CHAPTER 1

2557 Words
“Miss, sorry po,” paghingi ng paumanhin ng isang lalaking pawisan at namumutla na ang mga labi. Panay naman ang pagsulyap nito sa kan’yang relo at mahahalatang nagmamadali. Napangiwi na lang si Mytha nang maramdaman ang panandaliang sakit bunsod ng kan’yang tama. Pero nang nakita n’yang natataranta na ang lalaki ay hinayaan n’ya na lang ito at agad na tinanggap ang paghingi nito ng tawad. Padagan namang tumakbo ang lalaki habang ang dalaga ay panay ang paghaplos sa tinamong tama. Nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalaga hanggang sa tuluyan na s’yang makarating sa kan’yang destinasyon.   Bago pa man pumasok sa loob ng gusali ay nakangiti muna s’yang napatigil sa labas at nakatingalang humahanga sa napakataas na gusali sa kan’yang harapan. “Help me pass this interview, Lord!” dasal ng dalaga. Kahit na nahihirapan dahilan ng nakasipit na folder sa kan’yang kili-kili ay pinagdaop ni Mytha ang mga palad at huminga ng malalim saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Pagkatapos nito ay pumasok na s’ya at daglian lumapit sa may counter o information desk pero may kadaldalan ang babae sa likod ng counter kaya naman ay naghintay s’ya ng halos kalahating oras bago nakausap ito. Napansin naman ng dalaga kung paano s’ya binigyan ng mapangutyang tingin ng babaeng pinipigilan ang ngiti na nasa kan’yang harapan. Napalunok na lang si Mytha dahil nakaramdam s’ya ng pagka-conscious bunsod ng ginawa ng babae. “M-Miss, s-saan po r-rito ang o-office of the e-executive?” Biglang pinawisan ang dalaga dahil unti-unting tinataas ng babae ang isa nitong kilay sa kan’ya. “Bawal kayong mag-walk-in run. Kailangan n’yo ng appointment bago kayo makaakyat sa itaas,” suplada nitong sagot. “M-miss, may a-appointment po a-ako run. T-tungkol po r-rito oh.” Agad na nilapag ni Mytha ang folder na may lamang copy ng kan’yang application letter at resume sa babae pero para pa itong nandidiri nung binuklat ito.   Muli naman s’yang tinignan mula ulo hanggang paa nito at bigla na lang ngumiti habang umiiling. Mas lalo namang bumaba ang kumpyansa sa sarili ng dalaga dahil sa kan’yang nasaksihang diskriminasyon. Matapos n’yang irapan si Mytha ay agad nitong binalik ang folder sa dalaga at pagkatapos ay kumuha ng hand sanitizer. Sunod nun ay biglang may tinawagan ang babae at mabilis naman itong sinagot ng nasa kabilang linya. Nakatingin lang si Mytha sa babae at nakikinig dito nang biglang sumimangot ito dahilan upang umiwas ng tingin ang dalaga.               Agad s’yang napatingin sa kan’yang relo at nakitang na-late na s’ya ng ilang minuto. “You may proceed to the elevator. Pindutin mo lang ‘yung number 65 sa operating panel. That’s the floor where the office of the executive is located,” masungit na saad ng babae. “S-salamat, M-miss,” pagpapasalamat ng dalaga sa kabila ng napipintong pagluha. Agad naman s’yang lumayo sa babae at nagtungo sa elevator. ‘Di n’ya mawari kung aling pakiramdam ang mas nangingibabaw sa kan’ya. Sawang-sawa na s’ya sa mapangutyang mga tingin ng mga nakapaligid sa kan’ya. Bagamat ganito ang kan’yang nararamdaman ay pilit n’ya ang sariling magpakatatag. Ayaw n’yang pangunahan ng kan’yang damdamin dahil baka mag-breakdown s’ya sa may elevator foyer, eh marami pa naman s’yang kasabay na nag-aabang na bumukas ito. Maya-maya’y bumukas na ang pinto ng elevator at daglian naman s’yang lumulan dito. Dahil maaga pa at kakapasok pa lang ng ilan sa mga empleyado rito ay marami s’yang nakasabay. Kulang na lang magsiksikan ang mga ito para lang makauna sapagkat halos lahat sa kanila ay mga pawang late. Bunsod ng bigat ng naramdaman ay ninanais ng dalagang umiyak pero dahil sa dami ng taong katabi n’yang lumulan sa elevator ay bumuntong-hininga na lang s’ya at pumikit. Sinubukan n’yang ibaon sa pinakarurok ng kan’yang isipan ang sama ng loob na pinag-almusal sa kan’ya ng babaeng nasa information desk. ‘Di nagtagal ay unti-unting lumiliit ang bilang ng mga taong nakasakay sa elevator. The majority of those inside have already made their way to their respective floors. Pero dahil sa pinakatuktok ng gusali ang destinasyon n’ya ay naiwan s’yang mag-isa sa loob nito. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pinto ng elevator at ang biglang bumungad sa kan’ya ay ang dalawa sa mga kasabayan n’ya nung initial interview. Nag-uusap ang mga ito at nagtititili habang pinag-uusapan kung gaano kagwapo ang lalaking kumausap sa kanila. Bigla namang tumahimik ang mga ito at napalingon sa malaking digital watch sa may information desk. “M-miss, may interview din ba kayo rito?” mayuming saad ni Mytha sa dalawa. Ang mga ngiting nagbakas sa kanilang mukha kani-kanina lang ay biglang nawala. “Opo, nung alas otso po nagsimula. Kakatapos lang din po namin,” saad nung isang halos kita na ang kaluluwa sa damit. Kung sa bagay ay may maipagmamalaki naman ito dahil bukod sa sexy ito ay may maganda ring mukha. “Ikaw ba ‘yung isang aplikante? Kanina pa kasi tawag ng tawag ‘yung HR sa’yo. ‘Di ka raw po sumasagot,” dagdag nung isang babae na bukod sa matangkad ay isang black beauty. Napalunok na lang si Mytha at biglang nakaramdam ng kaba. “’D-di na b-ba p-pwedeng humabol?” ‘Di masuri ng dalaga ang kan’yang nararamdaman. Kung kanina ay nagawa n’yang pigilan ang sariling umiyak, pero baka ngayon ‘di na. Nagtinginan lang ang dalawang babaeng kausap at bago pa makasagot ay biglang tumunog ang alarm mula sa loob ng nakabukas na elevator. Nag-prompt ito kung wala na bang sasakay dahil muli itong bababa sa ground floor. Agad namang sumakay rito ang mga babae. “Ah, Miss. Subukan n’yo na lang pong kausapin ‘yun HR. Antayin n’yo lang po ‘dyan sa may counter. Mauna na po kami sa’yo,” pagpapaalam nung isang babaeng maganda. “Miss, good luck!” dagdag pa nung matangkad na babae. Dahil sa magandang pakikitungo ng dalawa kay Mytha ay kahit papaano’y naibsan nito ang sama ng loob na naramdaman ng dalaga. May kaba pa rin s’yang nararamdaman pero muli s’yang pumikit at huminga ng malalim. Muli n’ya ring pinagdaop ang mga palad at taimtim na nagdasal na sana ay ‘di pa huli ang lahat at mabigyan pa s’ya ng pagkakataong ma-interview ng magiging boss n’ya. Sobrang tahimik ni Mytha at ‘di n’ya napansin ang pagdating ng HR na nakapamewang habang tahimik din na nakatingin sa kan’ya. Kalaunan, biglang naramdaman ng dalaga na may taong nakatingin sa kan’ya. Kaya naman, unti-unting n’yang dinilat ang mga mata at nakita ang babaeng naka-beige na ternong slim fit corporate attire. Mapapansin na may edad na ito dahil sa mga kaunting kulubot sa gilid ng kan’yang mga mata. Gayunpaman, mababatid ang gandang taglay ng babae kahit na nakataas ang isang kilay nito at nagtitiim. “Magandang umaga po, Ma’am,” maamong pagbati ni Mytha. Agad s’yang tumayo at humarap sa babaeng nakapamewang sa kan’yang harapan. “Anong maganda sa umaga?!” Napalunok na lang ng bahagya si Mytha at ‘di alam ang susunod na sasabihin para lang mapaamo ang babaeng kaharap. Maya-maya’y tumingin ang babae sa kan’yang relo. She then clicks her tongue and then shakes her head out of disbelief. “Quarter to nine na! ‘Di tama itong ginagawa mo,” paninermon ng babae. “Ba’t ‘di ka sumasagot sa tawag? Wala ka naman sa bundok, ba’t unattended ang phone mo?” Mas lalong naramdaman ni Mytha ang bukol sa kan’yang lalamunan. Biglang dinukot ni Mytha ang kan’yang phone sa likurang bulsa ng kan’yang maluwang na slacks at pagkatapos ay pinakita sa babae ang kinahinatnan ng kan’yang phone. Napakunot na lang ng nuo ang babae at biglang natigilan. Umabot ng ilang segundo bago muling bumalik ang ulirat nito. "Your sloppy behavior is not excused by a broken phone. Being this late in an interview reflects your attitude toward life in general," saad ng babae at pagkatapos ay bumuntong hininga. "I'm sorry, but I don't believe you're qualified for this position." Biglang gumuho ang mundo ni Mytha nang marinig ito mula sa HR. Gusto n’yang magreklamo at magdahilan pero walang lumalabas na salita mula sa kan’yang bibig. "You may now depart, Miss. The interview was finished fifteen minutes ago." Maaninag ang lungkot sa mga mata ni Mytha at napansin naman ito ng HR. Bumuntong-hininga ito at biglang lumambot. Ang galit at inis na kan’yang naramdaman ay biglang napalitan ng pagkahabag para sa dalaga. Kalaunan ay tinapik nito sa balikat si Mytha at pinaliwanag dito ang sitwasyon. "Even if I wanted to give you another chance, I don't get to call the shots. The CEO has finished the interview and has a prior engagement to attend to,” pagpapaliwanag ng HR Personnel. Nakatungo lang si Mytha at ‘di alam ang kan’yang susunod na gagawin. Ayaw n’ya pa sanang umalis pero kailangan dahil wala naman na s’yang mapapala pa rito. "I'm sorry about your circumstances. I wish you the best of luck in your future endeavors in other companies," mayuming saad ng babae at nauna nang nagtungo sa may elevator. “Jill!” May biglang tumawag sa babae dahilan upang mapalingon itong muli sa direksyon ng hallway. “Yes, Sir Jasper?” nakangiti nitong saad nang makaharap na ang lalaki. Si Mytha naman, dahan-dahang hinablot ang kan’yang shoulder bag at folder. Pagkatapos ay tumalikod na s’ya sa dalawang nag-uusap at unti-unting naglakad patungo sa elevator. “Wait! Stop!” biglang sigaw ng lalaki. Nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalaga dahil buong akala n’ya ay iba ang tinatawag nito. Nagulat na lang s’ya nang bigla s’yang hawakan sa balikat at pinalingon dito. “Aren’t you the woman from this morning?” pagtataka ni Jasper. Ang HR naman ay biglang napakunot ang noo dahil ‘di n’ya alam ang nangyayari. Nanlalaki ang mga mata ni Mytha na tumango bilang pagsagot sa tanong sa kan’ya ng lalaki. Biglang may kung anong nagrehistro sa utak ni Jasper kaya napalingon s’yang muli kay Jill. "Was she the third applicant who couldn't make it to the interview a few minutes ago?” Tumango lang ang babae at dahan-dahang lumapit kay Jasper. "I tried calling her a few times before the interview, Sir, but I couldn't get through to her. It's only now that I've discovered her phone is broken." Napanganga si Jasper nang mapagtanto kung ano ang posibleng nangyari. Akmang may sasabihin s’ya pero tumahimik lang muna at pinag-isipang mabuti ang kan’yang gagawin. "Get her ready for the interview. I'll go inside and inform the CEO about the third applicant,” saad nito at mabilis na tumalikod papunta sa opisina ng kan’yang amo. “But, Sir! Mr. Beaurlington said not to disturb him after the interview a while ago,” pagpipigil ni Jill kay Jasper. Dahil sa sinabi ng HR ay biglang bumalik ang lalaki at sinalaysay sa babae ang dahilan kung bakit ‘di nakahabol si Mytha sa interview kanina. “Muntik na naming s’yang masagasaan kaninang umaga. Kaya naman, naiintindihan ko kung bakit matagal s’yang nakarating. Baka dumaan pa s’ya sa clinic o kung saan pa.” “Pero, Sir, sabi kasi ni…” ‘Di na pinatapos ni Jasper ang babae. Mabilis s’yang nagtungo  sa silid upang sabihan ang kan’yang amo. Si Jill naman, wala nang nagawa kung ‘di ang bumuntong-hininga na lang at humarap muli sa dalaga. "It appears that the odds are in your favor, Miss,” nakangiting komento ng babae at pagkatapos ay sinabihan na si Mytha kung ano ang dapat n’yang gawin kapag nakaharap n’ya na ang CEO. Ang kaninang kaba na naramdaman ni Mytha ay mas lalong umigting at kahit na sobrang lamig sa paligid bunsod ng aircondition unit ay pinagpapawisan pa rin s’ya. ‘Di n’ya alam kung ano ang gagawin para mapanatag ang luob at matanggal ang nararamdamang kaba. Kalaunan ay muling lumabas si Jasper na nakangiti. Nag-nod lang s’ya bilang tanda upang lumapit sa kan’ya sina Mytha at si Jill. Napalingon naman ang dalaga sa paligid habang naglalakad sa mahabang hallway. Halos lahat ng mga taong nagtratrabaho sa kani-kanilang cubicle ay maayos ang suot. Kitang-kita ang bawat hubog ng kani-kanilang katawan at mababatid na puno ng palamuti ang mga mukha. Iilan lang din sa mga ito ang tumingin sa kan’ya sapagkat masyado silang nakatutok sa kan’ya kan’yang monitor. Because of it she becomes self-conscious when she realizes she is the only one in the room dressed ridiculously. She can see how she looks through the glass wall from what appears to be a conference room. Tumungo lang s’ya at biglang niyapos ang sarili upang mas sumikip ang suot na blazer sa katawan. Pero kahit anong gawin n’ya, talagang huli na ang lahat at nakaramdam s’ya ng pagsisisi kung bakit ‘di s’ya bumili ng bagong corporate attire para sana sa interview ngayon. “Just be yourself and answer all his questions,” nakangiting saad ni Jasper dahilan upang mapangiti na rin ang mahinhing dalaga na kaharap. Nasa labas na sila ng pintuan. Maya-maya’y lumingon naman ito sa direksyon ni Jill, “Hinatayin mo lang ako dito sa labas, Jill. I'll have her settle in, and then we can go down to the HR Department and get the files the young master requires." Pagkatapos nito ay pumasok na sila sa loob. Napanganga na lang si Mytha nang mapansin ang napakalawak na opisina ng CEO. Halos buong kalahati ng floor na ito ay nasakop ng opisina n’ya. Ang tanging pumapagitan lang ng malawak na silid nito at ng kan’yang mga tauhan sa labas ay ang tinted fiber glass wall. Sa may pinto naman, bubungad sa mga bisita ang isang malaking mesa. May dalawa itong phone sa bandang harapan, isang widescreen monitor at dalawang file organizing cabinet sa likod nito.  Agad napagtanto ng dalaga na ang mesang nasa tapat ng pinto ay ang lugar kung saan pupwesto ang sekretarya. Sa bandang dulo ng silid sa may gitna, nakapuwesto ang malaking itim na mesa. Halos lahat ng mga desinyong makikita sa loob ay naglalaro lang sa dalawang kulay – puti at itim. Napailing na lang si Mytha dahil ang kan’yang nakita ay parang ‘yung mga opisina na nakikita lang sa mga palabas. Nagpatuloy lang ang kan’yang pagsuri sa buong paligid hanggang sa tumambad sa kan’yang mga mata ang isang matipuno at matangkad na lalaking nakatalikod sa may balcony. Nakadungaw ito sa abalang syudad habang may kausap sa kan’yang phone. Sumunod lang s’ya kay Jasper habang unti-unting lumalapit sa lalaking nakatalikod. Narinig naman ni Mytha kung gaano ka lalim ang boses nito. Magkasintulad ng boses ng paborito n’yang voice actor na gumanap bilang Howl sa English Dubbed ng animation movie na Howl’s Moving Castle. Maya-maya’y biglang umihip ng malakas ang hangin kaya naman ang bangong taglay ng lalaki ay umabot hanggang kay Mytha. Napapikit na lang ang dalaga sapagkat nakakapang-akit ang simoy ng hanging nanunukso ng kan’yang pang-amoy. A scent capable of dulling one's senses.               “Sir, I’d like you to meet the third and last applicant for the position of secretary in your office,” biglang nagsalita si jasper kaya naman, naimulat agad-agad ng dalaga ang kan’yang mga mata. Daglian din s’yang namula sapagkat, akala n’ya ay nahuli s’ya ng katabing lalaki.               Kasabay ng pagbanggit ni Jasper kay Mytha ay ang pagbaba ni Markle ng kan’yang phone. Matapos itong ibalik sa kan’yang bulsa ay unti-unting lumingon ang CEO sa direksyon ng babae.               Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang maaninag ang kagwapuhan ng lalaki. Napanganga rin ng kaunti ang kan’yang bibig at biglang natigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD