Tulalang naglalakad patungo sa kan’yang apartment si Mytha.
Hanggang sa kan’yang pag-uwi ay baon n’ya ang sukdulang pagtibok ng puso na dinulot ng lalaking ngayon laman n’ya nakita.
‘Di n’ya mapigilang mainis sa sarili dahil sa kan’yang palagay, sa mga mata ni Markle, ay isa s’yang hamak na babaeng kaya nitong paikutin sa kan’yang mga daliri.
Nagtaka rin s’ya kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ng katawan n’ya lalo nang lumapit ito sa kan’ya. Sanay naman s’yang ma-intimidate sa mga taong nakapaligid sa kan’ya. It's just that, despite his godly looks and hot body, Markle has a dark side. And Mytha is ecstatic about it.
Mabilis n’yang binuksan ang pinto ng bahay , pumasok at pagkatapos na isarado ito ay daglian nagtungo sa kan’yang higaan at sinubsob ang mukha rito sabay sumigaw ng pagkalakas-lakas.
Matapos na ilabas ang nararamdaman ay agad s’yang timihaya. Pawisan, namumula, at hinahabol ang kan’yang hininga habang nakatingin sa may ceiling.
When she gathers herself, she realizes she's clutching at something. Napalunok s’ya at dahan-dahang tinaas ang kamay.
Nanlaki na lang ang kan’yang mga mata nang makitang hinahawakan n’ya pa rin ang scarf na sinabit ni Markle sa kan’ya kanina.
Mabilis n’ya itong naitapon sa malapit na salamin na para bang gulat na gulat s’ya kung paano napapasakamay n’ya iyon. Napauno na lang s’ya mula sa pagkakahiga at marahang sumandal sa may headrest ng kama.
Dito n’ya na binalikan ang lahat ng nangyari.
“Teka! Hawak-hawak ko ba ‘yan mula sa kan’yang opisina hanggang sa pag-uwi ko?” ‘di n’ya makapaniwalang saad.
Unti-unting nagsilitawan ang mga larawan sa kan’yang isipan.
Kaya pala pinagtitinginan s’ya at pinagbubulungan ng mga tao nung lumabas na s’ya mula sa opisina ni Markle.
Hanggang sa kan’yang pagbaba ay nagtila bubuyog ang mga bibig ng mga taong nakapaligid sa kan’ya. Natapos lang ito nang tuluyan na s’yang makaalis mula sa gusaling akala n’ya ay magbibigay na sa kan’ya ng kan’yang pangarap na trabaho.
Gayunpaman, kahit na batid n’ya sa sariling wala s’yang binatbat sa dalawang kasabayang mas nauna sa kan’ya. ‘Di n’ya pa rin mapigilang manghinayang sa oportunidad.
Ang Saphire Holdings and Enterprises kasi ay isa sa leading company sa buong mundo in terms of manufacturing, investments, and communications technologies.
Magandang stepping-stone sana ang makapagtrabaho rito dahil madalas na mga empleyadong nanggaling at nagsimula sa SHE ay malaki ang posibilidad na maging executive o magkaroon ng mas mataas na paycheck.
Pinanghihinaan man ng loob ang dalaga dahil sa pagkakaroon ng slim chance na mapiling maging sekretarya ni Markle, sa kan’yang saloobin ay nagpapasalamat pa rin s’ya dahil kahit papaano, nakilala n’ya ang CEO ng naturang kompanya.
Maya-maya’y bigla na lang nang-init ang kan’yang mga pisngi.
When she raises her head, she sees herself in the mirror. And her reaction to thinking about Markle astounds her. She's happy!
Nagi-guilty s’ya sa kan’yang nararamdaman pero nandun din ang kilig.
Muli n’yang binalikan ang naging pag-uusap nila. ‘Di s’ya makapaniwalang sa tanang buhay n’ya, nakilala n’ya ang isang taong halos perpekto na lahat.
He possesses everything! He's wealthy and stunningly attractive. He's also a brilliant man who has been recognized all over the world for his significant contributions to the field of communication technology.
Napalunok na lang s’ya nang maalala ang nakakaakit na mukha ni Markle lalo na nung tumayo ito sa kan’yang harapan at nakatungo sa kan’ya. At muli, sinabayan ito ng matamis na ngiti.
Habang patuloy na kinikilig, biglang naibaling ng dalaga ang kan’yang mga tingin sa scarf ni Markle na nasa ibabaw ng kan’yang salamin.
Para s’yang tinatawag nito. Kagaya ng may-ari ay para s’yang inaakit nito.
Mabilis s’yang tumayo sabay dahan-dahang lumapit dito. Dahan-dahan n’yang hinaplos ang tela nito habang ngumingiti.
Bigla namang sumagi sa kan’yang isipan ang larawan ng lalaking nakaharap sa kan’ya habang nililipad ng hangin ang stripes ng pula at itim nitong scarf.
Agad n’ya itong hinablot mula sa pagkakasabit sabay bumalik sa paanan ng kan’yang higaan. Napatingin s’ya sa paligid at sinigurong walang ibang tao ang makakakita sa gagawin n’ya.
Kahit na alam n’yang mag-isa lang s’ya sa apartment, dahil sa kaba ay nakalimutan n’ya ang katotohanang ito.
Unti-unting tinaas ni Mytha ang scarf ni Markle hanggang sa tuluyan n’ya na itong maamoy muli.
Napapikit n’ya na lang ang kan’yang mata at agad na napahiga sa kan’yang kama.
Sininghot n’yang mabuti ang kumapit na bango ng binata sa scarf nito. Nakangiti s’ya ng parang hibang habang iniisip ang lalaking nakayakap sa kan’ya.
Naputol lang ang kan’yang pagdi-daydream nang biglang tumunog ang kan’yang phone. Napakunot na lang ang kan’yang nuo sa pagkagulat. Ang alam n’ya kasi ay sira na ito buhat nang kan’ya itong maupuan nung malapit na s’yang masagasaan kanina.
Imbes na pagtuunan ng pansin ang mga walang kwentang bagay, sinagot n’ya na lamang ang tumatawag sa pamamagitan ng pagpindot sa volume key ng phone n’ya. ‘Di na kasi gumagana ang touchscreen nito.
Nag-ayos muna si Mytha ng kan’yang sarili na para bang may kaharap na tao. Pagkatapos nito, sinagot n’ya na ang tawag gamit ang kan’yang mayumi at inosenteng boses.
“Hello, this is Mytha Crysanth Rodriguez po. May I know who this is?” magalang nitong bulalas.
Matagal bago sumagot ang babae sa kabilang linya dahil parang may kausap pa ito. Muling binalik ni Mytha ang kan’yang sinabi at sa pagkakataong ito, nagsalita na rin ang babaeng na nasa kabilang linya.
“Hi, this is Debbie Paniola, HR Supervisor from the Talent Acquisition Section of Saphire Holdings and Enterprises,” pagputol ng babae.
Bigla namang may parang suspenseful music na tumugtog sa paligid ni Mytha na mas lalong nagpaigting ng kabang nararamdaman.
“It’s nice to know you po, Ma’am,” magalang na pagkilala ni Mytha sa babae.
“I would like to inform you about the result of the interview you just had this morning,” pambibitin nito. Ang kabang naramdaman ni Mytha ay nahaluan ng inis bunsod ng ginagawa ng babae.
“Congratulations! You passed the final interview for the position of executive secretary for Mr. Markle Beaurlington,” masaya nitong saad.
Nanlaki ang mga mata ni Mytha at napasigaw pero walang lumalabas na tinig sa kan’yang bibig. Panay rin ang kan’yang pagtatatalon at ‘di makapaniwalang sa kabila ng mga mali n’yang gestures na pinakita nung interview ay s’ya pa rin ang napili ng CEO na maging secretary.
Dahil ‘di s’ya sumasagot sa kausap mula sa kabilang linya, nagtaka ito.
‘’Hello po? Tao po? Nand’yan pa po ba kayo, Miss?” pag-uusisa ng babae.
“Helloooo?” Muli nitong pagtatawag.
Si Mytha naman, napaluhod na lang at panay pa rin ang kan’yang pagsigaw. Naririnig n’ya man ang babaeng nagsasalita ay ‘di n’ya ito kinakausap o sinasagot.
“Hello po? Maari n’yo po ba akong kausapin?” Mahahalatang naiinis na ang babae dahil paminsan-minsan nagmo-murmur ito na para raw pipe ang kan’yang kausap.
When Mytha realizes that the HR department may reverse its decision, she gathers what little energy she has left and begins to answer the woman on the other end of the line.
“Miss, nandito lang po ako,” mayuming saad ni Mytha. Humingi rin s’ya ng paumanhin sa babae dahil sa ‘di agad pagsagot dito.
“Congratulations po ulit,” saad ng babae na kumakalma na rin.
“Thank you po for this opportunity na binigay po ninyo sa’kin,” nahahati ang nararamdaman ni Mytha. Masaya s’ya sapagkat isa itong kahanga-hangang balita para sa kan’ya. Pero ‘di n’ya rin maitago ang lungkot na naramdaman sapagkat wala s’yang ibang mapagsasabihan sa kan’yang first milestone na nakamtan.
“I am just relaying the decision that has been made by the CEO, Miss,” pagpapaliwanag ng babae.
Tumango lang si Mytha kahit na wala namang makakakita sa kan’ya. Ngayon, unti-unti nang dumaloy ang luha sa kan’yang mga mata.
Nagulat naman s’ya sa naging reaksyon n’ya sa balita. Napatanong n’ya rin ang sarili kung ito ba ang tinatawag nilang tears of joy.
"And, by the way, Miss. Can you meet all of your pertinent papers by Monday? You are instructed to begin as soon as possible," pagbabalita nito kay Mytha.
Nagpunas muna ng luha ang dalaga bago sumagot. “Nai-comply ko na po ang mga requirements ko po bago pa po ako nagsimulang maghanap ng trabaho.”
“Really? That’s good, then,” masayang waring ng babae. “Can you please come here on Friday so we can give you your job order? We will also talk about your salary then.”
“Yes po, I’ll be there on Friday,” nakangiting sagot ng dalaga.
“Okay po, see you then. Once again, congratulations po ulit. Thank you.”
At pagkatapos nito, binaba na ng babae ang tawag. Si Mytha naman, napatingin na lang sa scarf na para bang ito si Markle.
Nagpapasalamat s’ya ng husto rito at nilahad n’ya ang buong saloobin. Pinangako n’ya rin na magiging masipag at mabait s’yang sekretarya rito at lahat ay gagawin n’ya para lang mapasaya ito bilang kabayaran ng pagbigay nito ng tyansa na makapaglingkod sa kan’ya.
Binuhos n’yang lahat ang kan’yang luha hanggang sa muling bumalik sa kan’ya ang sinabi kanina ng lalaki.
‘I want my scarf on Monday…’
‘I want my scarf on Monday…’
Bigla na lang s’yang napatigil sa kan’yang pag-iyak at napakunot ang kan’yang noo.
“Nakapagdesisyon na ba s’ya bago pa ako makauwi?” bulalas ng dalaga.
Muli s’yang napalunok at natigilan. Nakatutok ang kan’yang mga mata sa kawalan at ang pusong nabibigatan kani-kanina lang ay biglang gumaan sa ‘di malamang dahilan.
Dahil dito ay muling inamoy ni Mytha ang scarf na pinahiram sa kan’ya ng boss sabay nakangiti at tuwang tuwa sa mga nangyayari.
Muli rin s’yang napahiga sa kan’yang kama sabay nagtititili ng mag-isa. Nagagawa n’ya ito sapagkat mag-isa lang s’ya at walang taong makakakita sa kan’ya.
Matapos na ihiyaw ang kilig na nadarama, ay bigla n’yang naisip na i-research ang kan’yang amo sa internet.
Huli na nang maalala n’ya na nasira na pala ang kan’yang phone at mahirap na itong gamitin.
Kaya naman, muli s’yang tumayo at nagtungo sa kan’yang cabinet. May kinuha s’yang lumang planner sa ilalim ng kan’yang mga damit saka dinala itong patungo sa higaan.
Nung buksan n’ya ito, nakita n’ya ang isang sobre na nakaipit sa gitna ng planner. Agad n’yang tinignan ang laman nito.
“Kakasya pa kaya ito bago ako makasahod?” kahit na ‘di n’ya pa napermahan ang job order, panatag na ang loob ng dalaga.
May natitira pa naman s’yang pera na nakuha n’ya buhat nang ibenta ang mga alagang hayop ng yumaong lola. Dahil ‘di n’ya kayang alagaan ang lahat ng ito ay napagdesisyunan n’yang ibagbili na lang ito upang may magamit din s’yang pantustos sa mga importante n’yang gagawin sa malaking syudad.
Binilang n’ya ito at laking gulat n’ya na ang laking pera na pala ang nawala sa kan’ya mula nang makatungtong s’ya dito.
“May eighty thousand pesos pa naman ako dito,” bulalas n’ya sabay napakamot ng kan’yang tuktok.
“Ito, ibibili ko ng bagong phone. Gagastusan ko ito dahil kailangan ko ito sa trabaho,” malungkot nitong saad habang tinatabi ang labin-limang libong peso.
“Ito naman sa damit,” saad n’ya sabay nagtabi ng limang libong peso.
Muli n’yang binilang ang natirang pera at napapikit na lang ito nang mapansin na sobrang bilis gastusin ng perang dala n’ya.
Pagkatapos nito, muli n’ya nang pinasok sa sobre ang salapi at inipit sa kan’yang lumang planner. At agad itong tinago sa ilalim ng kan’yang mga damitl.
Biglang napatigil sa harapan ng salamin ang dalaga at dito n’ya napansin ang nakakasurang porma.
Sobrang pinaglipasan na nga ng panahon ang suot n’yang damit. Naisipan n’ya rin na kung magiging secretary s’ya ni Markle, kailangan n’yang mag bihis ng maayos at pormal. Maliban kasi sa kung anong sabihin ng ibang tao, baka ang mas malala pa ay ang gawin s’yang katatawanan ni Markle.
Habang tinitignan ang sarili sa salamin ay muli n’yang naalala ang mga porma, ayos at pananamit ng mga empleyado sa executive floor kanina.
Nagtila nakayapos sa kanilang katawan ang mga suot nilang damit dahil kitang-kita ang hubog ng kanilang katawan na para bang ang suot nilang mga damit ay ginawa para lang sa kanila.
Mas lalo ring gumanda ang mga babaeng kan’yang nakita sa kanilang kan’ya-kan’yang cubicle dahil sa mga kolorete sa kanilang mga mukha.
Napalunok na lang si Mytha at kinumpara ang sarili sa kanila.
Dahil dito ay muli n’yang kinuha ang salapi na tinago at pagkatapos ay mabilis na nagbihis ng normal na panglakad na damit.
Lulan ng taxi ay mabilis s’yang nagtungo sa isang mall upang unahing bilhin ang isang high-end at magandang phone. Pagkatapos nito ay napadaan din s’ya sa department store upang magtingin-tingin ng mga murang damit.
Natapos ang kan’yang araw na masaya.
Dahil panay rin ang kan’yang pagsinghot sa scarf ni Markle ay tuluyan nang nawala ang bangong taglay nito kaya naman nilabhan n’ya na lamang ito.