Chapter 23 “Anong nangyari?” tanong ko sa sarili ko ng makita ang mga naka-hilerang mga katulong. Napansin ko naman si Tita at Tito nan aka-tayo sa harap nila samantala si Andrew ay prenteng naka-upo. “Good morning” Bati ko at humilera sa mga katulong. “Wag ka dyan” sabay hila ni Andrew pa-upo sa tabi n’ya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang malaki n’yang ngiti, inirapan ko nalang s’ya para malaman n’ya na wala ako sa mood. “Umamin na kayo kung sino ang kumuha non!” galit na sabi ni Tita. Naka-yuko lang silang lahat at walang nag sasalita. Ano bang nangyayari? “May kumuha nang singsing ni mommy” nanlaki ang mata ko sa sinabi n’ya. Seryoso? Alam ko lahat ng mga katulong dito ay pinag-aaral ng pamilyang Sanchez. Ang mga iba ay college at iba naman ay pinag-aaral ang anak katulad n

