Maaga akong bumangon para mag handa ng pag kain ng Shokoy kong amo, kahit naman ay may kasunduan kami ay kailangan ko pa rin s’ya pag silbihan. Nakaka-bwisit lang dahil pati sa panaginip ko ay sinusundan n’ya ng kamaldituhan. Pakiramdam ko tuloy ay sa dalawang bagay s’ya pinag lihi, sa isang shokoy at isang taon na puno ng sama ng loob. “Manang ako nap o d’yan” lumapit ako kay manang at akmang kukunin ang hawak n’yang sandok ng ilayo n’ya sa akin. “Ako na ang bahala dito, ija. Gisingin mo nalang si Andrew at kakain na.” wala akong magawa kundi ang gawin ang sinabi n’ya. Wala pa naman akong alam sa amo ko, baka pag ako mag luto ng pag kain n’ya ay itapon nya lang dahil hindi n’ya na gustuhan. Walang tao sa buong bahay kundi ang mga katulong at si Andrew lang, nalaman ko na wala dito an

