. Habang naglalakad ay pinagtitinginan sila Marga at EJ ng mga kapitbahay nito sa kanila lugar, sapagkat ngayon lang nagdala ang dalaga ng kaniyang nobyo at ipapakilala pa ito sa kanilang pamilya. EJ : magandang tanghali po. bati ng binata sa lola ng dalaga at nag bigay galang ang binata at nag mano sa lola ng dalaga. Mama lola : Magandang tanghali din. Maya maya pa ay nakita ni Marga na nag ki-kwentuhan na ang kaniyang lola at kaniyang nobyo. Maya maya pa ay dumating na din ang ibang mga kaibigan ng dalaga, kasama na dito si Nica na High School Friend ng dalaga. Mama lola : Alam mo bang ikaw lang ipinakilala ng apo ko samin? EJ : talaga po? Mama lola : Mama na lang din ang itawag mo sakin, kasi kahit mga kapitbahay namin ay Mama na din ang nakasanayang tawag sa akin. EJ : Osige po ma. Agad nakapalagayang loob ng matandang babae ang nobyo ng kaniyang apo. Pagktapos ipakilala ng apo ang kaniya nobyo, ay halos araw-araw na itong pumupunta sa bahay nila sa maynila. Huminto na din sa kolehiyo si Marga sapagkat hindi na kaya ng kanyang ina na siya ay pag aralin sa kolehiyo dahil sa laki ng kaniyann tuition fee. Nag trabaho sa isang fast food si Marga bilang isang crew. Nagtuloy-tuloy naman ang magandang relasyon ni Marga at EJ. Minsan pa nga ay mula sa Quezon city, pupuntahan pa nito ang dalaga sa kaniyang trabaho upang sunduin lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD