Chapter 1

2937 Words
Justin's POV I stood straight in front of my Dad. Nasa wastong edad na ako pero para pa rin akong bata kung sermunan ni Dad na walang ibang ginawa sa buhay kundi ang magtrabaho magdamag. Matalim siyang nakatitig sa akin at nangawit na nga paa ko sa tatlong oras na nakatayo sa harap niya. "D-dad—" itinaas nito ang kanang kamay niya dahilan upang mapatigil ako sa aking sasabihin. "What are you doing in your life, Justin?" tanong ni Dad sa akin sa dismayadong tono. I was about to answer his question nang magsalita siyang muli. "Tingnan mo ang ginagawa mo sa business natin halos muntik ng malugi. Akala ko ba ay maayos ang pamamalakad mo sa ating negosyo pero bakit parang hinahayaan mo na lang?" dismayado niyang panenermon sa akin. "Dad, I'm sorry," nakayuko kong paumanhin sa kaniya. "Justin, kung anong problema niyo ni Estella, huwag mong idamay ang ating negosyo. Nag-aaway na naman ba kayo ni Estella?" Sandali akong nag-angat nang tingin, nakatitig sa akin si Dad. Alam na kaya niya? Tinitigan ko si Dad at sinusuri kung may alam na siya sa status namin subalit masyadong mahirap basahin ang iniisip ni Dad. "Wala na ba kayo?" seryosong tanong sa akin ni Dad. Umiwas ako ng tingin. "D-dad, alam mo namang hindi pa ako gaanong handa sa pagpapatakbo ng ating negosyo," wika ko at para ibaling sa iba ang usapan. Masyado kasi nila akong minadali sa paghahawak ng negosyo kahit ang kinuha ko namang kurso ay related sa business. "Son, you are our only child kaya naman seryosohin mo ang pamamalakad sa ating negosyo. Hindi maaaring ni isa sa negosyo natin ang malugi. Kailangan mong panatilihin ang kita nito at dapat maayos, hindi iyong nandoon ka nga sa opisina pero mababalitaan kong nakikipag-inuman ka na pala kina Mike at Kitian," pabuntong hininga niyang sabi na mas lalo akong napayuko. I know it's my fault, but I need Estella back. She's my drug that I need in my daily life. Her presence is my daily maintainance. Tinapik niya ang ibabaw ng center table dahilan para mapaangat ako ng tingin sa pagkagitla. "Iyong bagong hotel na ipinapatayo mo, nakatengga. Wala na ang iyong kaibigan para ipagpatuloy iyon. Ano bang balak mo? Porke wala siya hindi mo na rin itutuloy, nasa iyo naman ang plano 'di ba?" may bahid na inis na tanong ni Dad. Bumuntong hininga ako. "Dad—" "What's your plan now? Chilling like a highschool student? Naiwan ba ang utak mo, Justin?" umikot ang mga mata ko sa inis at bumusangot sa harap ni Dad. "Let me speak, will you?" naiinis kong sambit sa kaniya. Hindi man lang niya pakinggan ang side ko. "I am willing to be the CEO someday, but not now. I'm just starting and yes, I failed you but let me failed once, and let me know the lesson of what I have done. We are not the same Dad, yes, we are both men, but the way you think is different from me." pangangatuwiran ko. We are all human, but we have our different way of learning and thinking. "So what's your point?" Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga habang hindi inaalis ang tingin kay Mike. "Palagi ka kasing nasa Fatima y Dora University kaya ayan nasermunan ka ng Daddy mo." sabi niya sabay tawa sa akin na tila natuwa pang masermunan ako. "Masisisi mo ba ako sa gawain kong 'yon?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus inabala niya ang kaniyang sarili sa pagpili ng bulaklak. "Maganda ba 'to?" tanong niya sa akin sabay pakita ng hawak niyang bouquet of sunflowers. Mahina akong natawa sa kaniya. "Nakita mo lang 'yong  sunflower na damit ng babae kanina, ayan na bibilhin mo." tinawanan lang ako nito sabay tingin sa akin nito nang masama. "Nah! Hindi porket nakita ko lang 'yon bawal ng bumili ng sunflower? Sunflower is a meaningful flower, do you know why?" tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Simula noong naging sila ni Claire ay ibang-iba na siya sa dating Mike na nakilala ko. Tila naging seryosong lover boy ang babaero. "I don't care." walang gana kong sabi sa kaniya saka humalukipkip. "Kapag binigyan mo ang mahal mo ng sunflower ang ibig sabihin no'n, she is the sunshine of your day and she is the energizer you want for the whole day." sabay kindat niya sa akin. Tiningnan ko lang siya sa sinabi nito kaya isang batok ang natanggap ko mula sa kaniya. "Kung gusto mo sa'yo na lang itong sunflower nang maging maganda naman ang umaga mo," pang-aasar niya sa akin. "Bulaklak lang 'yan paanong gaganda ang araw ko? Araw ba 'yan?" pilosopo kong sambit saka tumalikod. Bakit pa kasi nakasalubong ko ang ugok na 'to kaya inaya niya akong bumili ng bulaklak para sa girlfriend niya. Lilihis na nga ako ng daan kanina para hindi niya ako makita subalit matalas ang paningin kaya bumusina siya sa harap ko. "Pabigay-bigay ka pa ng bulaklak, magbre-break din naman kayo."  nakanguso kong sambit na may kasamang pag-ngisi. Hinawakan ko ang petals ng pink rose sabay pitas dito na walang pag-aalinlangan. Hindi naman ako mapapansin. "Bakit ang bitter mo ngayon?" tanong nito sa akin at pinaningkitan. "Hindi ako bitter sadyang nagsasabi lang ako ng totoo. Paeffort-effort ka pa eh, iiwanan ka rin niyan kapag nagsawa," sabay iling ko sa kaniya. Bakit ba kasi ayaw nilang tanggapin na gano'n naman ang mangyayari? Hindi naman ako bitter sadyang sinasabi ko lang ang totoo sa likod nang nakasarado nilang mga mata. "Huwag ka namang ganiyan sa akin, porque wala lang kayo ni Estella." naiinis niyang sambit sa akin at ang sama ng tingin. "Alam mo bang saka ko lang na-realize no'ng wala na kami ni Estella?" nakangisi kong saad sa kaniya habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Ang ganda talaga niyang asarin. "Shut up, dude." inis nitong wika saka ito dumiretso sa counter. Pikon talaga ang isang ito, sinasabi lang naman ayaw pakinggan. Pinagmasdan ko ang nakursunadahan kong bouquet habang humahaba ang nguso. Ito 'yong palagi kong ibinibigay sa kaniya. A bouquet of white and yellow rose. Naalala ko pa 'yong araw na ang lapad ng ngiti niya nang tinanggap niya ang unang bouquet nang maging kami. Iyong hagikgik niyang nakakatuwa, iyong pisngi niyang tumataba kapag tumatawa at ang paghampas niya sa akin at ang pambu-bully sa maliit kong palad. "I miss you, Estella how about you?" pabulong kong tanong sa kawalan. Bumalik ako sa ulirat nang tapikin ni Mike ang likod ko. "Hoy! Anong sinesenti mo d'yan?" inis ko siyang tiningnan saka nilayuan. "Wala. Nabili mo na? Tara alis na tayo." malamig kong sabi bago ako lumabas. "Bakit hindi mo bilihin 'yon para ibigay kay Estella?" tanong nito sa akin nang lumabas. Sumimangot ako. "Sayang lang ang pera ko kung bibilihin ko pa 'yon para sa kaniya, basurahan lang din naman makikinabang." walang gana kong sambit sa kaniya bago pumasok sa kaniyang kotse. Inilagay niya sa backseat ang bili niyang bouquet saka sumakay na rin sa driver's seat. "Akala ko ba hindi mo siya titigilan sa pagsuyo pero bakit parang sumusuko ka ng suyuin siya?" umismid ako sa kaniya sabay baling sa labas ang tingin kasabay ng pag-andar ng kaniyang kotse. "Palagi niya akong itinutulak palayo. Sa bawat gano'n ang ginagawa niya nasasaktan at napapagod ako," sabi ko dahil sa totoo lang I am tired convincing her. Hindi ako tumigil na mahalin siya pero siguro tama na muna ang pagbubuntot ko sa kaniya. "If you love her you will do everything," payo ni Mike. "Everything? Do you know the feeling that you did everything but she can't appreciate all efforts you give?" tanong ko sa kaniya pabalik dahil alam ko, alam niya ang nararamdaman ko. Minsan na rin siyang naging aso sa kakahabol kay Claire kahit ayaw ni Claire sa kaniya. "I know the feeling, dude. I almost give up pero gumawa ako ng ibang paraan para hindi naman niya ako paulit-ulit itulak palayo." "So you pretend as Miles." sabi ko sa kaniya. "Yes," tumawa lang ako sa isinagot niya. His ways won't be effective for me if I will do it. Nangunot ang kaniyang noo sa akin at bahagyang tumaas ang isa nitong kilay. "What are you laughing at?" "Sorry, bro., hindi ako katulad mo. Madali akong mapagod pero puso ko ay hindi pa rin tumitigil sa pagtibok sa pangalan ni Estella." sabi ko. "Subukan mo lang naman baka malay mo effevtive rin," umiling ako bilang pagtanggi. "Parang sabon kasi 'yan bro., effective sa balat mo pero sa akin, hindi," paghahalintulad ko. "Kumbaga sensitive ang balat ko habang ang iyo ay hindi." Nagkibit-balikat lang siya. Iyong paraan niya ay hindi aayon sa babaeng mahal ko. "Malay mo parang si Claire lang pala kung suyuin si Estella mo," sambit niya. Saglit akong napaisip at tumaas ang aking isang kilay. Malayong-malayo ang ugali ni Estella kay Claire. Lahat naman ng mga babae may kasungitan pero may sobra at may katamtaman. Iba rin ang panlasa ng mga babae. Ang iba ay gustong-gusto magpasuyo pero ang iba ay gusto ng ilang araw na space bago kayo magkaayos. Hindi ko nga alam kung gaano katagal ko siya susuyuin hanggang sa maging akin ulit siya.  "Bahala na si tadhana ang gagawa sa kapalaran namin. Kung hindi kami bibigyan ng pangalawang pagkakataon, tatanggapin ko na lang dahil iyon ang tadhana naming dalawa ang maging mag-ex." sambit ko. Baka kasi kaya kami naghiwalay dahil hindi kami para sa isa't isa. Hindi ko lang talaga matanggap na wala na kaming dalawa. Kahit dalawang buwan na kaming not in a relationship, hinahanap-hanap ko pa rin ang presensya niya. Naninibago pa rin ako. "Ibaba mo na lang ako d'yan sa tabi, hindi na kita sasamahan." utos ko sa kaniya. Maglalambingan lang sila sa harap ko at magiging ewan lang ako sa dalawa. Baka masapak ko pa nga itong si Mike kapag sakaling sasama ako para mabawasan ang kaguwpuhan at hiwalayan siya ni Claire. "Sigurado ka? Baka mamaya ma-kidnap ka diyan o 'di kaya'y ma-holdap tapos tatawagan ang Dad mo." tumatawa niyang paninigurado sa akin. "Anong akala mo sa akin bata?" inis kong tanong sa kaniya dahil para naman akong bata kung ituring niya. "Malay mo lang bro., mayaman ka pa naman kaya ihatid na kita sa pupuntahan mo. Saan ba?" nakangisi nitong tanong sa akin nang lingunin niya ako sandali. Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo ng alamin kung saan ako pupunta." malamig kong saad sa kaniya. Aasrin lang niya ako kapag sinabi kong sa Fatima y Dora University ako tutungo. "Kahit hindi ko na alamin alam kong sa Fatima y Dora ka pupunta," nakangisi niyang sambit. "Hindi do'n. Sa sidewalk ako pupunta." palusot kong sagot. "Talaga? Aminin mo na lang kasi na doon ka talaga pupunta para maihatid kita. Naaawa naman ako sa'yo baka umitim ka niyan bigla kapag ibinaba kita at ako pa ang sisishin mo." hindi na ako sumagot sa kaniya dahil may punto naman siya. Nagkuwento pa siya tungkol sa kanilang dalawa ngunit  panay ang ngiwi ko. Hindi ako sumasagot sapagkat nakikinig lang ako. Wala akong pakialam sa buhay pag-ibig niya, nakaka-ampalaya pakinggan. Palinga-linga ako at tumahimik. May mga iniisip na mga bagay. Isinasaisip ang mga gagawin ko sa aming negosyo. Bakit ba kasi ako ang magmamana? Malalim akong bumuntong-hininga. "How's your family business?" tanong ko. "Wala akong pakialam diyan, I moved my position from excutive assistant as employee right now para mabigyan ko ng oras si Claire." tumango ako. "You are giving her too much time. How about her?" tanong ko. Napansin kong napawi ang malaad niyang ngiti, napalitan ito ng maliit na ngiti sa labi. "She's too busy but she still have time for our relationship." sagot niya. Tumingin ako sa bintana upang igala ang mga mata ko kung nasaan na ba kami. "To be honest," napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya. Waiting him to speak. "Nag-away na naman kami. I don't know kung bakit bigla siyang nagsusungit sa akin pero sa pagkakaalala ko wala naman akong ginawa sa kaniya. Sinabi ko lang naman sa kaniyang kumain na siya at huwag magbabad masyado sa trabaho pero para siyang bulkan na bigla na lang nag-errupt sa inis." kuwento niya. Kaya pala napabili ng wala sa oras ang ugok na ito ng bulaklak para ibigay kay Claire. Akala ko ba happy ang dalawang ito dahil kanina pa siya kuwento nang kuwento ng kanilang masasayang moments. "Intindihin mo na lang siya. Baka pagod lang at may nakainisang empleyado kaya sa'yo naibuntong." sabi ko sa kaniya na baka iyon nga ang dahilan. Kaya pala may pabulaklak ang ugok na 'to para manuyo ng sinusumpong na girlfriend. Nagkibit-balikat siya saka sunod-sunod na napabuntong hininga. "Siguro, pero parang palagi naman yata kaya minsan hindi ko na rin maiwasang mainis din," malungkot niyang saad. "Malay ko sa inyong dalawa. Ayusin niyo na 'yang away niyo baka mamaya maging break up pa 'yan." sabi ko sa kaniya. Kahit bitter ako sa pag-ibig ngayon, ayokong maghiwalay sila. I know how Mike love Claire so much and I witnessed Mike's love for Claire. He did everything, nagtiis siya ng isang taon mahigit para maging kaniya lang ang babaeng minahal niya kahit na mahilig ito sa mga babae. Itinapat niya ang kaniyang kotse sa harap ng university. Tinanggal ko ang seatbealt at bago bumaba ay may pahabol pa akong sinabi. "Huwag kang mapagod sa pagsuyo sa kaniya tuwing ikaw ang napagbubuntungan niya ng inis. Understand her because you love her." tinapik ko siya sa balikat saka bumaba. Matuwid akong nakatayo sa tapat ng malaking gate. Pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng school. Huminga ako nang malalim. "Tama bang dito ako dumiretso imbes na magliwaliw sa mall?" tanong ko sa aking isipan. Pumasok ako at hinanap ang building kung nasaan si Estella. Nasa tapat ako ng nakasarang pinto ng science department habang nakataas ang aking kamay, nakaambang kakatok sa pinto. Dumikit ang kamao ko ngunit hindi nagkaroon ng anumang ingay sapagkat hindi ako kumatok. Umurong bigla ang aking sarili sa kaisipang kikitain ko si Estella. Baka kasi daanan lang niya ako na parang hangin o baka ipagtabuyan na naman niya ako palayo. Nagsitayuan ang aking balahibo sa batok nang marinig ko ang pamilyar na boses. Ang boses na paborito kong tinig ay muling dumaloy sa aking tenga. "Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong sa akin. Sumikip bigla ang puso ko sa lamig ng kaniyang tinig. Lumingon ako sa kaniya nang dahan-dahan. Akala ko ay magugulat siya kapag makikita niya ako subalit bored ang ekspresyon niya ang sumalubong sa akin. "N-napadaan lang ako pa-para..." tumaas ang isa niyang kilay sa akin kaya't nawala ako sa aking sinasabi. Umalis ako sa harap ng pinto nang nakatitig lang siya sa akin. Pinanood ko na lamang siyang pihitin niya ang door knob saka tuluyang pumasok na wala man lang sinabi o tipid na ngiti man lang na ibinigay sa akin. Napahiya ako sa ginawa niya kaya minabuti kong tumalikod na lamang at lisanin ang university. Ibig sabihin lang no'n ay ayaw niya akong makita. Ni hindi nga niya ako kinausap o ni tinawag man lang sa pangalan ko. Siguro nagsawa na sa pagmumukha ko at paulit-ulit niyang pagtataboy sa akin kaya hindi na niya ako pinansin. "Justin!" nag-angat ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Hinanap ko at si Melissa lang pala, akala ko si Estella. "Si Estella ba? Nando'n na siya sa science department hindi ba kayo nagkasalub—" pinutol ko ang kaniyang sinasabi. "Nagkasalubong na kami." malamig kong saad at nilagpasan siya. Dire-diretso akong naglakad paalis ng university. Imbes na mag-commute ay nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Hindi ko na inisip kung saan ako pupunta ngayon sapagkat nagpatianod na ako sa aking paa kung saan niya ako dadalhin. Tumapat at tumigil ang aking paa sa tapat ng restaurant, ang madalas naming pinupuntahan noong kami pa. Walking distance lang sa university na pinagtra-trabahuan niya. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa loob upang kumain nang may mahagip ang aking mga mata. Nilingon ko ang babaeng nilagpasan ako at sinundan ito ng tingin. "Racelle?" banggit ko sa pangalan niya.  Pinagmasdan ko siyang tumigil sa babaan at sakayan section. Nang makumpirma kong siya ay nilapitan ko ito at nakangiting tumabi sa kaniya. Hindi man lang niya ako pinansin. Ibinaba ko ang tingin ko at tinitigan siya. Nakasimangot ito habang abalang tinitignan ang hawak niyang portfolio. Mahina ko siyang binatukan dahilan para mapatingin siya sa akin. "Oh, Justin, ikaw pala." sabay ngiti niya nang malapad. "Problema mo?" tanong ko kaagad. Yumuko ako upang tingnan siya. "Okay lang ako." sagot niya. Tiningnan ko siya nang maigi. "Hindi. May problema ka, sabihin mo." Bumuntong hininga siya nang malalim halatang frustated na siya. "Dahil ba sa designs mo or kay Kitian?" tanong ko. Mapait siyang napangiti sa akin at bahagyang naluha. Nangunot naman ang noo ko dahil parang may mali akong nasabi. "Bakit?" nag-aalala at nagtataka kong tanong sa kaniya. "Hindi pa rin niya ako maalala." naiyak niyang sambit sa akin sabay takip sa kaniyang mukha gamit ang magkabila niyang palad. Isang buwan na. Isang buwan na siyang hindi maalala ni Kitian. Masakit talaga sa pakiramdam ang pag-ibig. Masakit ang hindi ka mapansin ng mahal mo kahit naalala ka niya at mas lalo yatang mas masakit kung iyong taong mahal mo ay hindi ka na niya naaalala. Hinagod ko ang likod niya at isinandal ang ulo nito sa aking dibdib. Naiintindihan ko ang pag-iyak niya at hinayaan ko lang siyang umiyak para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa puso. Hindi man patay pero alaala ng lalaking pinili niya ay nawala sa isang iglap dahil sa aksidente. "Don't give up, Racelle. Just don't."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD