Maaga pa nakahanda na ako sa pagsama kay Reeve. Kanina ko pa pinagiisipan ang susunod na Move ko. "Kaya mo yan Max." Bulong ko sa isip ko. Saka huminga ng malalim. Maya maya nagpasya na akong lumabas ng silid ko. Nakita ko na kausap ni Reeve si George mukhang may hinahabilin siya dito. Ng makita ako ni George itinuro ako nito. Napatingin sa akin si Reeve. Nagpaalam na ito kay George. "Are you ready?" Tanong nito sa akin. Tumango ako. Nauna na ito lumakad papunta sa sasakyan. "So pano, alis na kami. Yung sinabi ko sayo wag mong kalimutan." Sabi niya kay George. " Wag kang magalala, hindi ko kakalimutan yun. Takot ko lang sayo. Basta mag enjoy ka sa biyahe." Sabi nito. Sabay tapik sa balikat ni Reeve. Saka tumawa ito ng nakakaloko. "Sira ulo." Sabi naman ni

