"Nasan ngayon si Papa?" Tanong ko dito. "Ano pa e di nasa malaking bahay." Sagot nito. Habang Chinicheck ang lagay ko. Saka huminga ng malalim. "Sa tingin ko makakauwi na ngayon si Tito sa bahay niyo. Dahil nagising kana. Saka ayos na naman ang lagay mo." Sabi ni Neal. Huminga ako ng malalim. " Bakit ba kasi tinamaan ka ngayon? Saka malala pa ang tama mo. Buti na lang nalapatan ka ng first aid at nadala ka agad. Kung nagkataon hindi kana aabot dito. " Sabi nito. Naalala ko ang nangyari. Nagaalala ako na iwan siya nun, sa totoo lang ayaw ko sana na maghiwalay kami kaso tama naman siya kaya napilitan akong pumayag. Ng marinig ko ang tawag ng grupo nila. Agad na pinuntahan namin sila.Agad ba pinasok namin ang unang silid na nakita ko. Nakakita kami ng nakatali na bihag ng pakakawalan k

